11 - Mannequin

20.2K 370 13
                                    

Xyrielle

I woke up in the morning with a wide smile. Ewan ko lang. Basta nagising akong nakangiti. Sino ba naman kasi ang hindi gustong magising? Sabihin niyo nga.

Naupo ako ng ayos sa kama ko. Kinusot mga mata ko saka sinuot ang tsinelas at tumayo. Nag-stretching at tumalon-talon.

Binuksan ko ng may ngiti ang pintuan nang may maramdaman akong malamig sa ulo ko kaya unti-unting naglaho ang mga ngiti ko.

"Ahh! Agang-aga napaliguan agad ako!" Badtrip kong sabi saka ko pinagpag ang braso ko na nadapuan ng malamig na tubig.

Naglakad na ako pababa ng hagdanan. Wala pang gaanong tao sa mansion ng mga Savino dahil alas sais pa lang. Pero alas sais, dapat naglilinis na sila sa paligid ah. Nakakapagtaka, nasaan na kaya sil--?

"Kyaaa!" Irit ko nang mapatiwarik ako pabaligtad. Naging baligtad ang paningin ko at isang pares ng lumalapit na paa ang nakita ko.

"Oh? Anong trip iyan?" Tanong ng boses.

Pilit kong inangat ang paningin ko at nakita ko ang bwiset  kong alaga na nakangisi.

"Ikaw!" Ginalaw galaw ko ang isang paa ko na nakatali sa taas. "Kagagawan mo lahat ito eh!" Wala sa sarili kong sigaw sa kaniya. Siya naman talaga ang pasimuno sa lahat ng ito!

Kita ko ang pagluhod niya na nakangisi at nilapit niya ang mukha niya sa akin. Nanlaki mga mata ko. "Ako? Inosente ako ah." Ngisi pa rin nito.

Hilong-hilo na ako sa nakikita ko. "Ano ba?! May motion sickness ako! Ibaba mo na ako!" Pagpupumiglas ko pero lalo ata akong nalula. "Nasaan sina manang?!" Sigaw ko sa mukha niya.

Tumayo ito at umikot-ikot sa paligid ko. Hilig niya talagang magpahilo ng tao. "Wala. Day-off." Sabi niya at tumigil sa harapan ko. Tinignan ako ng naniningkit ang mga mata. "Hindi sana mangyayari ito sayo kung umalis ka ng maaga." May inis sa tono niyang sabi.

Nangunot noo ko. "Bakit ba kasi?! Pasalamat ka nga at may nag-aalaga sayo!" Inis kong sabi. Malapit na akong masuka sa kalagayan ko.

Bago pa siya makasagot. Narinig kong tumunog ang cellphone niya. He glared at me once before turning to his phone. I saw him shaked. W-what's happening? Kabado ako sa nakikita ko sa itsura niya. Nakatalikod siya at kita ko ang paggalaw ng mga balikat niya taas baba.

Sa kaba ko, hindi ko inintindi ang hilo ko at bumaluktot ako para abutin ang lubid sa isa kong paa. Mabuti na lamang at medyo maluwag iyon at natanggal ko. Maya maya pa ay nakarinig ako na may bumagsak.

Tumalikod ako para makita ang nakahilatay na katawan.

"Sir Prince!"

---

"Who is the guardian of the patient?" Taranta akong tumayo at hinarap ang sub doctor na si Doctor Gomez.

"Doc. Si Nurse Kim po ito. P-Private nurse ni Sir Prince." I bowed. He patted my shoulders.

"He's okay. May bagay lang siguro na bumagabag sa kaniya kaya bigla siyang inatake." He assured. "Ire-report ko na lang ito ni Doctor Park pagbalik niya." He said then went off.

I sighed in relief. Mabuti na lang.

Kumatok muna ako sa kwarto niya bago pumasok. Nakita ko siya na nakatingin lang sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko.

"O-okay ka na ba?" Tanong ko na nagpabalik sa diwa niya. Tumingin siya sa akin. "T-Tinawagan ko na si Ma'am Erylle. P-papunta na din siya dito maya-maya lang."

His Private NurseWhere stories live. Discover now