Wave 25

1 1 0
                                    

Mark

"Ayos ka lang ba? Ba't namumula ka?" Nilapit ni Marfori ang mukha nito sa akin kaya bahagya ko siyang itinulak. That freaking scene played in my mind again.

Halos tuwing naalala ko iyon ay pinamumulahan ako. Sa buong araw na iyon ng date namin ay parang nililipad ako sa hangin sa tuwa. Hanggang sa dapit-hapon ay magkahawak kamay naming tinanaw ang papalubog na araw.

Pakiramdam ko tuloy buong-buo na ang linggo ko. Pero may napansin lang akong kakaiba kay Daddy at Mommy. Both of them look so tired always. Para bang stress na stress sila sa pamamalakad ng mga ospital namin. Alam ko namang mahirap ang magpalakad ng negosyo pero nakakapanibago lang, hindi naman kasi sila ganito dati.

Minsan ay hindi ko na nga sila nakakasabay sa pagkain dahil sa sobrang busy nila. Bored na bored na ako sa bahay dahil wala nang pasok kaya niyaya ko na lang si Marfori sa amin.

Nanonood kami ngayon ng Dr. Stone sa kwarto ko. Pareho kaming nakadapa sa kama at kumakain ng chips.

Nikolas went abroad again. Ngayong wala nang pasok ay siya ulit ang namamahala ng kompanya nila. Sometimes I'm worried about him. Baka kasi magkasakit na siya sa walang tigil na pagtatrabaho. He went in and out of the country almost 2 times a week.

Sometimes sa airport na nga lang kami nagkikitang dalawa dahil sa may flight na naman siyang hinahabol.

Minsan kapag tumatawag nga siya ay pinagsasabihan kong matulog na lang muna. Maiintindihan ko naman kung hindi siya makakatawag sa akin dahil busy siya o nagpapahinga. But he still insisted to call. He always check on me.

Halos walang palya ang tawagan namin. I can't imagine myself doing what he's doing at the age of nineteen. He should be enjoying his youth and not working his ass-out like there's no tomorrow.

Hindi naman siguro mamumulubi ang mga Demetriou kapag magpapahinga ito kahit isang linggo lang. Sinabihan ko na siya niyan but he just smiled at me and said, "I have rules to follow hon and I should stick to it." I can clearly see the exhaustion in his eyes.

Parang may gusto pa itong idagdag sa sinabi pero pinigilan lang nito.

Siguro ay hindi ko talaga maiintindihan iyon.

Hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay. Maliban na lang kung kasama ko si Marfori. Katulad ngayon, pagkatapos naming mapanood ang sampung unang episodes ng Doctor Stone ay nagbihis na kami para gumayak sa mall.

Siya ang pumili ng susuotin ko. Hinayaan ko nalang siya dahil maasahan naman ang fashion taste niya.

Siya ang naghalungkat ng mga gamit ko doon sa closet at pumili.

"Try this on, bilis." Kakalabas ko lang ng shower at nagpapatuyo pa ng inabot niya sa akin ang isang pares ng damit.

Pagkatapos kong suotin iyon ay lumabas na ako sa closet at ipinakita sa kaniya. Napapalakpak pa siya ng magustuhan iyon.

"Hahanapan din kita ng shoes." Sambit niya bago pumasok sa isa ko pang closet na may mga sapatos.

Bukas na ang uwi ni Nikolas at excited na ako. He said he'll take me out for a date again. Kinuha ko ang phone ko sa may side table. Tumipa ako ng message sa kaniya. He said he wanted me to update him about what I'm doing. Kaya iyon nga ang ginawa ko.

Nakalimutan ko kasing hindi ako nakapag-paalam sa kaniya na may gala kami ni Marfori ngayon.

Ako:

I'm going out with Marfori today. Sorry hindi ako nakapag-paalam kahapon. I kinda forget. Text me when your done with your work :-*

Naghanap ako ng clutch bag sa may kabinet para lagyan ng wallet ko at cellphone. Saktong pagkatapos ko ay siyang paglabas ni Marfori. He handed me a pink high heeled tennis shoes. Hindi ko alam kung saan niya iyon nahanap at parang hindi ko pa ito nasusuot.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon