20 - Little Brother

15.7K 290 0
                                    

Xyrielle Blurr

Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong may tumutunog. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa pagkabigla ko.

Napatingin ako sa paligid ko. Nasa kwarto ko na ako. A-ang alam ko.. nasa kwarto ako ni Prince tapos doon ako nag-review ng book at.. nakatulog ako?

Pinukpok ko sarili ko. Si P-Prince kaya ang nagdala sa akin dito? Napangiti ako.

Patuloy pa rin ang pagri-ring ng cellphone ko kaya naman sinagot ko na iyon.

"Hello?" Sagot ko dito.

"Yeoboseyo, Xyrielle-ssi!" Masiglang bati niya. Tinignan ko ang caller ID at napangiti agad ako.

"Doctor Park!" Tawag ko sa kaniya. "Kamusta na po? Matagal tagal din po tayong hindi nagkaka-usap ah. Busy po kayo?" Sunod sunod kong tanong. Hindi ko maipagkakaila na namimis ko na sila nina Alexis.

Rinig ko ang pagtawa niya. Kahit kailan talaga, pa-teenager si Doc. (=_= ")

[We're fine here. Busy din kasi dito. You know, New Year is near so we should have to be ready.] He answered. [Eh ikaw? Kamusta naman ang isa kong anak?] He asked. I laughed.

"Si Doc naman. Anak-kuno niyo lang naman po ako." Tawa ko sa katotohanan. Itinuring na niya akong anak simula nang magtrabaho ako sa hospital nila. "Ayos lang din naman po ako."

Alam ko sa kabila ay nakangiti siya. [O sige. Ibaba ko na ito at maaga pa ang pasok ko. Take care, Xy.]

"Okay po. Ingat din po kayo, Doc." Then he ended the call. Minsan na lang pala kami ngayon magkausap ni Doctor Park.

Bumangon na din ako at saka inayos ang dapat ayusin dito. Naglinis na din ako ng sarili ko bago ako bumaba ng hagdanan. Tinignan ko ang orasan sa kabilang bahagi ng living area nila.

6: 30 A.M

Maaga pa pala. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko para tulungang maghanda ng almusal sina Manang Helen nang may narinig akong doorbell.

Kumunot noo ko. Ang aga naman yata ng bisita nila? Sa sumunod pang doorbell ay nakita ko na si Prince na bagong gising pa lang. Magulo ang buhok at inaamin ko sa sarili ko na bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

Sa tingin ko.. iba na ito.

"Good Mornin Si-- Prince." I bowed to him. "Maayos na po ba pakiramdam niyo?" He just nodded and avoided my gaze. Uh, did I did something wrong?

Sumunod pa ang pangatlong doorbell na nagpagising ng diwa ko. Pumunta ako doon at pinagbuksan ang pinto ng kung sino man. Wala naman akong nakikita.

"Hey! Eyes down here!" I heard someone said and I looked down.

I was shocked. His eyes, nose, lips, and his whole face, is the same as Prince.

"Who's that, Xy?" I heard Prince spoke from behind. Tumabi siya sa akin at saka ko siya tinignan. Magkamukha nga sila.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Prince. "What are you doing here, little boy?" He asked.

Bago sumagot ang bata ay dumaan siya sa gitna namin ni Prince papasok sa bahay nila.

"Hey! You tresspasser! Come back here!" Sigaw ni Prince sa kaniya. Sumunod kami sa batang umupo sa sofa sa may living area at saka ginala ang paningin sa buong paligid. I remained silent. I can't find words because of this. Tumayo kami sa harapan ng bata.

"So this is Dad's house. I wonder where is he?" He looked at Prince and pointed him. "You! Where is my father? Come on! Where is he?" He asked Prince.

"Who's father? My dad? How come you became a Savino, little kid?" He asked the little one back.

Uh, sa totoo lang Prince. Magkamukhang-magkamukha kayong dalawa. Gusto ko sanang sabihin iyon kaso wala akong mahanap na boses. Still shock.

"Listen, brother. I am Peter Elcid Anillo-Savino, son of Haley Anillo and Phillip Savino. 7 years old. Philippines!" He shouted the last word. "Anyway, here's the proof." Kinuha niya ang backpack niya sa likod niya at saka may hinalungkat. Inilabas niya ang isang papel at saka binigay kay Prince.

Hindi pala siya papel. Isang litrato. May isang babae at isang lalaki na may hawak naman na batang lalaki sa tabi niya. Family picture.

Nakita ko ang panginginig ng kamay niya. He crumpled the paper and throw it somewhere.

"Hey!" Angal ng bata saka pinulot ang litrato. Inayos ang mga tupi nito at saka pinagpag.

Nagmartsa pataas si Prince at sinundan ko naman. Nakarating siya sa kwarto niya at pinagsaraduhan ako. Kinatok katok ko ito ng ilang beses hanggang sa lumabas siya na nanginginig pa rin. Nakatingin lang siya sa akin.

Sa takot ko sa nangyayari sa kaniya ay hinawakan ko ang mga balikat niya para matigil sa panginginig. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.

Nang makabawi ako sa pagkakayakap niya sa akin ay hinagod hagod ko ang likod niya.

"Crying is not bad. Sometimes it helps you to let out the words that you can't utter." And with that, I felt his shoulders go ups and downs. I heard him sobbing and crying.

Mahirap na malaman mo na may anak sa labas ang tatay mo. Hindi mo alam kung tatanggapin mo ba ito o babalewalain lang.

After he cried, kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Feeling better now?" He just nodded and say thank you. Pinagsaraduhan niya ulit ako ng pintuan na ikinabigla ko.

Psh. Matapos akong iyakan, pagsasaraduhan.

Bumaba na lang ulit ako at saka ko hinarap ang bata na ngayon ay naglalaro na sa iPad niya. Tinabihan ko siya. Hindi man lang gumalaw nang tabihan ko. Busy sa paglalaro masyado.

"Baby, anak ka ba ni Mr. Savino?" Tanong ko at ibinaling niya ang atensyon sa akin.

He nodded. "Yes po. I came here because my mom died days ago. She said that I need to go to my Dad because no one will take care of me." Mangiyak-ngiyak na sabi ng bata.

Parehong iyakin ang magkapatid.

Pinunasan ko ang takas na luha niya. "Alam na ba ng Daddy mo na nandito ka?" Umiling siya. "Okay. Just stay here if you want, you can rest to my room now." He nodded and then followed me in my room.

-------
A/N:

Daniel Hyuno Lachapelle as Peter Elcid

-NoLoveJustLife-

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon