27 - Fallen

14.1K 315 4
                                    

Xyrielle Blurr

"Can we talk?" Tumango na lang ako sa alok ni Mrs. Savino. Dumiretso kami sa garden. Nakalabas na sa ospital si Prince noong nakaraang linggo at nagpapahinga pa rin ngayon.

Niyaya niya akong umupo sa bench. Umupo ako at tumabi siya sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ningitian niya lang ako.

"Masaya ako na unti-unting bumabalik ang anak ko." She smiled. Unang tingin pa lang sa kaniya ay maituturing mo na siyang anghel. Napakabait niya. "Huwag mo siyang iwan, ha?"

Kinabahan ako. "B-bakit naman po?" Kamot ko sa kilay ko. "B-bakit niyo po sinasabi ito?"

"I want to you ask something." Umupo ako ng ayos at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "May relasyon ba kayo ng anak ko?"

"H-ha?" Taranta kong sabi. "Naku. W-wala po." Pagtanggi ko. Napayuko ako nang ngitian niya ako. "Pero, m-mahal ko siya." I admitted because of guilt. Hindi ko kayang magsinungaling sa anghel.

She tapped my shoulders. "I know." Napatingin ako sa kaniya. "Kita ko naman kung paano mo siya alagaan eh. Nung pagtyatyaga mo sa pagbabantay mo sa kaniya, lahat iyon, inoobserbahan ko sayo."

Ngumiti ako. "Hindi din naman po kasi ganun kahirap mahulog ang isang tao sa isang tulad niya. Inaamin ko po na ayaw ko sa kaniya nung una, pero kalaunan, eto na. Nahulog na pala ako ng hindi ko namamalayan." Iling ko.

"Aren't you afraid that.. one day, he'll disappear?" She asked me sadly. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. "Everything is not permanent, Xy. May mawawala." Bumuntong hininga siya. "Ako na lang sana ang nagkasakit kaysa sa anak ko."

"Wag po kayong mag-alala.." ningitian ko siya. "Aalagaan ko ang puso ng anak niyo."

----

Lumabas ako ng kwarto ko. Hindi ako makatulog.

Pumunta na lamang ako sa kusina para sana magtimpla ng gatas nang madaanan ko si Elcid na nakatayo sa harap ng kwarto ng Kuya niya.

Napangiti ako. Marunong palang manuyo ang kapatid ni Prince.

Nilapitan ko siya at kinulbit. Hindi na siya natutulog sa kwarto ko dahil may binigay na sariling kwarto sa kaniya si Mr. Savino.

"Nunna.." maktol niya na naluluha. "What to do with Hyung?" Maluha luha niyang sabi. Tinapik ko siya sa balikat at hinawakan sa kamay. Naglakad kami pababa.

"What's with your Hyung?" I asked him. 'Hyung' ang tawag sa nakatatandang lalaki kapag lalaki ang magsasabi. 'Nunna' naman para sa nakatatandang babae pero mga lalaki lang ang nagsasabi.

"I want Hyung to be my buddy." Maktol niya. Nang makarating kami sa kusina ay pinaupo ko siya sa high stool chair. "I want to be close to him." He said. Kumuha ako ng baso niya para timplahan ng gatas.

"You want?" Tanong ko. Tumango siya. "Then we will. Tomorrow, we are going to an amusement park." Sa tuwa niya ay niyakap niya ako.

"Yey! Thank you, Nunna!" Hinalikan pa niya ako sa pisngi. This kid.

Binigay ko sa kaniya ang baso ng gatas. "Inumin mo na iyan para may lakas ka bukas para kausapin si Kuya mo, okay?" Tumango siyang nakangiti at ininom ang gatas.

Pagkatapos niyang ininom lahat iyon at pinahatid ko na siya sa Yaya niya. Mukhang inaantok na din ang bata eh.

Pataas na sana ako ng kwarto nang may marinig akong tunog ng gitara. Sinundan ko iyon at napadpad ako sa hardin.

Nakita ko siya doon na nakaupo sa damuhan at nakakalong sa kaniya ang gitara. Tsk. Gabi na at mahamog, bakit nasa labas pa rin siya?

Lumakad ako papalapit sa kaniya. "Bakit gising ka pa?" Tanong ko. Tinignan niya ako nang umupo ako sa tabi niya.

"Eh ikaw? Why are you still awake?" Sinimangutan ko siya sa pagbabato niya pabalik ng tanong ko. Mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. "Just kidding. Hindi ako makatulog eh. Ikaw?"

Nagkibit balikat ako. "Ganun din." Tinignan ko ang gitara niya. "Kailan ka pa natuto tumugtog?" Tanong ko.

"I was born with music. Bata pa lang ako, kinahiligan ko na ang pagtugtog." Sagot niya.

Gifted.

"Ah." Tumango tango ako. Makikita din naman sa kwarto niya ang koleksyon niya ng mga instrumento.

Humarap siya sa akin at pinuwesto ang gitara. "Want me to play you a song?" Napangiti ako at tumango na lang.

*Play the Multimedia*
-Thinking Out Loud (Acoustic Version) by Ed Sheeran-

He started plucking the guitar. Mahusay siya sa larangan ng musika.

When your looks don't work like they used to before

And I can't sweep you off of your feet

Will your mouth still remember the taste of my love

Will your eyes still smile from your cheeks

Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik. Ang ganda ng boses niya. Kaya siguro nahuhumaling ang ibang tao.

And darling I will be loving you 'til we're eternity

And baby my heart could still fall as hard at 23

Natawa ako sa pagbabago niya ng lyrics. Ayaw niya na hanggang 70 lang. Gusto niya hanggang kamatayan.

And I'm thinking 'bout how

people fall in love in mysterious ways

Maybe just the touch of a hand

Hindi ko din alam kung paano ako nahulog sa kaniya. Nung una, nasabi ko na may gusto ako sa kaniya, kalaunan, nasabi ko na nahuhulog ako sa kaniya, pero ngayon, nahulog na pala.

Oh me I fall in love with you every single day

And I just wanna tell you I am

Pinagmamasdan ko lang siya. He's acting like normal when the truth is something is wrong. Hindi niya lang pinapakita dahil ayaw niyang maapektuhan ang iba nang dahil lang sa kaniya.

So honey now

Take me into your loving arms

Kiss me under the light of a thousand stars

Place your head on my beating heart

I'm thinking out loud

Sinabayan ko na siya sa huling linya ng chorus ng kanta.

"Maybe we found love right where we are." Binaba niya saglit ang gitara at nanlaki na lang ang mga mata ko nang yakapin niya ako.

"I love you.."

Nanlalaki ang mga mata ko. He too had already fallen. I smiled. I'm happy beside him. I'm happy to be with him. This is the right time for me.

I hugged him back and said those four words that he didn't expected.

"I love you too."

His Private NurseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant