4 - Lost

28.4K 526 11
                                    

Xyrielle

Nagising akong mabibigat ang talukap ng mga mata ko. Sa unang tingin ay malabo pero unti-unting luminaw. Unang bumungad sa akin ang puting kwarto. Anong ginagawa ko dito?

Naramdaman ko na ang kamay ko kaya naman ginalaw ko ito. May gumalaw mula sa ibabaw nito. "Thank God, you're awake."

Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Enrico na nakaupo at may bahid ng pag-aalala ang itsura. Anong nangyari?

Pinilit kong umupo at tinulungan ako ni Enrico. Pansin kong may nakatusok sa likod ng palad ko. "B-bakit ako may suwero?"

"You fainted. Buti na lang naisipan kitang dalawin sa apartment mo gamit ang duplicate key ni Doctor Park."

That reminds me everything. My dream. The nightmare. Ramdam ko ang init sa gilid ng mga mata ko. Hanggang sa tumulo na ang isang patak ng luha ko. Nataranta si Enrico.

"Hey, what happened?" Tanong niya. Umiling na lang ako at ngumiti. "Nothing. I'm tired. I need to rest."

Tiningnan niya ako ng may pag-aalala. Bumuntong hininga siya at tumango. "I'll buy your food." He said and kissed me in my forehead before he got out to my room here in the hospital. Nahimatay lang naman ako, bakit kailangan pang dalhin sa ospital?

Napabuntong hininga ako bago humiga ulit. Pinikit ko mga mata ko kahit na hindi na ako matutulog.

I remember my dream again, nightmare rather. I don't know why it appears again to my memory and worst, it became my dream.

Yes, I'm an orphan. Hindi ko pamilya ang mga Kim. Kim isn't my true last name. Ibang pamilya ang tinutukoy ko sa panaginip ko. And I felt guilty. Kung hindi sana ako napunta sa pamilya nila, buhay pa ba sila hanggang ngayon?

Si Ate. Hindi ko matandaan ang mukha niya. Ang nakita ko lang sa panaginip ko ang pag-iwan niya sa akin sa may kariton, kung saan nakita ko ng mag-asawang Kim. I was 3 years old back then. I really don't know why it happened. I'm too innocent.

Maraming tanong ang bumabangon sa isip ko.

Bakit ako iniwan?

Ano bang nagawa ko?

Naging pabigat ba ako noon?

Sadya bang iniiwan ako para maging mag-isa na lang ako?

Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung ano ang sagot sa sariling mga tanong ko. Nakarinig ako ng buntong hininga at nagulat ako nang may daliring pumahid sa luha ko.

"Bakit ba ang drama mo?" Boses ni Alexis. Minulat ko mata ko at ngumiti. Sila ang taong hindi nang-iwan sa akin nung araw na mag-isa ako. Sina Doctor Park, Enrico at Alexis.

"Pwede bang i-discharge niyo na ako?" Paki-usap ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Bakit ba ang kulit mo Xyrielle Blurr Kim?" Irap pa niya. Napasimangot ako at naupo.

"Bakit ba ang hilig mong sabihin ang buong pangalan ko, Alexis Chan Park?" Yes, she's part of the family Park. Anak nga siya ni Doctor Park eh. Sila pa may-ari nitong hospital.

"Ah basta. Wag ka nang makulit. Ako na bahala magsabi kay Papa na hindi ka muna mag-duduty ngayon. Tignan mo nga oh, ang puti mo na nga. Mas lalo ka pang pumuti. Wait, ang putla mo, para kang papel." Iling pa nito. Parang armalite ang bibig eh. Walang tigil.

Sa huli, wala akong nagawa. Babawi na lang siguro ako bukas sa trabaho ko. Nakakahiya naman sa mga Park.

----

Kinabukasan, balik trabaho na ako. Nangako ako sa sarili ko na babawi ako dahil baka maging perwisyo ako sa mga nurses at doctors dito. Nakakahiya naman kung ganun.

"Nurse Kim!" Tawag sa akin na nagpabalik ng diwa ko. Napatingin ako sa isa sa mga kasamahan ko.

"Bakit po Nurse Comia?"

"Ikaw na nga muna dito. Kain muna kami ni Nurse Pat." Tumango na lang ako. Sabi ko nga babawi ako. So ako na ang aako ng trabaho nila.

Natatawang umalis pa sila. Sadyang ganyan na sila. Hindi naman sa naiinis ako pero pansin naman kasi na lagi ako ang inuutusan nila.

Inasikaso ko si Lola na alaga nila. Mabait at makulit ito. Pala-kwento kaya masarap kasama. Hindi ko lang alam kung bakit siya masungit kapag sina Nurse Comia at Pat na ang nag-aalaga sa kaniya.

"Alam mo hija." Biglang nagseryoso si Lola. "Kapag nagmahal ka, wag mong ibigay lahat. Baka wala ng matira niyan sayo." Ngiti pa niya. "Kung sa pagmamahal naman ay kailangan ng sakripisyo, gawin mo. Hindi kasi pwede na lagi tayong magiging makasarili pagdating sa pag-ibig."

"Nay naman eh. Wala naman po akong boyfriend." Tawa ko pa. Ngumiti naman siya.

"Sa ganda mong iyan? Imposible naman." Natawa na lamang kami. Siguro darating din naman sa buhay ko ang ganiyang bagay. Hindi muna ngayon.

Maya-maya pa ay dumating na sina Nurse Comia. Inirapan -or ako lang ba ang nakapansin- pa ako ni Nurse Pat. Okay?

Iniwan ko na sa kanila si Lola. Tumulong naman ako sa iba pang trabaho.

Nang mapadaan ako sa day care room- kung saan may mga sanggol- ay natuwa ako. Ang cute-cute ng mga bata. Mga bagong silang pa lamang.

"Nurse Kim.." napatingin ako sa tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita si Doctor Park.

"Anyeong haseyo, Doctor Park." I bowed. Natawa naman siya sa ginawa kong paggagaya sa Korean culture nila. He patted my head.

"Ikaw talagang bata ka." Tawa pa niya. Natawa na din ako. Koreano sila kung hindi ko pa nasasabi sa inyo.

"Bakit po pala?" Tanong ko. Lumapit siya sa may glass wall ng day care. Tinignan ang mga sanggol na natutulog.

"I lost one of my gifts." He said. Napakunot naman noo ko.

"Ano pong regalo? " Takang tanong ko. Ngumiti siya. Isang malungkot na ngiti.

"A gift from God." He said. Hindi mapapalampas ang lungkot sa boses niya.

"Eh?"

He looked at me and smiled. "My angel. I lost her.."

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon