34 - Please

13.2K 304 9
                                    


"You're Alexis, right?"

Nasa mansion ngayon ng mga Savino si Alexis. Kausap siya ngayon ng mag-asawang Savino.

Tumango si Alexis kay Mr. Savino. "So, how are you related to Nurse Kim?" Dugtong pa nitong tanong sa dalaga. Napalunok si Alexis at tinignan si Phillip.

"S-sir, Xyrielle-ssi is my sister and bestfriend." Naguluhan na tumingin sila kay Alexis. "S-she's the biological daughter of Doctor Park, my foster father."

Napatango tango si Phillip. Bumalik sa blanko ang ekspresyon ng mukha niya. "Do your job here wisely. No falling inlove with my son."

Lihim na napairap si Alexis. As if namang maiinlove ako doon?! Hindi ako ahas o kung ano. Iba kaya mahal ko, tsk. Itong tukmol na'to. Sabi pa ni Alexis sa isip pero pinanatili niya ang ekspresyon niya para hindi mahalata na nag-iisip ito.

"Yes, Sir." She bowed.

"And one more thing," singit pa ni Mr. Savino. "Where is she?" Dagdag pa nitong tanong.

Napaiwas ng tingin si Alexis. "I-I don't know, Sir."

Tinignan ng maigi ni Mr. Savino si Alexis. Sinusuri kung tama o mali ba ang sinasabi nito. Masyado kasing nakakapagtaka ang mga galaw nito at alam niyang may mali.

"N-nurse Park!" Pumeke ng tawa si Ericka at inalukan ng pagkain si Alexis. "K-kain ka muna. Sorry if my husband asked you too many questions."

"N-no. It's okay Maam." Tumayo si Alexis at yumuko sa dalawa. "I'll go ahead. May kailangan pa po kasi akong puntahan."

"Hindi ka na kakain?"

Umiling si Alexis kay Mrs. Savino. "Okay lang po Maam. May kailangan lang po akong dalawin ngayon." She bowed again and left.

May kailangan siyang punatahan ngayon na ibinilin pa ni Xyrielle bago siya pumunta sa mansion ng mga Savino. Kahit ayaw niya ay ginawa niya pa rin para lang sa kapatid niya.

Huminga siya ng malalim. Naaawa na siya sa kalagayan ng lahat. Naging magulo. Maraming nasasaktan dahil sa isang kasalanan at pangyayari.

Isa na ako sa mga may kasalanan. Sabi ni Alexis sa sarili. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyayari ngayon sa kapatid niya. Sana may magawa siya para itama lahat ng pagkakasala niya. Para maayos ang lahat.

Kaso baka hindi na mangyayari.

"Where's the room of Miss Xyrene Ramos?" Tanong nito.

"Kaano-ano niyo po siya Miss." Tanong naman ng nasa service.

Napakamot sa sariling mukha niya si Alexis. Anong sasabihin niya? Kaaway? Yung bumaril sa tatay niya? At nagpahirap sa buhay ng kapatid niya? Ganun?

Sapakin na kaya kita, ano?! Ang dami mong tanong! Iritang isip ni Alexis.

"Bestfriend." Tinuro ng babae ang way papunta sa silid ni Xyrene.

Pagkaalis niya, kulang na lang ay isuka niya ang sinabi niyang dahilan. Bestfriend?! Talaga lang ha?

Kinikilabutan siya sa mga nakikita at naririnig niya. May maririnig siyang umiiyak. May mga humahalakhak. Mga humihingi pa ng tulong at may mga nakangiting aso sa kaniya. Muntik pa siyang mahagip ng isang pasyente ng mental dito dahil nakalabas ang mga kamay nito! Buti na lamang ay nakaiwas siya agad.

"This place is creepy." Bulong bulong niya pa. Hindi niya maatim na may mga taong magiging ganito dahil sa takot, poot, galit, lungkot at iba pang dahilan.

Isa na dito ang taong nakikita niya mula sa salamin ng kwarto nito. Nakaupo lang ito sa isang gilid at tulala. Minsan ngingiti, minsan iiyak. May oras na magiging blanko ang ekspresyon niya at may oras naman na nagsasalita siya.

"Alam mo, friend?! Nakakainis yung Xyrielle na yun, ano? Akala mo kagandahan! Diba mas maganda ako? Diba? Diba?" Saka ito tumawa. Maya maya pa ay umiyak na siya at nagwala. "Hayop siya! Sinira niya buhay ko! Kalaban natin siya!" Tumawa ulit siya.

Napailing si Alexis. Kahit na galit ito sa dalaga ay naawa pa rin siya sa kalagayan at sinapit niya. Hindi niya akalain na ito ang kahihinatnan niya.

"Wala kang kalaban." Napatingin si Xyrene sa nagsalita at nakita niya si Alexis. Nakatayo lamang si Alexis at kinakausap si Xyrene gamit ang maliit na butas sa salamin.

"Dahil ang sinasabi mong kalaban, sumuko na." Seryosong sambit ni Alexis kay Xyrene na ngayon ay blanko lang ang ekspresyon. "Wala kang ibang kalaban ngayon kundi ang sarili mo. Naawa ako sa sinapit mo dahil sa poot mo." Tuluyang umiyak si Xyrene at lumapit kay Alexis. Lumuhod ito sa harap ng dalaga mula sa loob. "Goodluck na lang sa laban mo."

Paalis na sana si Alexis nang magsalita si Xyrene na ikinagulat niya.

"A-Alexis.." lumingon si Alexis ng may pagtataka. "I'm s-sorry. Nagmamakaawa ako sayo. Patawarin niyo ako." Umiiyak na sabi ni Xyrene. Nanatiling nakalingon lang si Alexis hanggang sa tumawa nanaman ng malakas si Xyrene. "Syempre, joke lang!" Saka ulit ito humalakhak.

Napailing si Alexis at tuluyan ng umalis sa building na iyon. Ang akala niya kanina ay sincere si Xyrene sa mga sinasabi niya, mali pala siya ng inakala.

---

Sa kabilang banda, pilit kinakausap ni Phillip si Prince na ngayon ay nakatulala lang. Nasa ibang ospital ito nasugod. Katatapos lang ng operasyon niya kaya ngayon ay nagpapahinga na siya. Matapos ang insidente na nahimatay siya, nagising na lamang siyang nasa isang ospital at ino-operahan.

"Are you going to talk to me or what?" Iritang tanong ng ama sa kaniya. Kahit mahigpit ito sa kaniya ay halata mo na may pag-aalala pa rin siya para sa anak niya.

Hindi nagsalita si Prince. Nakatingin lang siya sa kisame at nakahiga. Ilang araw na siyang hindi nagsasalita at walang ibang kinikibo. Laging tulala at gabi gabi umiiyak ayon sa mga sinabi ng nurses at doctors kapag iche-check siya tuwing gabi.

Bumuntong hininga na lamang ito. Wala siyang nagawa kundi ang umalis at kausapin ang isang tao.

"Nurse Kim.."

[M-Mr. S-savino?!] Gulat na sagot sa kabilang linya.

Napangisi si Mr. Savino. "Why? Are you surprise?" Sumeryoso siya. "I just what to talk to you about my son."

Natahimik ang kabilang linya ng ilang sandali bago may sumagot. [Hindi na po ako ang nag-aalaga sa kaniya kaya ibababa ko na po i---]

"Don't do that if you don't want yourself be put in danger." Banta ni Mr. Savino na nagpatahimik ng tuluyan kay Xyrielle.

"I am his father. And as a father, I still have concern to my son. You don't know how he suffer everyday because of you." Mataimtim na sabi ni Phillip. "Una pa lang, ayaw ko na sayo." Tumigil ito saglit. "At dahil sa ginawa mo, lalo kitang kinamuhian. You are the reason why my son suffers a lot!" Huminga siya ng malalim para kumalma. "At kapag sinabi ko na ikaw ang may kasalanan, ikaw din ang makakalutas."

[W-What?]

Napangiti si Phillip. "Please, for the first time I will beg, go back to my son. He truly loves you."

His Private NurseWhere stories live. Discover now