23 - Guitar

14.9K 306 4
                                    

Prince Earth

Nakatingin lang ako sa kaniya. Nakatayo siya sa harapan ko at hindi makatingin ng diretso sa akin.

"What are you doing here?" Tanong ko sa malamig na boses. Umayos siya ng tayo at napayuko.

"S-Sir Prince, pinapatawag po k-kayo nina Mr. Savino. K-kadarating lang po n-nila kanina." She said. Napairap ako at tumalikod ng higa.

Naiirita lang ako kapag nakikita ko siya. Nakikita ko sa mukha niya kung paano siya ngumiti sa lalaking iyon kahapon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya kinakausap ng matino.

Ano naman ngayon kung umamin yung lalaking iyon sa kaniya?!

I imagined punching myself.

"Galit ka p-pa rin?" Tinanggal ko ang kumot sa may ulunan ko. "Gawa nung kahapon? Eh dapat nga, ako ang magalit sayo eh. Kaibigan ko iyon tapos susuntukin mo."

Napataas ang kilay ko sa tono ng boses niya. Nilingon ko siya na nakakunot ang noo. "A friend of yours? Really?" I said in sarcastic tone. "Bakit naman ako magagalit? Wala naman akong pakielam kung ano pang gawin niyo eh." Saka ulit ako nagkumot.

"Eh bakit mo siya sinuntok?"

Inis na umupo ako at hinarap siya. "Trip ko. Pwede ba?"

Hihiga na sana ulit ako pero nagsalita nanaman siya. Ang kulit talaga!

"Kung hindi ka galit at wala kang pakielam sa kaniya, eh di, nagseselos ka?"

Nakita ko ang paglunok niya at umiwas siya ng tingin. Magsasalita ulit sana siya pero inunahan ko na.

"You don't have the right to say those words to me." Seryoso ko siyang tinignan. "And besides, you're still not part of my life, remember?"

"You want me to show you mine?" Tanong niya ng diretso sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Fine. Ju---" hindi ko na siya pinatapos at tumayo na ako saka ko siya hinila palabas ng kwarto ko.

"Great! This would be fun!" I said to her.

Nadaanan pa namin ang mga magulang ko sa sala kasama sina Erylle at yung bastardong anak niya pa. Kung titignan, happy family. Insert sarcasm here.

"Where are you going, Prince?!" Sigaw ni Dad nang makita na hila hila ko si Xy palabas ng mansion.

"Somewhere in neverland!" I shouted back then ran faster para hindi na ako maabutan. Mabuti na lamang ay mabait si Manong Guard sa akin kaya napalabas agad kami.

Hinihingal kaming nagtago isang liblib. Nakahawak sa tuhod si Xy habang nakayuko. Naghahabol ng hininga.

"Bakit mo naman ginawa iyon sa Tatay mo?!" Bulyaw niya sa tapat ng tainga ko. Napalayo ako sa kaniya. Nakakabingi ang boses niya!

"Nothing. Mas gusto pa kita kasama kaysa sa kanila." Kita ko ang pamumula ng pisngi niya sa sinabi ko. Naiilang siyang tumawa.

"Galing mo magbiro! Tara na nga dun! Patay pa ako nito sa mga magulang mo eh." Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami tumakbo ulit.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Kanina kasi sa braso ko siya hinawakan. Ang layo ng kulay niya sa kulay ko. Well, maputi naman ako pero mas maputi siya kung ididikit sa akin. Wala bang dugo itong babaeng ito? Nagtataka na ako sa kulay niya eh.

Maya maya pa ay naramdaman ko nang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa magkahawak kami ng kamay kundi dahil sa nangyayari. Bumilis ang hininga ko at napatigil ako sa pagtakbo kasama siya.

His Private NurseWhere stories live. Discover now