15 - Lego House

15.8K 360 11
                                    


*Play the Multimedia*
-Lego House by Boyce Avenue (cover) originated by Ed Sheeran-

Xyrielle

I'm gonna pick up the pieces,

And build a lego house

If things go wrong

We can knock it down

"Oo. S-siya yung alaga k-ko." Utal kong sabi. Napatango na lamang si Enrico at pinagmasdan din ang nakapikit na si Sir Prince habang kumakanta.

Hindi ko alam na may banda siya.

"Magaling siyang kumanta. Parang normal lang." Nakangiti si Enrico habang sinasabi iyon. Mukha nga siyang normal na walang dinadalang mabigat.

My three words have two meanings,

But there's one thing on my mind

It's all for you

Seeing him like that makes my heart beat so fast. It's unnatural and unusual.

"Mukhang mabait naman siya." Komento ni Enrico nang makita niyang ngumiti si Prince sa mga manonood. Hindi kami makita sa pwesto namin dahil nasa likuran kami.

Sa maamo niyang mukha. Mukha nga siyang mabait. Pero kapag nakilala mo siya, makikita mo kung ano talaga ugali niya.

And it's dark in a cold December,

But I've got you to keep me warm

If you're broken I will mend you

And keep you sheltered from the storm

That's raging on, now

Nakikisabay ang mga tao sa paligid sa awit niya. Pati itong katabi ko, naaaliw na.

"Xyrielle.." napatingin ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako kay Enrico. Ngumiti siya pabalik. "Mangako ka na.." tumigil siya at umiling. "Wala.."

I'm out of touch

I'm out of love

I'll pick you up when you're getting down

And out of all these things I've done

I think I love you better now

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano yun?" Pangungulit ko pa. Tinawanan niya lang ako na halata mong naiilang siya sa hindi ko alam na dahilan. "Sabihin mo na kasi." Sumeryoso ako. Ganun na din siya.

Ngumiti siya. "Gusto mo ba talagang sabihin ko?" Tumango ako. Sumeryoso siya pero halata mo na nahihiya siya. "K-kasi.. mangako ka sana na.." napakamot siya sa batok niya. "Wag ka munang mainlove." Natigilan ako sa sinabi ko.

It was not a statement but a request.

Napatingin ako sa taong kumakanta. Hindi ako inlove o ano man. Nagkakagusto lang ako. Katulad ng pagkagusto ko kay Enrico bilang kaibigan. Ganun din naman ako kay Prince. Gusto ko siya dahil bumabait na siya sa akin. Pero iba ang ginagawa niya sa tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan na kung ano iyon.

"Xy?" Napatingin ako kay Enrico nang mapansin ko na hindi ko pa pala sinasagot ang request niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman. Ano ka ba? Wala akong panahon para diyan. Sa ngayon, trabaho muna ako." Saka ako uminom sa juice ko.

Ngumiti siya na naiilang. "T-tama. Wala ka nga p-palang time m-mainlove. " he laughed awkwardly.

"Eh ikaw? Still no love life?"

Umiling siya sa tanong ko. "Wala. I'm still waiting for her."

I'm out of sight

I'm out of mind

I'll do it all for you in time

And out of all these things I've done

Napatingin ako sa taong nasa entablado. At ikinagulat ko na nakatingin siya sa akin. Or ako lang ba talaga ito?

"I think I love you better now.." he said the last line of the song. He's still looking straight to my eyes.

Agad siyang bumaba sa entablado habang pinapalakpakan pa siya. Sinundan ko siya mula sa paningin ko at nanlaki mga mata ko nang makita na sa aming direksyon siya papunta.

"Oh? Ayan na alaga mo oh." Sambit ni Enrico nang mapansin din iyon.

Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako patayo ni Prince at saka siya naglakad kasama ko. Naabutan ko pa si Alexis na papasok ng restobar.

"Xyrielle!" Tawag sa akin. Nahagip pa niya ang buhok ko. Hindi na ako nakalingon pa dahil sa higpit ng hawak nitong alaga ko sa akin.

"S-sir!" Tawag ko sa kaniya pero patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng parking lot.

Inis na binitawan niya ang kamay ko at hinarap ako na magkadikit ang kilay. Galit siya.

"And what are you doing here, miss?" He asked me, emphasizing the word HERE.

Nanatili akong tahimik habang hawak hawak ang braso ko na namumula na.

"Tumatakas ka sa trabaho mo, just to meet someone? At sa bar pa talaga?" Hindi ko alam ang kinagagalit niya.

"He's not just someone. He's my bestfriend and he invited me here. Matagal ko na din siyang hindi nakikita simula nang magtrabaho ako sa inyo." Paliwanag ko.

"And then you didn't asked my permission?"

"I did but you were out of nowhere." Sagot ko.

Pilit niyang kinakalma ang sarili niya at hinilot ang mga sentido niya. Huminga siya ng malalim at hinarap ako na blanko ang mukha.

"Get in the car." Hindi ako gumalaw kaya binuhat niya ako na parang sako. Napatili ako sa ginawa niya.

This guy is getting to my nerves!

Pinasok niya ako sa kotse niya at akmang lalabas nang isarado niya ito at mabilisang pumasok mula sa kabilang gilid. Ni lock niya ang pinto at pinaandar kaya wala na akong nagawa.

Tsk. Lagot nanaman ako kina Alexis.

His Private NurseWhere stories live. Discover now