2 - Angel

35.2K 623 30
                                    

His POV

I heard someone knocked on my door.

"Nak?"

I remove my glasses and put my book down as I give my attention to my Mom.

"Yes?"

She entered to my room here in the hospital and sat beside me in my bed. She smiled at me and I frowned. She's absolutely an angel.

"You okay here? Gusto mo kumain?" She asked.

I shook my head. "I'm fine. Don't mind me."

She gently caress my cheeks. I wonder why she always do that. "How are you feeling?" I smiled.

"Little bit hard but I can. Kaya ko pa." I saw a tear dropped down from her eyes and I wiped it. "I said kaya ko pa. Bakit ka naiyak?"

Umiling si Mommy. "Am I crying? No. No." Inayos niya sarili niya. "I'm just proud of you son. I know you're strong. Anak kita eh." She laughed awkwardly.

"Ano ba naman yan M'my." I spread my arms and hugged her. "Sa gwapo kong ito. Syempre kaya ko." I laughed.

Hinampas ni Mommy ang balikat ko pero mahina lang. She's a sadist but a caring mother too. "Yabang mo, Prince." Umalis siya sa pagkakayakap sa akin. "Sige na. Magpahinga ka na. Dadalaw naman bukas ang kapatid mo dito eh."

Umiling agad ako. "No. Not her."

"Oh yes. Siya magbabantay sayo dito so, ciao! Ingat ka. Mommy loves you." Aangal pa sana ako kaso mabilis niya akong hinalikan sa noo at agad na nakalabas sa kwarto ko.

I sighed in defeat. Mabuti na ding nandito si Erylle bukas para hindi ako ma-bored.

---

Her POV

"Doc! Humihina na ang paghinga ng pasyente!" Sigaw nung babae mula sa I.C.U.

Nagmamadali kaming pumunta doon kasama si Doc. Nakarinig kami ng tunog ng mahabang linya kaya pinalabas muna namin ang mga kamag-anak nung pasyente kahit na nagpupumiglas pa sila.

"Iligtas niyo anak ko!" Iyak nung isang ginang na inaalalayan kong lumabas.

Ngumiti ako. "Gagawin po namin ang makakaya namin. Magdasal po tayo sa Kaniya, alam kong matutulungan Niya tayo." I comforted.

Tumangong umiiyak ang ginang. "Maraming salamat. Tulungan niyong mabuhay anak ko."

Tumango lang ako at nagmamadaling pumasok sa kinaroroonan ng pasyente na nag-a-agaw buhay.

"100 charge!"

"Clear!"

"Ayaw pa rin Doc." Iling nung isa kong kasama.

Sumingit na ako. "Kaya yan." Kinuha ko ang hawak niya. "150 charge!" Sigaw ko matapos ko itong lagyan ng gel.

"Clear!"

Wala pa rin. "Come on. Wake up."

"Clear!"

Please. Wag ngayon. May pamilya na naghihintay sa kaniya. Don't let him die. Not now. I prayed.

Nakarinig kami ng paputol putol na linya at nang makita namin ang screen ay nagtatalon kami sa saya.

Buhay ang pasyente.

Lunch ngayon at kasama ko si Enrico. Ang bestfriend ko.

"Ang galing mo talaga, Xy." He patted my head. Inis na tinaboy ko ito.

"Ano ba. Hindi ako aso." I pouted.

He laughed. "Ikaw na nga nakatanggap ng compliment eh." Subo niya sa fries.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ako magaling kasi hindi naman ako ang bumuhay kundi Siya." Napairap siya sa sinabi ko. Kulang na lang sabihan ko siyang bakla dahil doon.

"Here we go again."

"What?"

"Nothing." Ngiti niya. Ngumiti din ako pabalik pero nag-iwas agad siya ng tingin. "Kain ka pa dyan."

"Okay."

"Xyrielle Blurr Kim!!" Hingal na hingal na nakarating si Alexis papunta sa amin. Isa siya sa mga bestfriends ko. May kulay itim na buhok, matangkad at singkit na mata at kaputian din siya. Masasabi kong maganda siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Habang si Enrico naman ay tawa ng tawa. Masyado siyang masaya.

"Kailangan ba talagang sabihin ang buong pangalan ko?"

"Eh.." napakamot siya sa batok niya. "Tawag ka ni Doctor Park."

Napakunot naman noo ko. "Para saan daw?"

Nagkibit balikat siya. "Malay." Napatingin siya sa pagkain ko. "Uy, fries!" Kinuha niya ito at umupo. Sinimulan na niyang kainin ang pagkain ko. Tinaliman ko ang tingin ko sa kaniya. "Alexis Chan.." may pagbabanta sa boses ko.

"Bakit ba?" Kumain ulit siya. "Akin na'to. Pinapatawag ka naman ni Doc. Sayang walang kakain nito. Edi ako na lang."

"Sige na, Xy. Ako na bahala dito kay Lexie." Paninigurado ni Enrico.

"Kinilig ako, kunwari." Baliwalang sabi ni Alexis kay Enrico.

"Bahala nga kayo diyan." Tumayo na ako at umalis sa pwesto ko.

Mga baliw kong kaibigan. Kung tutuusin bagay silang dalawa.

Naglalakad ako sa may hallway ng hospital nang may makita akong pamilyar na pigura. Naka-hospital gown ito at may hawak na stand ng dextrose niya. Mukhang pasyente dito.

Tutulungan ko sana yung lalaki pero may tumawag sa akin.

"Miss.." lumingon ako sa kaniya.

Siya yung ginang kanina. Ngumiti ako. "Sabi sa inyo eh. Tiwala lang tayo." Tumawa ako ng masaya.

Natawa din siya. Hinawakan niya kamay ko. "Maraming salamat, hija."

Ngumiti ako. "Naku, wag po kayo magpasalamat sa akin. Sa Kaniya po."

"Nagpasalamat na ako sa Kaniya. Kasama na doon sa panalangin ko ang pasasalamat ng pagpapadala ng anghel na tulad mo na nagbigay ng lakas ng loob sa akin kanina."

Ngumiti ako. "Maraming salamat po sa inyo."

Nagpaalam na siya pagkatapos ng kaunting kwentuhan namin ng ginang. Ako naman ay tumingin ulit sa direksyon kanina nung lalaki na pamilyar sa akin. Kaso wala na akong nadatnan.

Baka umalis na..

Pinagkibit balikat ko na lamang iyon at pumunta sa office ni Doctor Park.

---------

-NoLoveJustLife-

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon