Wave 17

1 1 0
                                    




Lunch

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinipat ang mukha ko sa salamin na dala ko para tingnan kung okay na ba yung pulbo at liptint na nilagay ni Marfori sa aking mukha. Ayaw ko pa sanang magpalagay kaso mapilit siya. Kesyo daw kailangan kong mag-mukhang tao kahit sandali lang.

Nag-aantay na lang ako para tumunog ang bell bilang hudyat na tapos na ang klase namin. Nasa harapan lang ang Prof. namin at nag-chicheck ng mga papel namin na sinagutan.

Halos mapatalon ako sa gulat ng tumunog na nga ang hinihintay ko. Parang nagliparan ang paru-paro sa tiyan ko. Excited and nervous, the mixed feelings I'm feeling right now.

Nagligpit na ako ng gamit para mahinahon ang kalooban ko. Habang si Marfori naman ay nakangising nakatingin sa akin. Tila nagi-enjoy sa mukha kong medyo natataranta.

"Kinakabahan ka?" Bahagya akong tumango kahit na ang mga mata ko ay nakapukos sa nililigpit kong gamit.

"Kakain lang naman kayo. Hindi ka kakainin nun ng buhay no. Relax okay, baka hindi ka makanguya ng maayos mamaya." Humagalpak siya ng tawa habang ini-imagine siguro ang mukha ko.

"Andiyan na yung hinihintay mo oh," napaangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko.

Nakita kong ininguso niya ang pintuan kaya nilingon ko iyon. At hindi nga siya nagbibiro, nakatayong nakapamulsa si Nikolas at nag-aabang sa akin sa labas ng pintuan.

Narinig kong nabulungan ang katabi kong kaklase at sinulyapan ako.

"Siguro yan na naman yung bago niyang laruan," mahinang sambit ng babae kong kaklase pero narinig ko. Nilingon ko sila kaya nagmadali silang lumabas ng classroom.

Yung excitement na nararamdaman ko kanina ay parang nalusaw lahat. I feel nothing now but a hollow feeling in my stomach.

Bumalik lahat ng what ifs ko. Kinurot ako ni Marofri kaya bumalik ako sa realidad.

"Aray naman!"

"Ano bang hinihintay mo diyan? Puntahan mo na." Nakangisi siya sa akin, not knowing what I'm feeling right now. Nginitian ko siya.

"Hindi mo 'ko ihahatid sa labas?" Akala ko kasi ay tatayo din siya at pupuntahan si Nikolas para ihabilin ako.

"Hindi na siguro. May tiwala naman ako sa lalaking iyon, sayo lang wala." Kinurot ko siya sa tagiliran kaya mahinang hinampas niya ako.

"Umalis kana nga!" Natatawang pagtataboy niya sa akin.

"Kita na lang tayo after lunch. Bye!"

"Sige, enjoy!" Kumaway siya ng naglakad na ako.

Nang makita ni Nikolas na lumabas na ako ng pintuan ay tumuwid siya ng pagkakatayo. Kanina kasi ay nakayuko siya habang nakasandal sa may pader. Hindi niya alam na kanina pa siya tinitingnan ng mga dumaraan.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin noong nilapitan ko na siya. Parang hindi sila makapaniwala na nandito si Nikolas, hindi dahil may inutos ang teacher kundi dahil nanliligaw. Minsanan mo lang kasi makikita ang mga Senior High sa building namin.

"Your bag," sambit niya na nagpakunot sa noo ko. Nang makita niyang naguguluhan ako sa sinabi niya ay bumuntung-hininga siya.

He took a step forward. Hinubad niya sa balikat ko ang aking backpack bag at sinuot iyon. Habang ako naman ay parang nahipnotismo ng mga mata niya at nagpaubaya.

Ang cute niyang tingnan habang suot ang kulay pink kong bag. Namula siya ng makita ang pagngiti ko. Napansin ko talagang unang namumula yung tenga niya ta's sunod naman yung mukha.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon