Wave 11

2 1 0
                                    

Worry 

Hindi ko na alam kung nasaan na kami dahil nakayuko ang ulo ko. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pituan at pagturo ni Cloud kay Nikolas kung saan ako pauupuin. Mabuti na lang at may spare key ako ng suite namin. Siguro ay hinanap iyon ni Cloud sa pouch na dala ko kanina.

Wala sila Mommy at Daddy. Siguro ay nasa baba kasama nila Tito at namamasyal. Thank god! Ayaw kong mag-alala sila sa akin.

Nikolas put me down on my bed. Cloud handed me another towel to dry my hair. Umangat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nakatunghay sa akin.

I could see concern in Cloud's eyes. Parang may gusto siyang sabihin o gawin pero pinipigilan lang niya.

Si Nikolas ang unang bumasag sa katahimikan.

"I'll leave you here. Take a shower before you rest." Hindi ko natagalan ang titig niya sa akin. Yumuko ako at tiningnan na lang ang aking mga kamay. My fingers are pruning and slightly shaking.

Tinapik ni Cloud si Nikolas sa balikat at hinatid sa labas. Inangat ko ang mukha at sinundan silang dalawa ng tingin.

Narinig kong bumukas at sumara ang pintuan. Pagkatapos ay nakita ko uli si Cloud na nakasandal sa pintuan.

"May kailangan ka pa ba? Kung gusto mo ay tatawag ako ng doktor para i-check kung okay ka talaga. Siguro naman ay may medical practitioner sila Tito Ricardo rito sa isla." Mababakas ko pa din sa boses niya ang pag-aalala.

"Hindi na kailangan. Magpapahinga na lang ako... and please, huwag mong sabihin kela Mommy at Daddy ang tungkol sa nangayari." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"I don't want them to worry." Iniling-iling ni Cloud ang kaniyang ulo.

"Malamang ay mag-aalala ang mga iyon sa iyo Celestine. They're your parents. At muntikan ka ng malunod at malagay sa panganib ang buhay mo."

"Please Ulap, I don't want to ruin our vacation. Ayaw kong bigyan sila Mommy at Daddy ng alalahanin. Alam mo naman si Mommy diba? Nag-oover react yun kapag ako na ang pinag-uusapan. Magiging hysterical yun pag nalaman niya, baka mapa-aga pa ang uwi natin. Please Kuya Cloud..."

Kalaunan ay tumango siya. Tila sumusuko na sa pakikipagtalo sa akin.

"Sige makakaasa ka. For now, take a shower and rest. Ako na ang bahalang kumausap kay Tita Celine. Sasabihin ko na lang na napagod ka kaka-swimming. I hope na hindi kaagad makaabot kay Tito Ricard ang tungkol sa aksidente."

He walks toward me and patted my head. Narinig ko din ang kaniyang malalim na buntung-hininga. Alam kong sobra siyang nag-aalala sa akin.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay naglakad na siya palabas at isinara ang pintuan ng silid ko. I stared blankly at the closed door.

Lulugo-lugo akong pumasok sa bathroom at nagshower. Gusto kong maiyak habang nasa ilalim ako ng dutsa. Parang unti-unting nag-sink in sa akin ang nangyari.

I washed away the traces of sea salt and sand on my skin.

Pagkatapos nun ay nanghalungkat ako sa kabinet at naghanap ng maisusuot. Nagbihis ako kaagad at nahiga na sa kama. Pinabayaan ko na lang na basa ang aking buhok. I feel like I don't have the energy to plug my hair dryer.

Dahil siguro sa pagod ay madali akong nakatulog.

Nagising na lang ako dahil sa pag-ingay ng cellphone ko na nakapatong sa side table.

Kinusot ko ang aking mata bago pinulot ang aking cellphone. May nag-message sa akin sa messenger. It was Cloud.

Nagtanong siya kung okay na ba ang pakiramdam ko.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon