Wave 12

2 1 0
                                    

Cousins

"Celestine, right?" Napaangat ang tingin ko sa lalaking lumapit sa akin. Naalala ko, siya 'yung pinakilala ni Nikolas sa akin na pinsan niya. Tumango ako.

"Hi, ikaw si Bernard, diba?" Tumango din siya sa akin. Ibinaba ko muna ang hawak kong magazine sa tabi.

"I'm sorry to interrupt. Gusto ko lang itanong kong gusto mo bang sumama sa amin na mag-try ng water activities dito sa isla? Hindi kasi namin mahagilap si Cloud, nakita kita kaya ikaw na lang ang isasama namin. Gusto mo ba?" Mukhang nag-aalangan pa siya sa sinabi niya.

"Pero it's okay kung ayaw mo. Baka na trauma ka sa nangyari sayo noong nakaraang araw."

Nilingon ko ang mga kasamahan niya sa malayo. Nandoon si Geiya at nakatingin sa akin. May iilang babae at lalaki pa doon na nakatayo. Okay na naman ako.

"It's okay, sasama ako. Ayos lang ba?" Nginitian ko siya.

"Oo naman." Umaliwalas ang mukha ni Bernard at nag-approve sign sa kaniyang mga pinsan.

Lumapit ang mga ito at isa-isang nagpakilala.

"Hi, I'm Heather," sambit ng babaeng medyo chubby. She looks so cute. Siguro ay mas matanda ako sa kaniya ng isang taon.

"Yonce," inilahad ng isa pang babae ang kaniyang kamay. Tinanggap ko iyon.

"I'm Sancho," sambit ng lalaki na naka stripes. Parehos sila ng awra ni Nikolas. Parang playboy din yung datingan. Siya yung matagal na nakipag-kamay sa akin. Kung hindi pa ito sinaway ng isa ay ayaw pang bitawan ang kamay ko.

Mahabang introduction pa ang nangyari bago nila napag-isipan na gumayak na para i-try ang mga water activity ng resorts.

"Herrera ka di ba?" tanong sa akin ni Riley ng makita ang signage ng apelyedo namin na naka-engrave sa isang kahoy. "Kaano-ano mo yung may-ari ng resort?"

Humarap ang iba niyang pinsan sa akin. Ang mga babae kasi ay may fini-fill upan pa sa desk. Napansin kong hindi nila kasama si Nikolas.

"Uhm, Tito ko yung may-ari ng isla at resort." Nag-aalinlangan kong sabi. Nanlaki ang mata nila.

"Akalain mo ng naman oh. Hindi pala small time itong crush ni... hmp!" Hindi na naituloy ni Sancho ang sasabihin dahil tinakpan ni Bernard ang kaniyang bibig. Tinulak pa nito ang natatawang lalaki.

"Celestine! Ikaw na daw." Nakahalukipkip si Geiya ng tawagin ako. Kanina ko pa napapansin na parang naiinis siya sa akin na ewan. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang sa akin. Wala naman akong maalalang nagawa kong mali sa kaniya.

Lumapit ako sa desk at nagsulat. Napalingon ako ng umingay sila sa likod. Nalingunan kong pinagkakaguluhan nila si Nikolas at tinutukso. Napapakamot lang ang huli at sinasabayan ang mga pinsan.

Ibinaling ko na lang sa sinusulatan ang atensyon. Pagkatapos nun ay lumapit na ako sa kaniyang kumpol.

"Sabi mo hindi ka sasama, Kuya Niko?" Nakataas ang kilay ni Yonce sa kausap.

"I change my mind." Sagot ni Nikolas dito bago dumapo sa akin ang tingin.

Lumapit siya kinatatayuan ko.

"Ayos ka na ba?" tango lang ang tugon ko sa tanong niya. Tumabi ako para magaka-fill up na din siya.

Lumapit ako kay Bernard na mukhang inoobserbahan ang kaniyang pinsan.

"Halika na," aya ko sa kaniya sabay turo sa guide na nagpapaliwanag sa iba niyang pinsan kung anong dapat gawin.

Lumapit na kami doon at nakinig. Naramdaman kong tumabi sa akin si Nikolas.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon