14 - Heartbeat

18.4K 357 5
                                    

Xyrielle Blurr

Lumipas ang mga araw. Heto ako at hindi mapakali. Iniisip kung paano ba nangyari ito? Iniisip kung kailan pa nagsimula ito?

Gusto ko mang sabihin na wala, hindi ito totoo. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga pangaral sa akin ng mga magulang ko tungkol dito ay hindi ko maiwasan na aminin sa sarili ko na ito talaga ang katotohanan.

Madami siyang ginagawang mali sa akin, gayon ay nagustuhan ko pa rin siya? Wala siyang ibang ginawa na matino sa akin, sa katotohanan nga ay pinapalayas niya ako sa ibang pamamaraan.

"Ano ba, Xy. Kumalma ka nga." Pinukpok ko ulo ko at ako lang din nasaktan sa ginawa ko. "Aray naman." Daing ko. Para akong baliw dito.

Hindi naman kasi ako tanga para hindi ko malamang itong nararamdaman ko.

Sa loob ng dalawampu't isang taon kong existence sa mundong ito, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Pinukpok ko ulit ulo ko. Sumasakit na ulo ko sa kakaisip kung anong gagawin ko eh. Kung umiwas na kaya ako?

Maya maya pa ay narinig ko nang tumunog ang cellphone ko. Patalon akong humiga sa kama ko at nauntog pa ako ng headboard nito. "Aray ko po.." hinimas himas ko ang ulo ko. Nga naman.

Sinagot ko ang tawag nang mapagtanto kung sino ito.

"Napatawag ka? Miss mo na ako ano?" Pang-aasar ko sa kaniya. Dinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Napakunot noo ko.

[Paano kapag sinabi kong, oo?] Namula ako sa sinabi niya. Napansin niya siguro ang katahimikan ko kaya naman tumawa nanaman siya. [Syempre naman! Miss na miss ko na bestfriend ko. Hindi mo man lang matandaan na tawagan ako.] Batid ko ang tampo sa boses niya.

"Sorry naman. Busy kasi dito eh. Alam mo na." Napabuntong hininga ako.

[Minamaltrato kaba ng amo mo? Sabihin mo lang sa akin, susugudin ko lungga niyo.] Bahid sa babala niya ang seryoso niyang tono. Natawa ako.

"Hindi naman, Enrico. Mababait sila sa akin. Lalo na ang alaga ko." Napakabait na pati ako, nauuto na niya.

[Mabuti kung ganun.] Paninigurado niya. [Teka. Wala ka bang day off? Ilang linggo ka na diyan at halos malapit na ang katapusan ah. Miss ka na namin dito. ]

Bumuntong hininga ako saka gumulong sa kama. "Sige. I-try ko mamaya magpaalam. Wala din naman kasi akong gaanong ginagawa dito sa bahay, este mansion nila.] Sagot ko sa kaniya.

Nagpaalam na muna siya sa tawag at sinabi na magkita na lamang kami sa isang bar kung saan kami madalas pumupunta kasama sina Alexis at iba pang kaibigan.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa tapat ng pintuan ni Sir Prince. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok sa dibdib ko. "Kaya mo iyan." I cheered myself.

I knocked on the door, waiting for him to let me in but no one opened the door. I knocked several times but still, no one is answering. Kinabahan ako kaya binuksan ko ang pintuan nito at hinanap sa loob si Sir Prince. Pero wala akong makitang anino niya kundi ang mga gamit niya.

Napatakbo ako pababa ng hagdan. Naguguluhang lumapit sa akin si Manang Helen nang makita ang sitwasyon ko. "Anong nangyayari? Bat ang putla mo?" Napatingin ako sa kaniya.

"N-Nasaan po si.. si S-Sir Prince?" Tanong ko na nauutal pa dahil sa pag-aalala. Ngumiti siya at pinakalma ako.

"Nasa gig niya siya ngayon. Maaga siyang umalis dahil sa practice nila." Sa sinabi ni Manang ay naluwagan ang hinga ko. "Wag kang mag-alala. Maya-maya nandito na din yung alaga mo." Aalis na sana siya pero pinigilan ko.

His Private NurseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora