Wave 26

1 1 0
                                    

Sacrifice

Am I being cheated? Or I'm the other woman?

Halos hindi ako pinalagay ng pag-iisip na iyon. Walang kibuang umuwi kami ni Marfori sa bahay. She looks apologetic kahit hindi naman siya ang may kasalanan. She tried to start a light conversation between us pero pinapatay ko kaagad iyon.

I don't want to be rude but I can't help it. Halos hindi na gumana ang utak ko para mag-isip. I felt like I'm floating in the air and everything around me doesn't matter.

Lalong nanginig ang kalamnan ko nang pagka-park ng sasakyan namin sa bahay ay mukhang may nagkakagulo sa loob. May narinig akong sirena ng ambulansya na mukhang papalapit sa bahay. Mabilis na lumabas ako ng sasakyan namin. Hindi ko nagawang maisara ng maayos ang pintuan nun. Kumaripas ako ng takbo papasok ng mansiyon at tumambad sa akin ang nagkakagulong mga kasambahay.

May narinig akong humahagolgol at may sumisigaw. Paroo't parito sila Manang. And there I saw the most unforgettable scene that will haunt me every time I will close my eyes.

Mommy was kneeling on the floor, crying. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng masilayan ang nakahandusay kong ama. There were blood coming out of his head. Hindi ko alam kung gaano katagal akong natulala bago makakilos. Parang tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko ay naisabuhay ang isa sa mga katatakot-takot na panaginip ko. Hindi ko magawang makapagtanong sa kaniya dahil sa gulat.

Mabilis na dumalo ako kay Mommy ng makabawi.

"Daddy! Daddy! What happened?!" Sigaw ko sa kanila pero wala akong sagot na nakuha. Panay ang iyak ni Mommy sa tabi ko at tinatawag ang pangalan ni Daddy.

Our door burst open.

Kasabay nun ay pumasok ang mga nurses at mabilis na inilipat si Daddy sa kanilang stretcher. May isang dumalo kay Mommy ng mapansin nila ang lagay nito.

Hindi ko naproseso kaagad ang nangyari. Natagpuan ko na lang ang sarili kong natutulalang nakaupo sa may loob ng ambulansiya, hawak-hawak ang kamay ni Daddy. Kinabitan siya ng mga aparatos ng nurse doon. Mommy was calling me now on my phone. She said my father had a mild heart attack at saktong papaakyat daw ito ng hagdan ng atakihin. Mabuti na lang daw at hindi pa nakaakyat sa itaas na baitang si Daddy ng mahulog ito.

Muntik nang mahimatay si Mommy kanina kaya doon ko na lang siya pinasakay sa may kotse namin kasama si Cloud at Marfori. They both insisted to come along with my mother. Nag-aalala din sila kay Mommy dahil baka himatayin ulit ito.

Sila Manang naman ay tumawag sa mga kamag-anak namin para ipaalam ang nangyari kay Daddy.

Naiiyak ako habang tanaw ang mukha ni Daddy. He looks so exhausted and very tired. Dumami na din ang kaniyang wrinkles sa mukha siguro ay dahil sa stress sa trabaho. Bakit hindi ko ito napansin? Masyado akong nagtiwala sa mga ngiti niya.

Mabilis na nakarating kami sa isang ospital namin. Inilipat nila si Daddy sa isa pang stretcher at isinugod sa ICU. Tumulong ako sa pagtulak pero naiwan ako doon sa labas. Nanghihinang napaupo ako sa may malapit na bench.

I saw more nurses enter the ICU bago ito tuluyang isinara.

Ikinuyom ko ang kamay kong may bahid ng natuyong dugo. De ja vu?

Hindi tumigil sa pagpatak ang luha ko. Narinig ko ang yabag at pagtawag ni Mommy sa akin. Nandito na sila.

Niyapos niya kaagad ako ng makalapit siya. I cried on Mommy's shoulder. She did the same.

"Is your father okay? Ano nang sabi nang doctor? Is he going to be fine?" Natatarantang sambit niya habang pinupunasan ang sariling luha. Mabuti na lang at mukhang nakabawi na siya.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon