Wave 24

1 1 0
                                    

More

Saktong 1:30 ay nagbihis na ako. Pinatawag ko si Mang George para ipahanda ang sasakyan namin. Pababa na ako sa hagdan ng mamataan ako ni Mommy.

"Where are you going?" Nakaupo siya ngayon sa sofa at mukhang nagta-tsa-a. Kakababa lang niya ng kaniyang telepono at mukhang may katawagan kanina.

"I'm going to school, my. Graduation po ngayon nila Nikolas. I want to watch." Tumango si Mommy sa sinabi ko.

"Your Tita Louise and Tito Ricardo called, they both congratulated you. May pinadala silang gift sayo pero mukhang made-delay iyon. Sinabihan mo ba si Manong George na babalik ka sa school? Huwag kang magpagabi." Lumapit ako kay Mommy at humalik.

"Opo my, sinabihan ko siya kanina. Tatawagan ko din po mamaya sila Tita. Magpapasalamat ako sa kanilang gift sa akin." Pinanood lang ako ni Mommy habang naglalakad ako palabas ng bahay. I wonder where is Daddy?

Saktong paglabas ko ng sasakyan namin ay naguumpisa na ang program para sa Grade 12. Kinapa ko ang cellphone ko para sana i-chat si Nikolas pero baka busy na siya ngayon at nandoon na sa loob.

Marami akong nakasalubong na kaklase ko. Ang iba sa kanila ay tinapunan ako ng masamang tingin at ang iba naman ay palakaibigang kumaway sa akin.

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa amin ni Nikolas.

As what I've expected, nakaupo na ang lahat ng estudyanteng ga-graduate sa may gitna. Mukhang kakatapos lang nilang mag-martsa. Naghanap ako ng mauupuan doon. May mga bakanteng bleachers sa gilid kaya doon ko napiling umupo.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kaya kinapa ko iyon at tiningnan. Napangiti ako ng makita ang message niya.

Nikolas:

Nandito kana ba?

Ako:

Yup ;) Hindi nga lang kita makita.

Iginala ko sa paligid ang paningin ko. Lahat ng estudyante sa gitna ay pare-parehos ang suot na toga. Nahirapan akong mahanap siya dahil sa hindi ko maaninag ng maayos ang mukha ng mga nakaupo.

Nikolas:

I'm on the third row on the left. Saan ka nakaupo?

Mabilis na binilang ko ang mga upuan. Nakita ko na siya. Lumilinga-linga din siya sa paligid at mukhang hinahanap ako.

Ako:

Nasa may bleachers ako nakaupo. Sa may kabila, medyo katabi ng screen.

Saktong pag-angat ng tingin ko at pagbaling sa kinaroroonan niya ay nagtama ang paningin namin. I cutely waved at him. I saw him smirk.

Nikolas:

Are you fine there? Hindi mo sinama si Marfori?

Ako:

Okay lang ako dito. Hindi yun sumama mukhang may lakad sila ng kaniyang pamilya.

Ibaba ko na sana ang aking cellphone nang muling tumunog iyon.

Nikolas:

Who's that guy at your back? Kanina ka pa niya tinitingnan.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Marahang bumaling ako sa aking likuran. Tama nga siya, may lalaking nakaupo sa likuran ko. May katabi itong dalawang babae sa bawat gilid. He looks cute. Nang makita niyang nilingon ko siya ay nag-iwas ito ng tingin at mukhang na-guilty. O baka feeling ko lang.

Ako:

I don't know him. Siguro kilala niya ako kaya tinitingnan niya.

Nakita kong siniko siya ng kaniyang katabi dahil sa hindi nito pakikinig sa nagsasalita sa harapan.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon