Wave 21

1 1 0
                                    

Contest

"Good luck iha," Mommy kissed my forehead. Bumaba silang dalawa ni Daddy sa kotse para ihatid ako sa nag-aabang na school bus namin. Iyon kasi ang maghahatid sa amin sa venue ng contest. Ngayong araw na iyong contest namin.

Lumapit din ako kay Daddy at yumakap. Lumapit sa amin ang principal ng aming university ng makita ang mga magulang ko.

"Mr. and Mrs. Herrera, good to see you here." Ngumiti ito sa mga magulang ko. Yumakap si Mommy dito. Kinamayan naman ito ni Daddy.

"Hinatid lang namin si Celestine. Good to see you too Ms. Ethyl." Ngumiti sa Mommy sa kaniyang kaibigan. Hindi naman ganiyan ang tawagan nila kapag silang dalawa lang ang nag-uusap. Siguro for the sake of formality lang at dahil na rin sa may mga nanunuod na ibang teacher at estudyante sa amin.

They usually call each other 'sis' or 'mars'.
Pinauna na ako ni Ms. Ethyl na sumakay sa bus dahil nag-uusap pa sila ni Mommy.

Kumaway sila sa akin nang papasok na ako sa bus at ganun din ang ginawa ko. Tuwing may contest ako ay parati nila akong hinahatid maliban na lang kung nasa ibang bansa sila or may importanteng lakad.

Iginala ko ang paningin sa buong bus para maghanap ng mauupuan. Doon ko napiling umupo sa likuran, malapit sa bintana. Gusto ko kasing nalilibang ako habang nasa byahe.

Malayo daw kasi yung school na pupuntahan namin. Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya kinapa ko iyon sa bulsa ng dala kong backpack.

"Good luck Sel," boses ni Marfori ang bumungad sa kabilang linya. Mukhang inaantok pa ito at pahikab-hikab.

"Thank you, mukhang inaantok ka pa ah." Tiningnan ko ang oras sa itaas ng bus. It's already 6:30 kaya siguro inaantok pa siya.

Wala silang pasok ngayon dahil sa hindi ko din alam na kadahilanan.

"Bring... home... the bacon." Humihikab siya sa bawat salita niya.
"Matulog ka na nga muna. Thank you ulit, gagawin ko yung makakaya ko." Pagkatapos nun ay wala na akong narinig na salita kundi hilik na niya.

Natatawang pinatay ko ang tawag. Napapalingon ako sa labas ng bus. Bakit ang tagal niya? He said he will sleep early para maaga din siyang magising.

Busy ako sa kakatingin sa labas, hindi ko napansing may umupo na pala sa tabi ko.

"Hello good morning!" Nilingon ko siya at unang tumambad sa akin ang dalawang dimples niya. "Sinong tinitingnan mo diyan sa labas?"
Itinuon niya din ang tingin sa labas at ginaya ang ginagawa ko kanina.

"W-wala," mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Sumandal ako sa upuan at tumingin na sa harap.

"Are you waiting for me?" he teased me. Hindi ko siya nilingon para isipin niyang hindi ko siya nadinig. Ipinukos ko na lang sa harap ang tingin. Saktong nagtama ang tingin namin ni Josh.

Kumaway siya sa akin at umambang lalapit. Pero ng makita niya kung sino ang katabi ko ay umupo na lang siya sa malapit na upuan. I was about to waive at him kaso ay ganun ang ginawa niya.

Nilingon ko ang katabi ko kung anong ginawa niya at bakit ganun ang reaksiyon ni Josh. Wala naman siyang ginagawa. Nakayuko lang habang nakikinig sa kaniyang headphone at may hinahanap sa kaniyang iPad.

May kinakalikot siya doon kaya na-curious ako. Lumapit ako para tingnan iyon. Para iyong drawing ng isang barko o yate. Hindi ko makita ng maayos.

"What is that?" Mukhang nagulat siya sa akin. Mabilis na in-exit ang app na iyon kaya tumambad sa akin ang kaniyang homescreen.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha kong nakabaladra doon. Ako ang wallpaper niya?
My heart skipped a beat. Naramdaman kong uminit ang pisnge ko.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon