Wave 14

4 1 0
                                    

Know

"I like that idea, Celine." Sang-ayun ni Tito Ricardo sa sinabi ni Mommy. Andito kami ngayon sa harap ng infinity pool at nagbi-breakfast. Sinabi kasi ni Mommy na balak niya ring i-develop ang nabili naming isla into a private resort.

Ang alam ko lang ay noong nakaraang taon ay nakabili sila ni Daddy ng isla. They planned to build a vacation house there. And currently, the construction of our mansion in that island is still on-going.

"Para naman kahit kunti lang ay may kikitain kami sa islang iyon." Si Mommy.

"Kung matutuloy nga iyang balak mo ay pupwede ka naming tulungan. Marami akong kakilala na gumagawa ng mga cottages kung balak mong magpatayo din doon." Sambit ni Tita Louise.

"Well, thank you." Nginitian siya ni Mommy. "Kakailangan nga namin ang tulong niyong dalawa. With a resort like this, I think I will badly need your help. Hindi kasi namin gamay ang mga kailangan sa pagtatayo ng ganito."

"Gagawin sana naming private resorts ang isla. We will only cater a small amount of people. I think five to ten people is okay. Yung mga nagbabakasyon para mag-unwind or those who want to take a break from the busy city or those couples na gustong doon sa isla ang kanilang honeymoon."

Tumango-tango si Tito Ricardo sa sinabi ni Daddy. Nagpatuloy ang almusal namin na ganun ang kanilang pinag-uusapan.

Walang masyadong nangyari sa araw na iyon. Napagod ako sa paglilibot namin kahapon kaya parang na-drain lahat ng energy ko. Buong araw ng Huwebes ay wala akong ginawa kundi humilata sa kama.

Busy din ako sa pag-post ng mga picture ko sa social media. Medyo naging tan na nga ang balat ko kakababad sa araw kahapon. Iingitin ko si Marfori kapag nagkita kami.

Hindi pa rin pumapalya si Don kakatext sa akin. Si Cloud naman ay hindi ko alam kung saan nagsususuot. May napansin lang ako sa kanilang dalawa ni Marfori para silang hindi na nagpapansinan.

Sino naman kaya sa kanila ang ti-no-toyo?

Binuksan ko ang aking Instagram para tingnan ang mga picture na nakatag sa akin. Yonce and Heather's username pop up on my notification. Hinanap ko kaagad ang picture naming tatlo.

And there, I found it.

Ang picture namin nung nag-island hoping kami ang laman ng post.

"And so the adventure begins..." Yung ang caption sa post niya.

Ni-like ko kaagad iyon bago nag-type ng aking comment.

@Celestine_iris: I'm so happy to meet two gorgeous girls. Love ya!

-@Byonce: You're more gorgeous than us, Ate. Muah!

-@kweenHeath: Indeed. We love hanging out with you.

Napangiti ako sa comment nilang dalawa. Ni-refresh ko ang aking feed, and there again, I saw Nikolas posts. He posted a picture of him sitting on the lounger holding the guitar.

Ito siguro yung nag-night swimming kami. Bumalik sa alaala ko yung moment na nagkatinginan kami pagkatapos niyang kumanta.

Erase! Erase! Tinapik ko ang aking pisnge para maalis sa isip ko ang eksenang iyon. Dapat hindi ko na pinagtutuunan ng pansin ang mga galaw ni Nikolas. Hindi naman ako manhid para hindi makahalata. I know that he's flirting with me. Pero kahit ganun, ayaw ko pa ding mag-assume.

I just scroll pass his post. Nang mapagod na ang kamay ko sa kakapindot at scroll ay binaba ko na ang aking phone at umidlip muna.

Ilang ulit akong pinilit ni Mommy na sumama sa kanila nila Tita na maglibot sa isla. Pero kahit na nakatulog na ako ay parang wala pa din akong energy.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon