Wave 06

7 4 0
                                    

Found

Late na akong nagising kinaumagahan. I have to skip meal so that I can attend my first period class. Kung minamalas ka nga naman oh!

Around 8:30 nagsasara ang gate kaya nagmadali ako. Mabuti na lang talaga at hindi traffic, kung nagkataon ay mami-miss ko ang quiz namin.

Nang makapark na si Mang George ay dali-dali akong lumabas at tumakbo. Pinaalahanan pa ako ng matanda na maghinay-hinay lang dahil baka raw madapa ako.

"Shit." Mura ko ng makitang halos wala nang tao ang hallway. Bakit ba kasi ako nagpuyat kagabi?

Late na akong natulog dahil napasarap ang panonood ko ng Crash Landing On You. Tapos na din naman kasi nun ang mga assignment ko at nakapag-review na din ako. Dumagdag pa si Marfori na nanggigigil kay Sofia. Chat siya ng chat sa akin kagabi.

Sana daw nandoon siya at nasabunutan niya ng sobra ang higad na iyon. Sa susunod daw na gawin uli iyon ni Sofia ay tawagin ko lang siya at handa siyang magpa-guidance makaganti lang.

Napapatawa ako sa mga sinesend niyang emoji. Nawili kami sa pakikipag-usap sa isa't isa at hindi ko namalayan na late na pala.

Kinausap din ako ni Malcom. Tinanong niya kung okay lang ba ako. I said to him that I'm fine at hindi ako naparusahan. Si Sofia naman kasi ang may kasalanan.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Papaliko ng ako ng hallway para sana umakyat sa second floor kung nasaan ang room namin ng biglang may nabangga ako.

Tumama yung pwet ko sa matigas na sahig at nagkalat ang dala kong libro.

Aray naman!

Napahawak ako sa bewang ko dahil sa masakit iyon.

"Pasensya na talaga. Okay ka lang?" tanong ng lalaki sa akin habang inaalalayan akong tumayo.

Ini stretch ko pa ng bahagya ang likod ko.

"Okay lang ako. Sorry din, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."

May kasalanan din naman ako, e. Ayaw ko namang isisi sa kaniya yun dahil ako naman ang bumangga sa kaniya.

Pinulot ng lalaki ang mga dala kong libro na nagkalat. He stacks it properly before giving it to me.

"Sige mauuna na ako." Kinuha ko sa kaniya ang aking mga libro at nagmadaling umakyat sa hagdan. Iniwan ko siya doon na nakatayo.

Late na talaga ako!

Nang makarating ako sa pintuan ng classroom ay nakaupo na ang lahat at nakatayo na sa gitna ang teacher namin. Everyone is busy looking for their papers and pen.

Napaangat ang tingin ni Mrs. Villanueva sa akin.

"You're late, Ms. Herrera."

Napalingon ang mga kaklase ko sa akin na nasa pintuan. Nakita kong nakangisi si Marfori sa akin. Kasalanan niya talaga ito.

"I'm sorry po—"

"Just get inside and move fast. We are going to start after a minute." She cuts me off. Bumalik ang tingin niya sa libro na kaniyang binabasa.

Tumango na lang ako at nagmadaling umupo sa tabi ni Marfori. Mabilis kong hinanap ang papel at ballpen ko.

Nanlaki ang mata ko ng makitang wala na ang I.D ko na nakasabit sa aking lace. Ang natira na lang ay ang picture ni Jungkook at picture naming dalawa ni Marfori.

Gusto kong sabunutan ang sarili ng maalala na nandoon nakakabit sa I.D ko ang QR code. That QR codes is for my I.C.T class attendance.

Hindi ako makakapasok sa Computer Lab. Kung hindi ko iyon mapa punch-in. Hinalukay ko ang loob ng aking bag at baka doon ko lang nailagay.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon