26 - Fake Laughs

14.4K 290 8
                                    

Prince Earth

"Can you just leave me alone?" She asked me. Parang sinaksak ako ng maraming kutsilyo sa sinabi niya. "H-hindi kita gusto. Umalis ka na sa buhay ko."

Lumuhod ako sa harap niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniwan na ako ng tao noon, wag naman ngayon. Kailangan ko siya. Kailangan ko si Xyrielle. Siya na lang lakas ko.

"Please. No. D-don't leave me."

---

"Hey! Hyung! Wake up!"

Isang malakas na sigaw sa tainga ko ang nagpagising sa bangungot ko.

Natulala ako. The dream. Is it possible that she'll leave me after her job? Kung iiwan niya ako, sana lagi na lang akong may sakit para hindi niya ako maiwan at lagi akong bantayan. I don't want losing her. Tama na ang isa.

"Earth-hyung! Annyeong haseyo?" Napatingin ako sa taong iyon at talagang nag-init ang ulo ko sa nakita ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nanghihina pa rin ako. "Stop calling me hyung, will you?" Mahinahon kong sabi. Sumakit pa ang lalamunan ko dulot siguro ng matagal kong pagkakatulog.

"Prince!" Bumaling ako sa tatay kong may pakielam pa pala sa akin. "Stop being rude. He's still your brother!" Hinila niya palayo sa akin si Elcid.

Mahina akong tumawa. Tinignan ko ang paligid ko at wala akong nakitang Xyrielle. Sila Mom at Erylle lang ang babae dito. Sa kaba ko ay napaupo ako. Sumakit katawan ko at tinulungan ako ni Erylle at Mom na makaupo ng ayos.

"W-where's Xyrielle?" Kabang tanong ko kila Mom. "W-where is she?"

"She's not part of the family so why care to her?" Pabalang na sabat ng aking magaling na ama. Bumaling ako sa kaniya na katabi ang bastardo niyang anak.

Ngumisi ako. "Why? You want me to care to him?" Turo ko sa katabi niya. "Want me to care for your bastard son? Huh Dad?" Patuloy ko. "This is not even called a family!"

"Prince.." mahinahong saway ni Mom.

"Let him, Ericka. Tutal ganyan naman siya eh. Masyadong nagmamagaling." Iling ni Dad. Hinawakan niya sa balikat si Elcid. "Let's go." And then he went out with HIS SON. Just wow.

Ako na tunay at legal na anak, hindi man lang mahawakan ng sariling ama. Samantalang ang anak sa labas, nagagawang protektahan? Mahusay.

"Tell me, Mom. Worth it ba talaga akong iwan?" Baling ko sa nanay ko. Tumikhim siya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo.

"No. Don't say that. Stress lang daddy mo. Just understand him." Umiling ako sa sinabi niya.

"I'm tired of understanding him." Bumuntong hininga ako. "Please leave me alone for now. I need time." Tumango lang siya at umalis.

Tinignan ko ang kapatid ko na nasa tabi ko pa rin. "What?" She asked me in confusion.

"Didn't you heard me? I said, get out." Pagtataboy ko sa kaniya.

"Ito naman. Hinintay ko lang sila Mom na umalis para sabihin sayo kung nasaan si Ate Xyrielle." Ngisi niya.

"Nasaan siya?" I asked to her. Binabalewala ko lang ang pagngisi niya dahil sa mga hinala niya.

"Umamin ka muna." Napalunok ako. Kapag nakalabas ako ng ospital, humanda ka sakin Erylle. "May gusto ka kay Ate Xy, ano? Amin na!" Pagpilit niya.

His Private NurseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt