19 - She

15.4K 341 10
                                    

*Play the Multimedia*
-Rainbow by David Archuleta-

Prince Earth

Pinapanood ko siyang nakapangalumbaba habang may libro sa harapan niya. Nakasalamin niya na malaki at busy sa pag-aaral.

Paano niya kaya ako natitiis gayong puro perwisyo ang binibigay ko sa kaniya?

I heard her coughed. Tsk. May ubo pa. Ang hina naman ng immune system niya. Uhh, pareho lang pala kami.

Medyo okay na din ang pakiramdam ko. At salamat na din sa kaniya na nag-alaga sa akin. Isa siya sa mga babae na nag-alaga sa akin. Si Mom, Erylle at siya. Hindi niya alam kung gaano kalaki ng bagay na iyon sa akin.

Kung pagmamasdan siya, parang ang inosente niya at wala gaanong kaalam alam sa mundo. Yung kaputian niya, mas lalo pang pumutla. At sa tingin ko, hindi na natural na bagay iyon. Pati ang mapupula niyang labi ay medyo maputla.

Siguro puyat lang.

Napatingin ako sa orasan sa tabi ko. Alas-nuwebe y media na. Hindi pa ba siya matutulog?

"Aren't you going to sleep?" I asked without looking at her. She yawned.

"Gusto ko na ayaw ko." Natawa siya sa sarili niyang sinabi. Napangiti ako.

Simpleng bagay, napapangiti na ako.

Kinuha ko ang beats at saka mp3 player ko sa may maliit na cabinet sa tabi ng kama ko. Pinilit kong tumayo ng ayos at maglakad papalapit sa kaniya kahit na nagkakanda uga uga na ako kakalakad.

Lumapit ako sa kaniya. Nakaupo siya ngayon sa study table ko. Nilagay ko sa tainga niya ang beats at saka sinaksak ang connector nito sa mp3 player. Inayos ko ang buhok niya at ngumiti.

"Para hindi ka antukin." I said to her, smiling. I tapped her head and went back to my bed.

Tinaklob ko ang buong sarili ko ng comforter ko. Lihim akong napangiti sa naging reaksyon niya. Nakakatuwa.

Hay. Ano bang nangyayari sa akin?

Nakatulog ako sa gabing iyon, kakaisip kung ano bang magiging kinabukasan nitong mga pangyayaring ito ngayon.

---

Nagising ako dahil sa vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa may tabi ko at saka ito tinignan.

From: unkown number

Please meet me tomorrow. I need to tell you something.

-Xyrene

Binura ko ang mensahe ng taong nang-iwan sa akin. Wala akong pakielam kung ano siya ngayon. Wala akong pakielam kung bumalik siya para sa akin ngayon. Ang alam ko lang, iniwan niya ako at nilayuan dahil sa sakit na meron ako.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Kinapa ko ang noo ko para malaman kung mataas pa ang lagnat ko. Medyo maiinit pa rin pero mas magaan ang pakiramdam ko kaysa kanina.

Napatingin ako sa gilid ko. Doon ko nakita si Xyrielle na naka-ub ob. Nakailaw ang lampshade sa gilid niya. I half smiled.

I stood up and went near her. I removed my beats to her ears. Bahagya akong lumuhod sa harap niya at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha niya.

Doon ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung paano. Basta ang alam ko, alam ko kung bakit ganito ito kabilis tuwing kasama ko siya.

Nang makita ko na tulog siya ay binuhat ko siya. Ang gaan niya kaya nakayanan ko naman na buhatin siya papunta sa kwarto niya. Inilapag ko siya sa kama niya at inayos ko ang higa niya. Umupo ako sa gilid niya at tinitigan siya.

Madami akong na-realize sa pagtitig ko sa kaniya.

I smiled to myself. You're really different.

I kissed her forehead before I went off to her room.

Somehow, I'm thankful that I have this kind of disease. This kind of disease that is why Xyrene left me. And because of this disease, I met her.

She who made my heart race fast again. She who made me laugh and smile again.

And she, who came along to my life.

His Private NurseWhere stories live. Discover now