Wave 38

2 0 0
                                    

Choose



Napamulat ako. Mukha kaagad ni Nikolas ang aking nabungaran. Katulad ko ay nakadapa din siya sa sahig. Iginala ko ang tingin sa paligid. We are inside an empty room. Napaigik ako nang maramdaman ang sakit sa aking binti. May nakalagay na benda doon pero ramdam ko pa din ang nakabaon na bala. Dahan-dahan akong gumapang papalapit sa walang malay na si Nikolas.

"Nikolas, wake up!" Naluha ako nang makita ang sugatan niyang mukha nang patihayain ko siya.

"Tulong! Someone please help us!" Sigaw ko na tanging umalingawngaw lang sa silid. Nakita kong bumalandra sa mukha ni Nikolas ang sakit bago niya minulat ang mga mata.

"Seleste..." Garalgal na boses na tawag niya sa akin. Pinahid nito ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam na naiiyak na pala ako.

"Niko, are you okay? B-Bakit ka nandito?"

Hinilot ni Nikolas ang ulo habang bumabangon.

"I was about to pick you up when I saw you unconscious on the floor then someone hit my head. Ikaw, ayos ka lang ba?" Bumaba ang tingin niya sa akin. He scan my whole face and lifted my arms. When he saw the bandage in my legs his eyes grew dark.

"Sinong may gawa sayo niyan?" Ramdam ko ang pagpipigil sa kaniyang boses.

There's no point in lying. "Your father did." Napabuga siya nang hangin.

"That fucker... I will kill him."

Napapiksi ako nang marinig ang isang boses sa parang speaker sa itaas nang silid.

"Mabuti ang gising na kayong dalawa."

Marahas na tumayo si Nikolas. Muntik na itong matumba kung hindi ko lang inalalayan.

"You goddam old man! Show yourself. Hindi ka ba nagsasawa na magtago sa dilim at manipulahin ang lahat? My slightest respect for you is gone. Nagawa mong saktan si Celestine, pagbabayaran mo ito."

Humalakhak lang ang matanda.

"You're really a Demetriou, Nikolas. Anak nga talaga kita. That's also the same thing I said to my father when I found out that he hurt the girl I loved."

"But the thing is, that shitty man made me realize that love will only wreak you. Para itong kalawang sa bagong bakal. Habang tumatagal nagiging mapanira. It is also the same love I felt for your mother. Adelfa Wilson is the woman of class, the epitome of beauty and gracefulness. I fell in love with her the moment I set eyes on her. But the sad thing is, she's married and already had 3 kids. I become so obsessed that I never stop until she births to my child."

"You monster!" Nabulalas ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Nikolas just droop his head on my shoulder. Pakiramdam ko ay nanghihina siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nang ama. Humalakhak lang ang matandang Demetriou bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"My father knew about it and he cast me out of the family. He said that I'm a disgrace. Disgrace my ass," narinig ko ang pagdura niya. I can sense the hatred and despise in his voice. "Says the man who bedded almost all the elite women in the society."

"And then your father came Celestine, he offered to help me grow my own company from scratch. Yes, I have the money but due to my father's doing no one lent me a hand. I trusted that old man because we are pals from the beginning. Pero pare-pareho lang sila. He suddenly disappeared when he secured the funds for our partnership. Sa tingin mo ba ay saan galing ang perang pinatayo niyo nang mga ospital sa buong bansa? That money is mine. The money your father stole from me."

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon