Wave 33

1 0 0
                                    

Jealousy

Naiilang ako habang ibinabalik sa box ang gamot na itinurok ko sa binti niya. Titig na titig siya kasi sa akin na para bang kapag pipikit siya ay maglalaho ako. Side effect ba iyon nang gamot?

Naabutan kami kanina ni Lolita sa ganung ayos, nakasubsob siya sa bewang ko. Hindi ko na lang pinansin ang titig nito sa amin at inabot kaagad ang kit. Pagkatapos kong turukan si Nikolas ay mabilis din namang natigil ang pagsakit ng tuhod nito.

Ganun ba kabilis ang epekto ng gamot sa kaniya?

"Stop staring at me, will you?" Hinarap ko siya. Umiling siya sa sinabi ko. Patuloy pa din siya sa pagtitig sa akin.

"I can't. You're so beautiful to look at." Gusto ko siyang irapan kaso pinigilan ko. Tumaas na lang ang kilay ko sa kaniya.

"Sino yung lalaki sa baba?" Biglang tanong niya. Medyo naguluhan pa ako sa tanong niya pero na proseso ko din kaagad iyon. Dalawa lang naman ang lalaki dito sa isla maliban sa kaniya. Si Mang Fidel at Sicarion.

"Si Sicarion ba ang tinutukoy mo? Anak siya ng mayordoma namin dito sa isla. Hindi ko pa pala siya napapakilala sayo. Di bale, sa susunod na araw ay makakababa kana. We just have to remove the cast on your knees—"

"Is he courting you?" Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa sinabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"No. Magkaibigan lang kami ni Sicarion. Why are you asking me that?"

Bahagya akong napahakbang paatras ng biglang nagdilim ang mukha niya.

"Paano kung hindi ganun ang tingin niya sayo. What if he sees you more than friends? Lapit ka nang lapit sa kaniya kaya baka iba na ang iniisip nun. Maybe he's thinking that you like him."

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ano na namang nasinghot na hangin ng lalaking ito?

"Anong pinagsasabi mo diyan? Sicarion is not that kind of man. At bakit parang inis na inis ka diyan? Wala naman kaming ginawang masama." Sumalubong ang mga kilay ko. Kitang kita sa mga bughaw niyang mata ang inis.

He clenched his jaw before looking away. Pagbalik sa akin ng mga mata niya ay napakatalim na ng mga iyon.

"Dikit ka nang dikit sa kaniya kaya baka iba na ang iniisip nun. Nagbibigay ka ng motibo, and I can clearly see that. Maybe he's thinking that their Senyorita is a low-class kind of woman. Are you that thirsty Seleste? "

Hindi ko namalayang napadapo ko na pala ang aking palad sa pisnge niya. I can't bear to hear another words from his mouth. Ni minsan sa panaginip ko hindi ko naisip na kaya niya akong pagsalitaan ng ganun.

Nag unahan ang mga luha sa mga mata ko.

Nakita ko ang gulat na bumaladra sa kaniyang mukha pero mabilis na napalitan iyon ng galit. Mabilis na tinalikuran ko siya.

Pabalyang ibinagsak ko sa kama ang dala kong kit.

Napaupo ako sa sahig habang sapo ang sumasakit na puso. Maraming taon ang lumipas alam kung may magbabago at magbabago. Kahit na nawalan na siya ng memorya at ang tanging naalala lang ay ang nakaraan namin nagbago pa din siya.

He's not the old Nikolas that I know. My Nikolas will never call me names and think lowly of me.

Nanatiling nakayuko ang ulo ko kahit na may kumatok ng mahina sa pintuan.

"Senyorita, baba kana po. Handa na ang kabayo niyo." Tinig ni Mang Fidel ang narinig ko. Tumihim muna ako bago sumagot.

"Salamat po Mang Fidel. Baba din po ako." Mabilis na tumayo ako at naglakad papunta sa banyo. Mabuti nang mangabayo ako kesa damdamin ang sakit sa puso ko.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon