Wave 19

3 1 0
                                    

Dinner

Humarap sa akin si Nikolas pagkatapos niyang magbayad. Nakita kong nililingon siya ng ibang bumibili doon.

I even saw a girl taking a picture of him.

"Are you done? Ito lang ba ang bibilhin mo?" Inabot niya sa akin ang isang supot. Nakasampay na ngayon sa balikat niya ang hinubad niyang leather jacket.

Tumango ako sabay tanggap nun.

Umiwad kaagad ako ng tingin. He effing looks like a model straight out from a magazine.

Iginala ko na lang tingin sa paligid.

"Nakita ko yung babaeng kasama mo noon sa mall. Si Viviene, yung pinakilala sa akin ni Marfori. Nandito siya kanina."

"You saw her here?" Kumunot ang noo niya sa akin at luminga-linga sa paligid. Then his eyes settled back on me.

"Umalis din siya kaagad."

Naglakad na kami palabas ng convenient store. Muli niya akong tinulungan na maka-angkas sa kaniyang motor.

Umandar iyon at tumigil sa isang liquor store. Siguro ay napansin niya ang pagtataka ko habang nakatingin doon.

"I don't want to go to your parents without having anything." Tumango ako. Tinulungan niya akong alisin ang helmet na suot ko.

Sinabit niya iyon sa gilid at sabay kaming pumasok doon. Namangha ako sa kabuuhan ng store. Napaka elegante ng pagkaka design ng buong lugar.

"Do your Mom and Dad likes wine?"

"Yup," I said popping the 'p'. "My Mommy really likes wine and my Daddy is a fan of whiskies."

"Do they have any favorite ones?" tanong niya habang tinitingnan namin ang mga nakadisplay doon. Maraming nakahanay na nakakalasing na inumin.

Ang iba dun ay pamilyar ako dahil nakikita ko iyon sa kabinet namin.
May nakasunod sa aming lalaki at nagga-guide sa aming dalawa ni Nikolas. As we walk he introduces some of their best seller.

"Meron po kaming free taste nito Ma'am and Sir. Baka gusto niyo pong tikman?" Mabilis akong umiling. Kahit na curious ako sa lasa ng alak ay papagalitan ako ni Mommy kapag nalaman niyang uminom ako kahit kaunti. And I'm also underage.

"No thanks," maikling sambit ni Nikolas.

Pilit kong inalala kung ano nga ba ang paboritong alak ng mga magulang ko. May naaalala akong parating gini-gift ng mga tita at tito ko sa kanila tuwing birthday or may occasion sa bahay.
Napapitik ako sa hangin ng maalala.

"Cabernet Sauvignon, yun kasi yung brand na marami sa kusina namin. My Mommy likes that specific wine."

"And my Daddy loves Jack Daniel's. Hindi niya kasi nakakalimutang bumili niyan kapag nasa ibang bansa kami."

Tinawag ni Nikolas ang atensyon ng lalaki kanina at sinabi ang pangalan ng wine na bibilhin niya at pinabalot niya na din iyon. Sinabihan niya na din ang lalaki na dadaanan niya na lang mamaya ang nasabing wine at whisky.

Pagkatapos niyang magbayad ay hinawakan niya ako sa bewang at iginiya palabas ng store. His hand stayed that way until we reached the parking.

Inihatid niya ako sa bahay at nagpaalam na aalis na. It was a quick farewell dahil may iniutos pa ang kaniyang ama na kailangan niyang puntahan.

Nakangiting kumakaway ako sa kaniya habang papalayo ang kaniyang motor.
Nang lumingon ako ay laking gulat ko ng mabungaran si Mommy sa may pintuan ng bahay. It's like she's been staring at me for a long time.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon