Wave 22

2 1 0
                                    

Feelings

Tulala ako habang nasa byahe pauwi. Mabuti na lang at nasagot ko ng maayos ang tanong ni manong sa akin kung saan niya ako ihahatid.

Pinagbukasan ako ng pintuan ng isa naming kasambahay. Alam kong sinisipat niya ako ng tingin dahil sa ayos ko.

Nang makapasok ako ay nakita kong nagkakagulo ang buong bahay. Nakita kong nagmamadaling nagsuot ng sapatos si Daddy pero ng makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa akin.

"I almost got a heart attack after I heard the news. Ayos ka ang ba?" Itinaas ni Daddy ang mga braso ko at tiningnan. Sinipat niya din ang aking mukha.

"Thank God you are okay!" Narinig kong bulalas ni Mommy at nagmadaling bumaba ng hagdan. Niyakap niya kaagad ako. Hindi niya inalintanang madumi ako. Kumalas din naman siya ng yakap sa akin.

"Ihanda niyo nga ang pangligo at damit ni Seleste." Mando niya sa isang kasambahay at tumalima naman ito.

Katulad ng ginawa ni Daddy ay sinipat niya din ako.

"How's Nikolas? Okay lang ba siya?" Parang trigger ang tanong ni Mommy at muling bumuhos ang mga luha ko. Narinig ko siyang nag-utos na kumuha ng tubig. Pinaupo niya ako sa sofa.

"Nikolas was stabbed my', I-i saw it." Tinapik-tapik ako ni Daddy sa balikat, just like what he always does when I cry.

Pinatahan ako ni Mommy. Paulit-ulit niyang sinabi na magiging okay din ang lahat. Hinatid nila ako sa aking silid at pinapahinga.

Umalis muna si Daddy dahil may tumawag sa kaniya sa telepono. Si Mommy ang naiwan doon sa akin at nang lumabas ako ng banyo ay nandoon pa din siya.

Pinahiga niya ako sa kama. She started brushing my hair.

"I feel guilty Mommy, pakiramdam ko hindi dapat ako nagpapahinga dito at nandoon ako sa ospital nagbabantay kay Nikolas."

Mommy shushed me.

"Magpahinga ka, maiintindihan naman ng mga Demetriou kung bakit wala ka dun. You should rest. Na-trauma ka sa nakita mo kanina at hindi magandang dagdagan pa iyon."

"Huwag kang mag-alala tatawag ako sa mga Demetriou para ipaalalang nagpapahinga ka ngayon. Marami namang nagbabantay kay Nikolas doon."

"Pero my'," she shushed me again.

"Enough with the talking, sleep." Pumikit na lang ako tulad ng gusto niya. Natuluyan ako sa pagtulog. Nagising ako na hindi na mabigat ang pakiramdam. Parang malaking tulong ang pagtulog ko para maibsan iyon.

Mabilis na nagbihis ako para pumunta sa ospital. Bumaba kaagad ako pagkatapos. Palabas na sana ako ng sala ng makita ako ni Mommy, mukhang nasa kusina siya at may niluluto.

"Are you going to the hospital?" Tumango ako sa tanong niya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Nakatulog ako ng maayos Mommy. Magpapahatid po sana ako kay Manong George doon."

"I bought a basket of assorted fruits kanina. Alam kong pagkagising mo ay tutulak ka kaagad sa hospital. Kunin mo at nasa sala ko nilapag." Lumapit ako kay Mommy at humalik.

"Thank you Mommy, aalis na po ako." Tumango si Mommy at bumalik na sa kusina para tingnan ang niluluto niya.

Lumapit ako sa may mesa at nakita ko doon ang tinutukoy ni Mommy. Kinuha ko iyon at lumabas na.

Nakaantay na sa labas si Manong George. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Inuna kong nilapag ang basket bago umupo.

Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto ay nakarating na kami sa ospital. Ngayon ko lang napansin na isa pala ito sa mga ospital na sinusuplayan nila Mommy ng mga gamot.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon