Wave 36

1 0 0
                                    

Arrest

Natutulala ako habang nagbibilang ng gamot sa loob ng box. Mabuti naman at kumalma na ako. I spent almost an hour inside the bathroom consoling myself. Nakakahiyang harapin mamaya si Heron na namumugto ang mata. He will just ask me what happened and I don't want to tell him about it.

Muntik na akong mapatalon ng may kumatok sa pintuan. Mabilis na nilingon ko ang pintuan. Nahihiyang nakangiti si Lolita sa akin.

"Pasensya na at nagulat ata kita Senyorita. Kanina ko pa po kasi kayo tinatawag sa itaas pero mukhang hindi niyo po naririnig. Nasa linya po ngayon ang Mommy niyo hinahanap ka po."

"Salamat Lolita." Tumango siya bago umalis. Lumapit ako sa telepono at sinagot iyon.

Like the usual, Mommy ask me if I'm okay and what is happening in the island. Alam kong pinipigilan niya lang na magtanong sa akin ng mga bagay-bagay, ramdam ko yun sa mga pahapyaw niyang tanong. I think the news about Heron's arrival reached her.

"So, kamusta na kayo ni Heron? I heard from Manang a while ago that he's there. You invited him, iha?" I rolled my eyes. There we go, finally. Mukhang kanina pa gustong-gusto ni Mommy na itanong sa akin iyon. "Are you finally fixing-up things? Mabuti iyan. Hindi kana bumabata. You have to settle down and give me a grandchild, at least, before I leave this world."

"My' stop it. Diba sinabi ko na po sa inyo na Heron and I are just friends now. He just visited me here to see how I'm doing. Wala pong malisya iyon. He's just my good friend."

"Wala na talagang pag-asa, iha?" Dismay is evident in her mother's voice. She spent another 30 minutes conversing about how her mother should just rest and relax. Alam niyang hindi siya bumabata at balang araw ay kailangan niya ding bumuo ng sarili niyang pamilya.

But she couldn't picture herself going home to someone's arm. Isang lalaki lang ang naiisip niya tuwing na-iimagine niya iyon. But that man is out of reach. Parang tatandang dalaga pa talaga siya. She chuckled while imagining herself as one of the Tita's of Manila.

"Parang kang baliw. Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Natigil siya sa pag-aayos ng mga gamit ng marinig ang boses ni Heron sa kaniyang likuran. She confidently turned around. Ayos na din naman kasi ang mga mata niya at hindi na namumugto.

"Are you done eating?" Sumimangot ito pero tumango din naman.

"Hindi mo man lang ako hinintay."

"Gutom na ako, sa tingin mo mahihintay pa kita?"

"Knowing you, hindi. Parati ka kayang nauuna sa kainan." Lumapit siya sa akin at tiningnan ang ginagawa ko.

"Grabe ka naman! Para mo na ding sinasabi na patay-gutom ako. I sheltered and feed you and this is how you repay me? Nakakasakit kana ah!" I teased him. Umatras siya ng bahagya at unti-unting namula. Heron is a mestizo and when he is in extreme emotion he turns red.

"May sinabi ba akong patay-gutom ka? Ang sabi ko lang naman nauuna ka sa kainan. Don't put words into my mouth." Mukhang effective. Magaling mang-inis ang isang ito pero mabilis ding mainis. The irony.

"Nakasalubong ko pala kanina si Nikolas noong paakyat ako. I don't know what happened but that man looks so down. Nag-away ba kayo?" Umiling ako.

"It's nothing." Simple kong sagot.

"Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa buhay mo but I saw you coming out of his room earlier this morning. Did you two fuck?"

Nakita siguro ni Heron ang gulat sa mukha ko.

"It's not because I have feelings for you or anything but I really care for you as a friend. Bababa sana ako para kumuha nang maiinom but when I saw you creeping out of his room looking so cautious, nagtago na lang ako. I know you don't want to be caught. Hinihintay ko lang na sabihin mo sa akin kanina. And I think things didn't go well, judging from the state of your eyes."

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon