Wave 30

0 0 0
                                    


 Kiss

"Senyorita, dumating na po ang supplies at mga gamit ni Mochi. Nandoon na din po ang iilang gamot para kay Sir Nikolas." Tinanguan ko si Lolita. Narinig ko nga kanina ang paglapag ng chopper sa taas.

"Salamat Lolita. Magpatulong kayo kay Sicarion at Mang Fidel sa paghahakot ng mabibigat na box. Palagay na lang ng mga gamot sa basement sa baba. Ako na ang bahala sa mga iyon." Umalis na kaagad si Lolita para sundin ang inutos ko. Nasa kandungan ko ngayon si Mochi at natutulog kaya hindi ako maalis.

Nasa terrace kami ngayon at tinatanaw ang papasikat na araw. Bumaba ang tingin ko sa alaga ko. Bumigat na talaga siya. Dahil sa lahat ng nangyari ng araw na umalis ako ay hindi ko na naisip si Mochi. Nagsisisi ako dahil doon.

Galit ako noon sa nagbigay sa kaniya pero hindi dahilan iyon para idamay ko ang kawawang tuta.

Mabuti na lang at sinama siya ni Marfori ng pumunta siya sa bahay. Si Mochi na ang palagi kong naging kasama simula nun. Kahit na minsan ay naalala ko si Nikolas sa kaniya.

She's old now. Parati na kaming pumupunta sa vet para patingnan siya. Kung dati ay sobrang sigla niya tuwing umaga ngayon ay mas gugustuhin niya na lang na matulog.

I caressed her white fur. She tossed and turned in my lap katulad ng parati niyang ginagawa.

I sometimes take her out for a walk at the beach every afternoon. Para naman magkapag-exercise siya.

"Senyorita," boses ni Neneng ang nagpalingon sa akin. "Pasensya na po sa abala. Ayaw po kasing kumain ni Sir Nikolas. Hinahanap niya po kayo."

Bahagya akong napasinghap sa sinabi niya.

"Nasa silid na po niya ang pagkain at nakahanda na kaso po ay ayaw niyang kumain." Tumango ako. Anong problema ng lalaking iyon?

"Ako na ang bahala sa kaniya." Nginitian ko ang kasambahay. "Kunin mo muna si Mochi at ilipat siya sa kaniyang silid."

Dahan-dahang nilipat ko sa kamay ni Neneng ang nahihimbing kong aso. Hinatid ko siya ng tingin bago tuluyang tumayo at tinungo ang silid na inuukupa ni Nikolas.

Hindi na ako masyadong nagpapakita sa kaniya dahil natatakot akong may masabi akong hindi niya pwedeng malaman. I would sometimes visit him when he's sleeping, which I thought was a little bit creepy. Kaya hindi ko na ipinagpatuloy.

Kumatok muna ako bago pumasok. Pinihit ko ang seradura at tumambad sa akin ang kaniyang silid. Naroon siya sa gitna ng kama nakaupo habang nakatingin din sa akin.

"Neneng said you won't eat your breakfast." Mabilis na pagkakasabi ko. "You also want me here. Why? May kailangan ka?"

Hindi siya sumagot bagkus ay tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako dahil sa paraan ng pagkakatitig niya.

"You've grown." Bumalik sa mukha ko ang tingin niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at lumapit na lang sa cart kung saan nakalapag ang mga pagkain.

"You should eat. Iinom ka pa ng mga gamot kaya kailangan mong kumain." Hinila ko ang cart at nilapit sa tabi ng kama. Medyo naasiwa ako sa tingin niya pero hindi ko pinahalata.

"Bakit ka umiiwas sa akin?" Muntik ko nang mabitawan ang syrup na nilalagay ko sa pancake niya. "May nagawa ba akong mali?"

"No." Eksaheradong umiling ako. "Wala kang ginawang mali. Busy lang ako sa trabaho kaya hindi kita napupuntahan dito. Sorry." Binalak niyang abutin ang mga kamay ko para hawakan pero mabilis akong lumayo. Kunwari ay tiningnan ko ang kape niya kung mainit pa ba.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon