7 - Stupid

22.4K 437 22
                                    

Xyrielle

Naku po!

Alam ko sa sarili ko na pulang-pula na ako. Nanlalaki ang mga mata namin at hindi makapaniwala sa nangyari. Kung alam ko lang na dito sa antipatikong lalaki na ito mapupunta ang unang.. ano. Basta! Naku!

Sinamantala ko na ang pagkagulat niya at tumayo ako saka tumakbo papasok sa loob.

Sa pagpasok ko ay nasalubong ko si Mrs. Savino kasama ang babaeng mga nasa 16 pa lamang. Kunot ang noo at nagtataka sa presensya ko.

"Oh? Anong nangyari? Bakit ka tumatakbo?" Pagtatanong ni Mrs. Savino. Kinalma ko muna ang sarili ko bago sumagot pero naunahan ako ng nasa likod ko.

"Who is she?!"

Sabi ko nga, hindi lahat ng gwapo, gentleman. Ilang beses na ba akong napepeste nitong lalaki na ito? Una sa bus, pangalawa at pangatlo, sa convenience store at ngayon? Dito pa talaga kami magkikita?

Napatingin kami sa lalaking ito at namula nanaman ako. Naalala ko nanaman yung.. ano.

"Oh Prince. This is Nurse Xyrielle Kim, your private nurse." Pagpapakilala ni Mrs. Savino sa akin.

"What?!"

Halata dito sa Prinsipeng ito ang gulat at may hindi makapaniwalang mukha. Oh? Problema nito?

"Bakit, Kuya? Nagagandahan ka kay Ate Xyrielle, ano?!" Tawa pa ng kasamang babae ni Mrs. Savino.

"Tumigil ka nga, Erylle." Pagbabanta nito kay Erylle. Erylle daw pangalan eh.

"Malay ko bang abnormal alaga ko. Edi sana psychiatrist ang pinakuha, hindi nurse." Bulong ko.

"Are you saying something, Miss?" Inis na tanong ng kamahal-mahalan na prinsipe sa akin. Nakalimutan ko, malakas nga pala pandinig nito. Kung hindi ko lang ito amo, naku!

I bowed. "Wala po." I bowed again. "Excuse me." At iniwan ko silang tatlo doon na nagtatawanan ang dalawang babae at inis na pinapatigil sila ng mahal na prinsipe.

Pagkadating ko sa kwartong tutulugan ko ay naalala ko nanaman ang scenario kanina. Pinamulahan agad ako ng mukha. Nakakahiya ka, Xyrielle! Tsk. Sa lahat ba naman kasi ng lalaki na nakakuha nun, bakit siya pa? Asar.

At dahil hindi ako mapakali ay nilinis ko ang buong kwarto kahit na malinis pa ito. Pampalibang lang dahil para akong kamatis dito. Sa paglilinis ko ay tumunog ang telepono malapit sa study table na nandito.

Sinagot ko ito tutal ako lang naman ang nasa loob ng silid na ito.

"Yes? Nurse Kim speaking."

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya.

[Come to my room within 1 minute, now.]

Saka namatay ang linya. Ginitgit ko ang ngipin ko ng may pang-inis at saka padabog na binaba ang telepono. Demanding masyado.

Bumaba ako ng hagdanan papunta sa kusina para magtanong kung nasaan ang kwarto ng bwisit na lalaking iyon. Sabi nila katabi lang daw ng kwarto ko sa ikatlong palapag. Eh leche naman pala eh. Kailangan ko na ata i-tour ang sarili ko sa buong paligid ng mansyon na ito.

Nagmamadali akong pumunta sa third floor ng mansyon na ito, na akala mo ay mall, at saka kinatok ang pintuan ng pasyente ko bago buksan ang pintuan.

Naabutan ko ang kwartong magulo. Nasa sahig ang mga balat ng pinagkainan, libro at mga damit. May mga crumpled papers din na nakakalat. Daig pa ako nito magkalat.

"You're 30 seconds late." Sabi nito at tumingin sa akin. "Clean this room." Tumayo siya at pumunta sa banyo na nasa kwarto niya.

"Pinapaalala ko lang, nurse po ako dito hindi katulong." Bulong ko habang naglalakad papuntang maintenance room, na tinuro lang ng isa sa mga katulong nila dito.

Bumalik ako sa kwarto niya at nilinis ang kalat katulad nga ng utos niya. Hindi por que 'Prince Earth' ang pangalan niya ay masyado na niyang sinasamantala ang pagiging prinsipe ng mundo.

Habang naglilinis ay bumukas ang pinto ng banyo sa kwarto niya at lumabas ang half naked na si Adonis. Si Prince iyan, Xy!

Pinukpok ko sarili ko sa utak ko. Ano ka ba naman.

Lumapit ito sa akin na may nakakatakot na ngisi. Natigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa baba. Ipapahiya nanaman ako ng lalaking ito.

Pinalibutan niya ako. Ikot siya ng ikot sa paligid ko. "Ah, sir. Nakakahilo po iyang ginagawa niyo." Nagpapasalamat ako sa hindi pa-utal utal na boses ko. Hindi ko maiangat ang paningin ko dahil makikita ko ang katawan niya. Namula ako.

"Irom-i uttuke joseyo?" He asked. I was shocked.

Translation: What's your name?

Instead of asking him, I just answered his question using the same language. "Jeoneun Xyrielle." I bowed, just like the Korean's culture.

He stopped walking and looked at me. Still, sa mukha niya lang ako nakatingin. "Are you a Korean?"

Umiling ako. "No, Sir. Doctor Park just taught me to speak Korean." I answered. Nakakasuka rumespeto dito.

Tumango-tango lang siya. Inikutan nanaman ako. Tinitigan bawat pigura ko. Feeling ko binabastos na ako nito eh. "Mukha kang manika. No, I mean. Chakadoll." He laughed. I nearly want to throw him this broom but I wonder na baka atakihin siya sa sobrang gulat. "Hindi ka naman sexy, payat ka." Paikot-ikot pa rin siya. "Sobrang puti mo din. Para kang bond paper." Tawa niya. Nagitgit ko ang ngipin ko sa inis. Tumigil siya at tinignan nanaman ako. "Lastly, hindi ka maganda, cute ka lang." Namula ako sa sinabi niya. "Nakakata-cute." He laughed and walk through his walk-in closet.

"Bwisit ka. Akala mo kagwapuhan. Ibato ko sayo itong walis eh." I murmured. But then, like what I've said long time ago, he has this loudspeaker in his ears that he can hear what you are talking even you're in 1 kilometer away.

"Gohttae kkajigi daril su itsuyo." He said. Mabuti na lamang at naturuan ako ni Doctor Park na magsalita ng Korean.

Translation: I can wait till then

Sa inis ko, nasabat ko siya. "Geureom!"

Translation: Sure!

Kita ko ang pag-irap niya at pagpapadala niya ng matatalim na tingin. Ganito ba ang may sakit sa puso? Mukhang sa utak ata ang sira nito ah.

Before he got in his closet. He said something..

"Tss. Pabo."

Hey! I'm not stupid!

His Private NurseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora