Wave 13

2 1 0
                                    

Island Hopping

Narinig kong napasipol si Sancho pero binatukan ito ni Bernard. Si Cloud naman ay walang pakialam at mukhang busy sa pinag-uusapan nila ni Riley. Naglakad ako papalapit kela Heather. Nang makita ako ng dalawa ay natuwa sila.

"Ang sexy mo naman pala Ate." Si Yonce.

"Sana all," sambit naman ni Heather. Ngiti lang ang tugon ko sa kanila. Lumubog na ako sa maligamgam na tubig ng pool.

Parang nagngingitngit pa rin ang kalooban ko pero ayaw kong ipahalata kina Heather.

"Anong gusto niyong inumin girls?" Nakangiting tanong sa amin ni Bernard. Mukhang nag-umpisa na silang mag-order ng alak. Nagkakatuwaan na ang mga babaeng kasama nila.

Napa-iwas ako ng tingin ng makitang naglalakad si Nikolas papunta sa table nila. Pero nahagip ng paningin ko ang pagngiti ng kasama niyang babae kanina habang sinasalubong siya.

Is that one of his fling?

Well, hindi na nakakapagtaka iyon.

"Juice lang muna sa amin Kuya Bernard. Bawal pa kami ng iniinom niyo." Sagot ni Yonce.

"Hindi naman alak yung tinatanung kong gusto niyong inumin." Naningkit ang mata ni Bernard sa pinsan. "Anong flavor ng juice o drinks ang gusto niyo?"

"Ah, yun pala Kuya." Napakamot si Yonce. "Mango juice lang sa'kin Kuya."

"Ako din." Sabat ni Heather na ngayon ay nakasakay na sa swan na floater. Napabaling naman sa akin ang tingin ni Bernard.

"Juice din ba sayo?"

Tumango ako. "Oo, under age pa ko. Bawal pa ako ng alak."

"Under age ka?" Parang hindi ito makapaniwala. Natawa ako.

"I really thought you're the same age as Sancho. How old are you na ba?"

"Sixteen pa lang ako." Nanlaki ang mata niya.

"My, my, tingnan mo nga naman." Umiling-iling siya na parang hindi makapaniwala.

"Mukhang may makakasuhan dito ng pedophilia ah." Malakas na pagkasambit niya kaya lumingon sa direksyon namin sila Nikolas. Even the other girls ay napatingin sa amin.

Mukhang nagtataka kung bakit tumaas bigla ang boses ni Bernard. I saw Nikolas clenched his jaw.

Tumikhim naman si Cloud at inabot ang isang glass sa mesa.

"Sino naman kaya yan?" si Sancho na ngayon ay nakangisi. Nagkatinginan sila ni Bernard. Their brows went up and down.

Bumaling sa akin si Bernard at nang makita niya ang naguguluhan kong mukha ay nagsalita siya.

"Nevermind, I'm just kidding," bawi niya. Pero nadoon pa din ang ngisi sa kaniyang labi.

"Sige, maiwan ko na muna kayo. I'll just order your juice."

Tumalikod na siya sa amin. May nakita beach volleyball sila Heather kaya iyon ang pinaglaruan namin. Hindi sa amin sumasali si Geiya. Nandoon lang siya sa gilid ng pool.

Nakababa ang paa sa tubig habang kaharap ang cellphone. Nagtataka ako kung bakit hindi man lang siya sumali sa amin.

"Ayain kaya natin si Geiya? Kanina pa siya diyan sa tabi." Umiling si Heather sa suhestiyon ko.

"Pabayaan na muna natin siya. Napagalitan kasi yan kanina ni Kuya Niko. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan niya pero kapag si Kuya Niko na ang nagalit," inilagay niya ang kamay sa leeg at sumenyas na sin-lice iyon.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon