Wave 02

48 7 0
                                    

Visit

"Hoy Seleste!" Napabaling ang atensyon ko sa tumawag sa akin. Pinitik pa nito ang noo ko. Pinukol ko ng masamang tingin si Marfori na siyang may kagagawan nun.

"Bakit mo ginawa yun?" Sinapo ko ang masakit kong noo. "Ang sakit, ha." Inambahan ko siyang pipitikin din pero lumayo ang bruha.

"Kanina ka pa kasi tulala. May problema ka ba?"

Umiling ako bilang sagot.

Hinalo ko ang iniinom kong milktea. It's been five days simula ng mangyari ang kumusyong ginawa ni Nikolas sa gym. Simula din nun ay lalong uminit ang mata ni Sofia sa akin.

Everytime na dadaan ako sa harapan nila ng kanyang mga kagrupo ay pinupukol niya ako ng masamang tingin. Parang bang susugurin nila ako kung wala lang nakatingin. Hindi ko na lamang sila pinapansin at iniiwasan na lang.

Ayaw ko ng gulo, ok?

Starting that day, I also tried to avoid Nikolas. Hindi ko din alam kung bakit. Basta, I just feel uncomfortable kapag malapit o nandiyan siya. Feeling ko kasi nasa hot seat ako kung nakatingin siya sa akin.

One time ay napadaan ako sa building ng Senior High at nakasalubong ko siya. Our eyes locked for a second. Halos umatras ako at magtago sa sobrang kaba pero pinilit ko paring maglakad na parang 'di ako naapektuhan ng mga titig niya.

He then stopped walking and stares at me. Parang ini-enjoy niya ang reaksyon ko sa presensya niya. Yumuko ako at binilisan na lamang ang paglakad para malampasan ko siya.

"Pasesya pala last time ha, hindi kita nasamahang mag shopping." si Marfori.

"Okay lang Mar." maikli kong sagot sa kaniya. Nakunot ang nuo niya dahil sa sagot ko.

"Are you really okay Seleste? You're not yourself today. Para kang lutang ngayon. Kanina pa ako dada ng dada dito pero parang nasa ibang dimensyon yang utak mo."

Dinig ko pa ang tunog ng crackers na kinakain niya. Ang babaeng ito talaga, hindi muna inuubos ang pagkain sa bibig bago magsalita.

"Sorry, may iniisip lang ako. Dami kasi nating project ngayon." palusot ko. Kung sasabihin ko sa kaniya yung iniisip ko siguradong aasarin niya lang ako.

Napatigil ako sa akmang pag-inom ng milktea dahil sa pag-ingay ng Cafeteria. Sinundan ko kung saan ito nagmumula.

Halos tumakbo ako palabas ng makita kung sino pinagkakaguluhan nila.

I saw Nikolas –freaking- Dementriou sa entrance ng cafeteria. Sinalubong siya ng ibang lalaking estudyante at nakipag-high five. Mga kakilala niya siguro iyon sa lower grade.

"Is that Nikolas?!" narinig kong bulalas ng isang babae sa katabing table. Hindi ba halata?

"Nikolas? Nikolas Demetriou?" Lumingon ang kaniyang katabi. At nagkahaba-haba ang mga leeg nila sa pagsulyap sa Demetriou'ng nakikipagkumustahan sa mga lalaki sa entrance ng cafeteria.

"He's so hot!" impit na tili ng isang baklang may ribbon pa sa ulo. Nasa kabilang mesa lang ito malapit sa amin. Naiinis na tiningnan ko ang baklang iyon. Grade 8 ata ang isang ito.

Ang babata pa, ang haharot na.

Imunuwestra pa ng isang lalaki ang kanilang table kay Nikolas pero umiling ang huli. Tumayo lang siya doon at nakangiting binalingan ang mga babaeng bumabati dito. Ginala ni Nikolas ang paningin na parang may hinahanap.

"He doesn't usually go here. It's so unusual." Nilingon ko si Marfori.

"Unless there is someone he's gonna visit."

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon