Wave 34

2 0 0
                                    

Sudden

Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ang tunog ng papalapit na chopper. Nagtaka ako dahil kakahatid lang ng chopper namin ng supply kahapon. Imposible namang bumalik iyon ng hindi ko sinasabi at hindi pa schedule.

Napanganga ako ng makitang pababa ng hagdan mula sa helipad si Heron. Anong ginagawa niya rito?

"Celestine!" Bulalas nito ng makita ako. Nailapag pa nito ang sukbit na bag bago tumakbo at yumapos sa akin. He squeezed me so tight but I can't seem to protest. Tila naputol ang dila ko dahil sa pagkabigla. Kung hindi pa tumikhim si Nikolas sa likuran ko ay hindi ako nakapagsalita.

"H-heron, bakit ka nandito? Akala ko ay sa sususunod na linggo pa ang dating mo? And how did you find me here?" Kumawala ako sa yakap nito. Ramdam ko kasi yung titig ni Nikolas sa aming dalawa.

"Pinaaga ko ang flight ko. I really missed you. Marfori told me that you're here in Antillia that's why dito ako dumeretso. I have many things to say to you." Todo ngiti ito sa akin. "And who's this?" Bumaling ito kay Nikolas. Mukha hindi niya ito napansin kanina.

"Nikolas Poseidon Demetriou," sambit ng katabi ko sabay lahad ng kamay kay Heron. Walang mababakas na ekspresyon sa kaniyang mukha.

"Heron Teixiera. You look familiar. Nagkakilala na ba tayo dati?" Kumunot ang noong sambit ni Heron habang nagkakamay sila. Mabilis na hinila ko si Heron papalayo. Baka may masabi siyang makakatrigger kay Nikolas. His mental health is stable now and I don't want to risk it.

Heron lived abroad since he was little. Hindi din siya interesado sa business world at mas gustong mag bar keysa makialam sa family business nila. Mukhang hindi niya naman kilala ang mga Demetriou pero mabuti na iyong nag-iingat.

"You can rest now Nikolas. Ihahatid ko lang si Heron sa silid niya." Hindi ko na inantay na magsalita pa si Nikolas at mabilis na umalis na kami ni Heron. Kailangan kong i-orient ang isang ito.

"Why? I still want to talk to that guy. Bakit siya nandito? Is he your boyfriend?" Ibinulong niya pa ang huli niyang tanong. Gusto ko siyang irapan.

"Bakit ka pumunta ng hindi man lang nagsasabi? Ginamit mo pa yung chopper ko. Bayaran mo yung gas, ha." Binuksan ko ang pintuan nang guestroom. Sumunod naman siya sa akin papasok.

"Kuripot." Sambit niya. "You didn't answer my question Celestine. Who is that guy?"

Napabuntung-hininga ako habang binuksan ang kurtina. Nanaig na ang dilim sa kalangitan.

"He's my patient." Simpleng sagot ko. Mukhang hindi ito naniwala sa sinabi ko.

"But I thought you're on vacation? Come on Celestine. I won't be angry if you tell me he's your boyfriend. I won't tell Tita or even Marfori if that's what you want."

Umiling ako.

"He is just my patient, Heron. He has an amnesia that's why he's here. He's also injured. Hindi pa siya puwedeng ibalik sa kanila dahil baka tuluyang masira ang kaniyang memorya. So please. Talk to him just like you just met him. Kung meron kang ideya tungkol sa mga Demetriou just keep it to yourself, for now."

Dahan-dahang tumango si Heron. Para bang pinoproseso niya ang sinabi ko.

"Pero sure ka? He's really not your boyfriend?" Anak ng tinapa! Akala ko nakuha niya yung sinabi ko.

"Saan ba doon sa sinabi ko kanina ang hindi mo naintindihan?" Parang gusto ko siyang kurutin. Nakataas pa ang makapal niyang kilay sa akin.

"But the way he looked at me kanina it's like he's gonna murder me because I hugged you. I almost got goosebumps just remembering it." Minsan talaga may pagka-OA din ang isang ito.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon