28 - First Picture

13.9K 326 8
                                    

Xyrielle Blurr

"What are we doing here?" Tinignan niya ang kahawak ko sa kamay. Hinawakan niya ang kamay namin at pinaghiwalay. Pumagitna siya sa amin ni Elcid. "And we're with that kid?" Turo niya sa kapatid niya. Napayuko si Elcid kaya naman pinalo ko ang kamay niyang nakaturo sa kaniya.

"Ano ka ba! Bata naman iyang pinapatulan mo eh." Nilapitan ko si Elcid at lumuhod sa kaniya. "Are you okay, baby?"

"Baby daw. Was he born yesterday and you called him baby?" Dinig kong bulong ni Prince pero hindi ko na siya pinansin at hinawakan sa kamay si Elcid.

"Let's go, baby?" Tumango lang si Elcid at saka sumabay sa akin na maglakad. Rinig ko pa ang reklamo ni Prince pero hindi ko na pinansin.

Nandito kami ngayon sa isang amusement park. Katulad ng sinabi ko kagabi kay Elcid, tinupad ko naman. Gusto ko lang naman pag-ayusin ang dalawang magkapatid eh.

Pumunta kami sa pilahan kung saan magbabayad kami ng entrance fee namin. Mahaba ang pila at mainit kaya naman naka-shades ang magkapatid. Kanina pa nga sila pinagtitinginan dito.

Naramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko. Namula ako nang makita ko si Prince na nasa tabi ko na pala.

"They're staring at me and it's creeping me out." Sumbong niya.

Natural naman na titingin sila sayo sa gwapo mong iyan!

"Ang panget mo kasi." Iwas ko ng tingin. Pati ako napapatitig na din sa kaniya. Bad eyes.

"Parang ikaw sila." Napatingin naman ako sa kaniya. "Remember? In the bus?" Ngisi niya. Sumimangot ako at tumawa naman siya. "And I thank that day 'cause I met you." He pinched my nose and kissed my forehead. Namula ako sa ginawa niya.

After my confession last night to him, he began to be sweet. Yung sweet na kitang-kita mo talaga. Nung gabing iyon, hinatid pa niya ako sa kwarto ko at hinalikan ako sa noo. I just find him sweet whenever he kiss my forehead.

Maya maya pa ay kami na ang nasa unahan. Magbibigay na sana ako ng pera pero nag-abot agad ng credit card si Prince sa cashier.

"Ako na. Ako nagdala sa inyong magkapatid dito eh." Sabi ko pa. Umiling siya. Wala na akong nagawa kundi sumunod.

Nang makapasok na kami ay tumakbo agad si Elcid sa may carousel na una mong makikita pagkapasok.

"Elcid!" Tawag ko sa kaniya dahil baka madapa siya kakatakbo. Pumunta na din ako sunod sa kaniya at nasa likod ko lang si Prince.

"Hey, careful." Paalala ko pa. He then raised his thumb.

"Yes, Nunna!" Pagkaharap niya ay nauntog siya sa may bakal! Tsk! Kasasabi ko lang eh!

"O my ghad!" Nataranta ako kaya naman pumasok ako sa may pilahan at saka pinatayo si Elcid na ngayon ay nakaupo na. "Hey! Are you okay?" Tanong ko pa. Bago pa siya makasagot ay nakitang kong umangat na si Elcid. Nakita kong binuhat siya ni Prince at saka nilayo sa pila.

Sinundan ko silang dalawa papunta sa may mga bench. Umupo si Prince doon at ako saka niya pinahiga si Elcid sa kandungan ko. Tulog ang bata.

"Tsk. Kasasabi lang na mag-ingat eh." Bulong bulong pa ni Prince. Napangiti ako.

Tinignan ko ang kapatid niya. Nakapikit at may bukol pa sa ulo. Napalakas ata ang untog niya.

"Magkamukha kayo." Baling ko kay Prince na ngayon ay nakatanggal na ang salamin. "Hindi mo tanggap?"

Napabuntong hininga siya. "It's just t-that. I- I was just upset." Buntong niya. Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti siya pabalik. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Kahit.. ngayon lang. Magkasundo naman kayo ng kapatid mo. Please?" Pakiusap ko.

"I'll try." Sinimangutan ko siya. "Kidding. Okay. I will." Magsasalita na sana ako nang gumalaw ang nasa kandungan ko. Gising na ang nauntog.

"Ouch. My head hurts." Kamot ni Elcid sa ulo niya at saka umupo ng ayos.

"May I see?" Singit ni Prince kaya naman humarap ang kapatid niya sa kanya. "Tsk. Dahil sa bukol mo, hindi na kita kamukha." Asar pa nito sa kapatid na mangiyak-ngiyak na.

"Eh! Hyung! Remove that bukol from my forehead!" Maktol pa ni Elcid.

Napangiti na lang ako. Nang kandungin ni Prince si Elcid. Mukha silang mag-ama. Tapos ako yung yaya ni Elcid. -_____-"

"Mawawala din iyan. Tara na?" Yaya ni Prince and winked at me.

Sana ganito na lang lagi kasaya.

Pinuntahan namin ang zorb ball. Doon ay may mga lobo na bilog at oblong na sasakyan na lumulutang sa ibabaw ng tubig.

"One double." Said Prince to the staff.

Humila sila mula sa tubig ng isang oblong na lobo at doon kami pumasok sa loob. Medyo natakot pa ako nang tumalon si Elcid mula sa loob at yumugyog ang lobo. Aatakihin ako sa batang ito eh!

"Oh my ghad!" Bulyaw ko nang tumalon silang dalawa nina Prince. Punyemas na magkapatid!

Tumawa silang dalawa. "Come on, Nunna! Jump!" Tumalon pa si Elcid at napatili nanaman ako. Tumawatawa pa sila at hinila ako patayo ni Prince. At dahil pabilog itong lobo ay gumulong ito at napaibabaw ako kay Prince.

He smiled at me and kissed me in my lips quickly. Nanlaki ang mga mata ko at napaupo ng maayos.

"May bata. Ano ba." Bulong ko kay Prince.

"Don't worry!" Napatingin kami kay Elcid na nakahawak ang dalawang palad sa mukha at kita ko ang mga mata niyang nakasilip sa pagitan ng mga ito. "I didn't saw you kissing Earth-hyung!" Tumawa silang magkapatid.

Sunod na sinakyan namin ang Rio Grande Rapids. Ang pagkakatanda ko ay mababasa kami dito. Huli ko kasing punta dito ay noong high school graduation.

"Hey! Come here." Yaya ni Prince sa akin na nakalahad ang kamay. Tinanggap ko iyon at saka kami umupo sa pabilog na upuan. Hindi nagpasama ng ibang tao sa sasakyan namin si Prince. Choosy.

"Picture lang po!" Sabi sa amin nung babaeng staff na may hawak na DSLR. Tinapat niya iyon sa amin at ngumiti kami. Naka-akbay sa akin si Prince.

"Woooh!" Sigaw ni Elcid na halatang nag-e-enjoy.

Ilang mga alon ang humampas sa sinasakyan namin. Basa na ang likod ng dalawa samantalang ako..

"Hindi pa basa si Nunna!" Sigaw ni Elcid na pati mukha ay basa na.

I stucked my tongue out to them at agad din natanggal iyon nang tumapat sa akin ang falls. Great, Xy. =____=

Narinig kong tumawa sila. Kahit naiinis ako sa kanila dahil sa pagtawa nila ay napangiti ako dahil mukhang nagkakasundo ang dalawa.

Bumaba na kami nang matapos ang ride namin at nakita kong palinga linga si Prince. Nakakunot ang noo niya at parang may hinahanap.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin at nakangiting umiling.

"Nothing. Let's go?" Ngumiti ako at saka namin binili ang litrato na nakunan kanina. Naka-akbay sa akin si Prince at nakangiting nakatingin sa akin, ako naman ay nakatingin sa camera at si Elcid naman ay naka-peace sign.

"The first photo of us."

His Private NurseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant