24 - The Fall

15.6K 354 10
                                    

Prince Earth

"Akalain mong makakaipon tayo ng ganitong kadaming barya!" Tuwang tuwang sabi ni Xyrielle habang bitbit ang sumbrero ng mga nabigay sa amin matapos kumanta.

This world is different from what I have. Sa buhay ko, maraming bawal dahil sa mga mata na nakatingin sa repustasyon ko. Sa kaniya naman, malaya.

I wish I had this kind of life. I don't need money. I need a family that will provide me happiness. Money can't do it.

Narinig ko nanaman ang pagtunog ng tiyan niya. Mahina akong natawa at siya naman ay kumamot kamot lang sa kilay niya.

Pumeke siya ng tawa. "T-tara dun!" Turo niya sa mga stand ng mga street foods. Sa kahihiyan niya ay nauna na siyang tumakbo papunta doon. Iiling-iling ko siyang sinundan.

Napakunot noo ko nang makita ang mga paninda doon. May mga bilog na kulay orange na nasa stick. May mga flat na bilog na kulay puti. Ano mga ito?

"Kuya, dalawang stick ng kwek-kwek at fishball." Ani Xy sa tindero.

Siniko ko siya. "What is this? Is this edible to eat? Is there any poison putted on it?" Kita ko na napatingin si Manong tindero sa akin.

Siniko ako pabalik ni Xyrielle at malakas iyon. "Ano ka ba naman." Bulong niya sa akin. Pumeke siya ng ngiti sa tindero. "M-Manong, wag niyo nang intindihin ang kasama ko. Hindi pa kasi iyan nakakapunta dito eh." Sagot na lamang nito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Sinisiguro ko lang naman na hindi tayo mamatay di--" tinakpan niya ang bibig ko at saka kinuha ang mga binigay sa kaniya ni Manong na kung anong binili niya at pinahawak sa akin ang isa. Nagbayad siya at saka ako kinaladlad palayo sa tindero nang nakatakip pa rin ang bibig.

Inis na tinanggal ko ito. "Yuck! Don't do that again!" Arte ko pa kahit na sa loob ko, nagwawala na ang sistema ko.

Malala ka na Earth.

Hindi niya ako pinansin at naupo na lamang siya sa may malapit na bench at doon kinain yung binili niya. Napangiwi ako sa nakikita ko. Tinignan ko ang hawak ko na kapareha ng kaniya.

Tinabihan ko siya ng upo. "Are you sure this is clean?" I asked to her. She nodded. I was about to say something again when she put the orange ball inside my mouth!

Napasigaw ako sa ginawa niya. Tumawa tawa siya sa pangyayari. Masyado siyang brutal.

"Try mong nguyain. Masarap iyan." I did what she said. Ninguya ko ito. Nang marealize kong masarap ay pinagpatuloy ko ang pagkain nito. Narinig ko ang pagtawa niya.

"Tignan mo. May amos ka pa!" Tawa niya at saka pinunasan ang nasa gilid ng labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

Ramdam ko nanaman ang karera sa parteng dibdib ko. Ayoko man aminin sa sarili ko na ito ang katotohanan pero wala. Nangyari na eh. Mismong puso ko ang nagpatunay.

Sa ilang ko ay umiwas ako ng tingin. Pinagpatuloy ko ang pagkain at hindi na umimik.

Isang buwan pa lang kaming magkakilala, hindi ba masyadong maikli iyon para sa amin?

Hindi ako madaling mahulog sa isang taong hindi ko naman ganun masyadong kakilala. Pero dahil sa mga pinakita niya, mismong sarili ko na ata ang nagpahulog.

Is she feels the same?

Bigla siyang tumayo. "Punta tayong baywalk!" Ngiti nito sa akin. Umiwas muli ako ng tingin at saka kinain ang huling piraso. Tinapon ko ang disposable cup sa basurahan at saka ako tumayo sa harap niya. "Game?" Tanong niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya iyon napansin at saka ako hinawakan sa kamay at tumakbo patungo sa paradahan ng mga jeep. Of course I know about jeeps. Hindi naman ako ganun ka-ignorante sa paligid ko.

His Private NurseWhere stories live. Discover now