Wave 32

1 0 0
                                    

Pain

Pagkabukas ng phone ko ay pangalan kaagad ni Heron ang lumabas. This guy really doesn't have a sense of time. Hindi ba siya aware na ang umaga sa kanila ay gabi dito sa Pilipinas?

I quickly type a message for him. Baka may kailangan siya sa akin.

Inilapag ko sa mesa ang aking cellphone at ipinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok ko. Pagkatapos nun ay bumaba na ako sa dining. Nauna kong pinag utos na ihatid na ang pagkain ni Nikolas.

Hindi katulad noong nakaraang araw na ako ang naghatid, ngayon ay sila Neneng na lang ang pinahatid ko. Parang kagabi lang nag sink in sa akin ang kahihiyang ginawa ko.

Nakangisi si Sicarion ng magkaharap kami. Bitbit nito ang wheel chair na pinakuha ko sa baba. Maaga kasing dumating ang mga pinabili ko kasama na itong wheelchair.

"Magandang umaga Senyorita. Blooming tayo ngayon ah." Todo ngiti ito sa akin. Kung hindi ko lang kilala ang isang ito ay baka nilayuan ko na. Sometimes his smile shows how he love teasing me.

"Magandang umaga din Sicarion. Wag kana ngang mambola diyan, alam ko na ang ibig mong sabihin diyan." Bahagya akong natawa. "Paki-akyat na lang sa itaas niyan. Doon sa kwarto sa bandang kanan. Ilagay mo lang sa harap ng pintuan. Salamat." Nginitian ko siya. Natawa ako lalo ng sumaludo siya sa akin bago umalis sa harapan ko.

Naisipan kong maglakad-lakad muna sa dalampasigan habang hindi pa mataas ang araw. Balak ko sanang isama si Mochi kaso ay tulog na tulog ang asong iyon. Daig pa ang nagpuyat kagabi.

Hanggang sa mga batuhan lamang ako at bumalik din kaagad. Paminsan-minsan ay pumupulot ako ng maliliit na kabibe at binabato pabalik sa dagat.

Pinagpag ko ang sinuot kong tsinelas bago nagpalit ng pambahay. Dumeretso ako sa itaas para tingnan si Nikolas.

Katulad nang dati ay bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naglalakad sa hallway papalapit sa silid niya.

Mahinang mga katok ang ginawa ko bago tuluyang binuksan ang pintuan. Umangat ang tingin niya sa akin.

Nasa tabi na ang cart na may laman ng mga plato. Lumapit ako sa telepono sa gilid at tumawag sa baba para ipakuha iyon.

"Kumain kana?" Napatigil ako sa pagbaba ng telepono dahil sa sinabi niya.

Tumang ako.

"Oo, kakatapos ko lang. Kamusta na ang pakiramdam mo? Is your head still aching?"

"I'm fine." Hinila ko ang wheel chair at nilapit sa higaan niya. Dapat siguro ay pinatawag ko si Sicarion para alalayan siyang makaupo dito sa wheel chair.

Hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang buhatin. Malamang ay hindi. Napakalaki niyang tao at para na rin akong bubuhat ng dalawang sako ng bigas.

"You're staring too much." He tilted his head while looking at me. Hindi ko napansin na natulala na pala ako. Binalewala ko ang sinabi niya.

"Move closer to the edge of the bed. I'll try to help you move to the wheelchair." Nakipagtitigan muna siya sa akin bago sinunod ang sinabi ko. Para bang gusto niyang ngumiti pero pinipigilan lang niya.

Inalalayan ko siya. Wala namang pinagkaiba ito sa ginagawa ko dati sa mga pasyente ko. Paulit-ulit na sinabi ko iyon.

Hindi mapakali ang buong sistema ko. Kumapit kasi siya sa mga braso ko habang inaalalayan ko siya. I bit my inner lips.

Hindi niya naman napansin iyon dahil nakayuko siya.

I unconsciously inhaled deeply. Suddenly, I feel like I'm home. His natural scent sent shivers to my spine.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon