Wave 09

3 1 0
                                    

Sembreak

Naging abala na ako sa school kaya hindi ko napansin ang paglipas ng mga araw. Nagulat nga ako ng malamang Biyernes na pala. Ramdam ko ang excitement ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. All of them have their plan fixed for the entire sembreak. Naririnig kong nag-uusap ang iba tungkol sa kung saan sila magbabakasyon at kung sino-sino ang kasama nila.

Hindi na nasundan ang giitan sa pagitan ni Mommy at Daddy. Kinaumagahan ay parang walang nangyari at ang sweet pa nilang dalawa sa harapan ko habang kumakain kami ng almusal.

Nasa tabi ko ngayon si Marfori at tila excited na rin sa dinner nila mamaya ni Cloud. Ipinakita niya rin sa akin ang binili niyang kwentas. Sinipat ko iyon ng maiigi. It was nice.

"Sa tingin mo ba ay magugustuhan niya ito?" tanong niya sa akin pagkatapos ibalik ang kuwentas sa lalagyan nito.

"Lahat naman ata ng bagay basta galing sayo ay magugustuhan nun." Tumango tango ito sa akin na tila nakumbinsi nang sinabi ko.

"Tuloy ka na ba talaga sa Japan?" tukoy ko sa trip nilang buong pamilya. Doon ata sila ngayong sembreak. Her father is a Half Japanese, Half American. That's why kapag walang pasok o 'di kaya ay bakasyon doon sila pumupunta at binibisita ang iba pa nilang kamag-anak.

"Oo, balak ko sanang sumama na lang sa inyo nila Cloud kaso nakapagpabook na si Mommy ng ticket namin. Ayaw ko namang sumama ang loob niya kaya sasama na lang ako." Nakanguso siya sa akin.

"It's okay. Kailangan mo din namang makipag-bonding sa kanila. Tatawagan na lang kita kapag may free time ako, ha." Inakbayan ko siya at bahagyang yinugyog. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya nabitawan ko siya.

"Halikana nga baka kanina pa naghihintay ang Ulap na 'yun sayo." Hinila ko siya patayo. Ngayon na lang ang huling araw na magkikita kami. Bukas na rin kasi ang lipad namin papuntang Iloilo.

Magkahawak kamay kaming nakarating sa parking area ng university. Matalim akong tinitigan ni Cloud ng makitang magkahawak kami ng kamay ni Marfori.

"Hoy tange! Napaka seloso mo, oh ayan.." Binitawan ko ang kamay ni Marfori at itinulak sa kaniya. Nagpatulak din naman ang babaita at kumapit sa pinsan ko.

"Halika na nga baby. Iwan na nating ang tyanak na iyan." Sambit ni Cloud nang mahawakan ang kamay ni Marfori.

"Anong sabi mo?!" Nanakbo na sila palayo sa akin. Tumatawa pa si Marfori na nag-wave sa akin para magpaalam. Magsama silang dalawa, mga baliw.

Nang mawala na silang dalawa sa paningin ko ay lumapit na ako sa nakaparadang sasakyan namin. Pinagbuksan ako ni Manong George ng pintuan. Mukhang kanina pa siya nag-aantay sa akin.

Tinatahak na namin ang daan pauwi ng biglang pumreno si Manong George na naging dahilan ng pagkahulog ng cellphone ko sa sahig ng sasakyan.

"Ayos lang ba kayo Senyorita? Pasensya na po," nag-aalalang nilingon ako ni Manong. Pinulot ko ang nahulog kong cellphone bago bumaling sa kaniya.

I check it for possible crack or scratches on the screen. Pero mukhang hindi naman napano.

"Ayos lang po ako Manong. Bakit po tayo biglaang tumigil?" Nilingon ko ang labas ng bintana. Maraming mga tao ang dumadaan sa sidewalk at may iilang estudyante ding pauwi na.

"Umusok po kasi ang harapan ng sasakyan, Senyorita. Sandali lang po at titingnan ko." Bumaba si Manong at binuksan ang harapan ng sasakyan. Mabuti na lang ay nasa tabi lang kami kaya hindi naabala ang iilang sasakyang nakasunod.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Lumapit ako kay Manong George para magtanong.

"Manong, ano pong problema?"

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon