Wave 05

13 5 0
                                    

Confrontation

Nakaupo kami ngayon ni Marfori sa Cafeteria at kumakain. Kakatapos lang ng first batch ng exam namin at pagkatapos ng 30 minutes break ay susunod naman ang second batch. Halos junior high lahat ng nandito. Ang iba ay nagbabasa pa ng notes, pahabol siguro sa pagrereview. Nakaka-stress talaga ang araw na 'to.

I unconsciously fiddle the chocolate in my hand. Napaangat si Marfori mula sa pagkakayuko. She is reading something in her phone at mukhang nakuha ng chocolate na hawak ko ang atensyon niya.

"TF! You're eating chocolate now Seleste?" Hindi makapaniwalang turan niya. Nanlaki ang singkit niyang mata sa akin. "Last time I've check naospital ka dahil sa allergy mo sa cocoa?"

Tinutukoy nito ang ilang beses na naospital siya dahil sa pagkain niya ng chocolate. Ang pinakamalala dun ay nangyari kamakailan lang. Isang kagat lang naman ang ginawa niya sa chocolate bar na bigay ng isa sa mga manliligaw niya pero grabe ang naging epekto.

Alam niya namang bawal sa kaniya ang mga produkto na may cocoa but she couldn't stop her cravings. Masarap ang bawal, e.

Limang araw siyang hindi nakapasok dahil sa allergic reaction niya sa chocolate.

"Hindi, may nagbigay lang nyan. Iniwan sa locker ko." Hinablot nito ang chocolate sa kamay ko at sinipat. Hindi ko alam kung anong hinahanap niya dun. Binali-baliktad niya ang bar.

"It contains 36% of cocoa. Papatayin ka ata ng nagbigay nito e." Mukhang ang ingredient percentage ng chocolate ang hinanap niya. Inilabas ko din ang sulat mula sa bag ko at ipinakita sa kaniya.

"It came with this letter."

Ibinalik niya ang tsokolate sa kamay ko at ang sulat naman ang kinuha. Tiningnan niya iyon at sumulyap sa akin.

"A love letter?"

Umiling ako.

Tinaasan niya ako ng kilay bago buksan ang nakatuping papel.

Binasa niya ng ilang ulit at nakangiting bumaling sa akin. Tumaas-baba ang kilay niya kaya hinablot ko ang sulat sa kamay niya.

"Bagong manliligaw mo ata iyan Seleste." Tudyo niya sa akin. Kumagat siya sa kaniyang hamburger. "Kaso mababasted din iyan. Remember your rule?"

Tumango ako. I drank the remaining liquid of my drink. Napasumpa siya noon kay Marfori na babastedin niya ang lahat ng manliligaw niyang magbibigay ng chocolate.

Siguro dahil sa nagyari noon kaya napangako niya iyon kay Marfori. Umiyak kasi ito at pinagalitan pa siya. Kaya napabitaw siya ng pangako para lang tumigil na ito. Pero baka hindi naman maliligaw ang pakay ng nagbigay nito. It's just wishing me a good luck on my exam.

"Pero baka iba ang intensyon ng nagbigay nito, Mar. Malay mo gusto lang makipag-kaibigan sa akin." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Nagbigay ng chocolate 'tas hindi manliligaw? Matanong nga kita, ilan na ba ang nagbigay sayo ng chocolate na ang pakay pala ay umakyat ng ligaw at hindi makipagkaibigan?" May point siya actually. Pero baka ngayon ay iba, ayaw kong mag-assume.

Tinuro ni Marfori ang tsokolate na hawak ko. "Hoy, huwag mong kakainin yan ha." Bilin nito bago yumuko uli sa kaniyang cellphone. She started scribbling again. "Ibigay mo na lang kay 'yan kay Cloud. Siguradong matutuwa pa yun"

Napasandal ako sa upuan at pinagmasdan ang tsokolate na hawak ko. Sino naman kaya ang nagbigay nito? He/she surely knows me. At alam niya din kung saan yung locker ko.

"Paparating na si Cloud, kakatapos lang daw ng first batch nila." Imporma sa akin ni Marfori. Si Cloud siguro ang ka-chat nito sa kaniyang phone. Mas nauuna kasi kaming junior high na kumuha ng exam kesa sa kanila.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon