Wave 16

5 1 0
                                    

Confession

Naputol ang titigan namin ng sikuhin siya ni Sancho at mukhang tinanong kung anong gusto niya.

Kapwa kami nakaupo sa bawat dulo ng nitong upuan. May mga bote ng alak sa side nilang mga lalaki at mga cocktail naman ang sa amin.

Kumuha ako ng isa doon at tinikman. Masarap siya pero bahagya akong napaubo ng gumuhit sa lalamunan ko ang pait.

"Ate, okay ka lang?" Tanong ni Yonce sa akin ng mapansin ang pag-ubo ko.

"I'm fine, I just thought that this is a juice or something," sabay turo ko sa ininuman kong glass.

"Ahh Cosmopolitan iyan Ate. Dapat ay kay Ate Geiya iyang cocktail na 'yan kaso ayaw niyang inumin. Nagpa-order siya ng bago."

Nagkatinginan kami ni Geiya. Nakakahiya naman sa kaniya pala ito.

"Sorry, sayo pala ito. Nainuman ko na, akala ko kasi juice." Nginitian ko siya.

"It's fine," tipid niyang sagot sa akin pero hindi man lang nagbago ang expression niya.

"Diba magka-schoolmates tayo?" Ate, gusto ko sanang dagdagan kaso nahihiya ako. Baka sabihin niya feeling close ako masyado. Sa kanilang magpipinsan mukhang siya lang yung nahihirapan akong i-approach. Para kasing feeling ko ay mamalditahan niya ako kapag lalapitan ko siya at kakausapin.

"Yes, we are."

"Pero hindi kita masyadong nakikita sa campus."

"I don't hangout in places where you go," may kasunod pa ang sinabi niya kaso hindi ko na nadinig dahil masyado iyong mahina at malakas ang music sa paligid.

"Let's dance, Ate!" Tumayo na sila Heather at hinila ako. Ayaw ko pa sana kaso mapilit sila. Tumayo din sila Geiya, Riley, at Sancho habang nagpaiwan sa table ang tatlo. Nagpatianod na lang ako sa panghihila kaya natagpuan ko ang sarili ko na sumasayaw sa indak ng musika.

Marunong ako sumayaw ng kaunti. Sumasali kasi ako dati sa mga dancing workshop noong elementary ako.

Natawa ako ng mag-showdown si Yonce at Heather.

"You always go to places like this?" tanong sa akin ni Riley matapos niya akong kalabitin. Pero dahil sa hindi kami magkadinigan ay inilapit ko ang tenga ko sa kaniya.

"What!" Umiling siya.

"Wala, I said you look beautiful," I smile and playfully pinch his cheecks. Nagulat siya sa ginawa ko pero kalaunan ay ngumiti din.

Bahagya siyang yumuyuko dahil nga matangkad siya.

Ewan ko kung anong trip niya at doon kami nag-usap sa dance floor kahit na hindi nagkakarinigan. Pagkatapos ng ilang kanta ay nagdesisyon na silang umupo muna at magpahinga.

Pinagpapawisan na si Heather at Yonce kaya nagpaalam muna silang mag-cr. Kaya kami na lang muna ang bumalik.

We were walking towards the table when I saw Nikolas nearly glaring at us. Pero ng nagtama ang paningin namin ay umiwas siya at pinukol na lang ng masamang tingin ang bote sa harap niya.

Napansin kong may mga babae na kaming kasama sa table. Tatlo iyon at hindi pamilyar sa akin ang mga mukha. Nakasandal ang kamay ni Bernard sa likod ng isa sa mga ito. They were obviously flirting with each other.

Ang isa naman ay kausap na ni Sancho at nagkakatuwaan sila. Habang ang isa naman ay humahagikgik at may ibinubulong sa tenga ni Nikolas. Hindi kumikibo ang huli at hinayaan ang babae.

Kahit na medyo hindi ko maaninag sila dahil sa malikot na ilaw sa paligid ay napansin kong bumaba ang kamay ng babae sa hita ni Nikolas. Some malicious scene enters my mind. OMG! No! My innocent mind.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon