35 - Death Line

15.2K 312 12
                                    

Alexis Chan Park

"Appa," lumingon sa akin si Appa. Nagising na siya noong nakaraang linggo at tuwang-tuwa kami doon. Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya niyakap. Mamimis ko siya.

"O? Bakit bigla ka namang yumakap?" Niyakap niya ako pabalik at saka ginulo ang buhok ko.

Kumalas ako sa yakap. "Mr. Savino told me that I am the replacement of Xyrielle to nurse his son, Earth Savino. Ngayon na po alis ko." I bowed.

"Okay." He said. "Take care of yourself, hmm?" I hugged him again. Bago ako makalabas ng kwarto niya dito sa ospital ay may binaggit pa siya.

"Alam na ba niya?"

Lumingon ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Umiling ako bilang sagot at pinahid ko palihim ang isang takas na luha ko.

I saw Appa sighed. He smiled at me but it didn't reached his eyes. He's sad too. I feel him.

Today is the start of my job for Mr. Savino. Ngayon ako pupunta sa kanila at doon aalagaan ang nakatulala kong magiging alaga.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa bintana ng bus na sinakyan ko papunta sa mansion nila. Nasasaktan ako para sa mga taong nakapaligid sa amin, kay Xyrielle, kahit ako, nasasaktan.

Nakarating ako sa bahay ng mga Savino. Their maids welcomed me and toured me around the Savino's mansion. It's bigger that I thought. Mayaman nga talaga sila.

Pinuntahan ko si Earth sa kwarto niya. Hindi man lang siya kumibo dahil sa pagkakapasok ko sa kwarto niya. Its been a month since he and Xyrielle broke up. Teka, broke up nga ba? Sila kaya? Nagkibit balikat na lang ako sa mga tanong sa isip ko.

"Earth, kumain ka na." Inilapag ko ang tray na may lamang mga pagkain sa may coffee table niya. "Nandito na din ang gamot mo, inumin mo mamaya pagkatapos mong kumain." Bilin ko at nanatili siyang nakaupo at tulalang nakatingin sa may glass wall ng kwarto niya.

Napabuntong hininga ako nang makita ang isang butil ng luha niya. I can't comfort him. Hindi ko alam ang buong istorya nila. Basta ang alam ko, may mali.

Tinignan ko muli siya bago ako lumabas sa kwarto niya. Bumuntong hininga muli ako at pumasok sa kwarto ko na dating kwarto lang ni Xy. Gusto kong umiyak, pero hindi pwede. Kailangan kong magpakatatag. Para sa kanila. Para sa kaniya.

Lumipas ang magdamag at gabi na. Hindi lumalabas si Earth sa kwarto niya at nang balikan ko siya kanina para pakainin sana ng hapunan ay nakita kong hindi niya pa rin ginalaw ang pagkain niya na inihanda ko kanina para sa tanghalian niya. Yung gamot niya lang ang napansin kong wala.

Umiinom siya ng gamot ng wala man lang laman ang tiyan? Baka lumala yang sakit niyan kapag ganyan!

"Earth, bakit hindi mo kinakain ang pagkain mo?" Tanong ko pero nakatulala lang siya sa bintana. Hala, na-stroke na ata ito ng hindi niya nalalaman.

Nung gabing din iyon, halos marinig ko mula sa kabilang kwarto ang hagulhol niya kapag umiiyak. Alam kong sound proof ang bawat silid dito pero pinanganak akong malakas ang pandinig.

Sumunod ang mga araw, naging ganun pa rin ang routine. Magbibigay ako ng pagkain, minsan hindi niya kakainin, minsan naman kakain pero konti lang, parang mas madalas pa siyang uminom ng gamot niya ng hindi kumakain.

Madalas sa gabi, umiiyak siya. Halos gabi gabi na nga. Siguro dahil akala niya, wala ding makakarinig sa kaniya. At sa dalas ng pag-iyak niya, nahahawa na din ako. Sumasabay ako sa pag-iyak kapag naririnig ko boses niya.

Masakit na para sa isang tulad ko ang makasaksi ng ganung kalungkutan. Kaya nung sabayan ko siya, feeling ko nakatulong ako dahil kahit papano, may karamay siya. Hindi lang siya ang nasasaktan sa sitwasyon ngayon kundi pati ako, si Appa, si Enrico at yung iba pa.

Hanggang sa dumating ang araw na pagpasok ko ng kwarto niya, nakita ko siyang nakahilatay at putlang-putla.

Nataranta ako. Tinawag ko lahat ng tao at pinasugod si Earth sa ospital namin.

Paikot ikot ako ngayong naglalakad sa tapat ng emergency room. Kasalukuyan siyang nasa loob at ino-obserbahan.

"Alexis!"

Lumingon ako sa taong iyon at niyakap ko siya agad. Umiyak ako at nakita kong umiiyak din siya.

"B-bakit?" Tanong ko sa itsura niya. Mukha siyang namatayan. "A-anong nangyari, Enrico?" Magsasalita na sana siya pero tinawag ako ng Doctor mula sa emergency room.

"The patient is fine now. He needs to rest. Masyado siyang stress ayon sa observation. Kailangan niya ng pahinga at tanggalin lahat ng negatibo na nasa katawan niya o kung anoman ang problema niya." Sabi nito. "Excuse me."

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at maayos na ang kalagayan niya.

"Ikaw na ang nurse ni Prince?" Tumango lang ako kay Enrico. Hindi pa pala niya alam.

"Pasok na ako." Paalam ko. Ngumiti lang siya at umalis din. Hindi ko na siya inaya papasok dahil alam ko na pupuntahan niya pa si Xyrielle.

Nangalaiti ako at naikuyom ko ang mga kamao ko nang makita ko nanaman ang kalagayan ni Earth ngayon. Nakaupo siya sa higaan niya at may hawak na papel. Sinilip ko iyon at nakita kong picture nila ito ni Xy kasama ang isang bata. Open minded akong tao kaya alam kong hindi nila anak iyon. Ang bilis naman ata nilang makagawa kapag nagkataon, ano?

Umiiyak nanaman siya at doon ko na siya nasigawan.

"Earth naman!" Sigaw ko na nagpaagaw ng atensyon niya. Naging blanko ang mukha niya at ako naman ang naluha. Hirap na hirap na din ako sa siwatsyon nila ngayon.

Nanatili siyang tahimik na nakatingin sa akin. Nilapitan ko siya at kinuwelyuhan.

"Hindi ka ba maaawa sa sarili mo, ha?!" Sermon ko. Hindi lang siya gumalaw at nakatingin lang sakin. "Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niyo ngayon Earth eh! Kami ang nahihirapan!"

Sa pagiging tahimik niya ay lalo lang akong nainis at nasabi ang mga salitang hindi dapat sabihin.

"Alam mo ba na sa pagiging ganyan mo ay ang paglala din ng sakit ni Xyrielle, Hah?!"

-----

Prince Earth Savino

Halata sa mukha ko ang gulat at lungkot. Mali lang ang p-pandinig ko d-diba?

"W-what?"

Nabitawan ni Alexis ang damit ko at tulala na lumayo sa akin. Unti-unti siyang napahakbang patalikod.

"W-what did y-you say?" Maluha kong tanong. Hindi na ako naubusan ng luha dahil kay Xyrielle. Mahal na mahal ko siya.

Ngayon naman ay siya na ang napipi. Tulala at nanginginig ang kamay. Nasigawan ko siya sa inis ko.

"WHAT DID YOU SAY?!"

"MALALA ANG SAKIT NI XYRIELLE! SHE HAS LEUKEMIA!"

Nabingi ako. No. T-this wasn't happening. H-hindi iyon t-totoo.

"You're lying!"

"No, I'm not!" Napaiyak na si Alexis at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Sinasabi ko din sa sarili ko na hindi totoo lahat ng ito, pero wala din! Kasi totoong totoo ito! Kasi ito ang katotohanan!"

I don't know but when it comes to Xyrielle, I became a crybaby.

"Since when?"

She looked at me. Umiling siya. "I don't know.." she whispered.

"T-tell me, s-she'll not d-die, right?" I asked, hoping that it will. "Am I right? Tell me I am right!"

But when she answered my question, my world shattered.

"She will, after 7 months."

No. I-it can't be.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon