33 - Déjà vu

14.2K 277 23
                                    

Ilang linggo na ang lumipas simula nang umalis sa trabaho niya bilang isang private nurse si Xyrielle.

Sa kalagayan naman ni Prince, hindi siya pumayag na may ibang magbantay sa kaniya kundi si Xyrielle lang ang gusto niya. Hindi din niya mapuntahan si Xyrielle kung nasaan man ang dalaga, hindi kasi sinasabi ni Xyrielle kung nasaan siya. Namimis na niya ang dalaga.

"Hyung, may I borrow your phone?" Paalam naman ni Elcid kay Prince na busy sa pagla-laptop, naghahanap ng kausap na may alam kung nasaan si Xy.

Tumango lang si Prince at pinagpatuloy ang ginagawa. Kinuha ni Elcid ang cellphone ng kapatid at may pinindot na kung ano. Maya-maya pa ay nagsalita ang tinawagan ni Elcid.

[Hello?]

*Play the Multimedia*
-I'll never go by David Archuleta-

Natigilan si Prince sa narinig. Sinadya ni Elcid na i-loudspeaker ang tawag. Tinignan ni Prince si Elcid ng may pagtataka. Hindi kasi minsan matawagan ni Prince ang number ni Xyrielle. At nagtataka ito na iba na ang number ni Xyrielle.

You always ask me

Those words I say

And tellin' me what it means to me

"How did you get her number?" Ngumiti lang si Elcid sa kaniyang Kuya at saka binigay ang cellphone sa kaniya. Nangingiti niyang inabot iyon at saka sinagot.

"Xyrielle! I miss you!" Galak na bungad niya sa dalaga.

Every single day

You always act this way

For how many times I told you

I love you for this is all I know

Walang sumagot sa kabilang linya. Napakunot ang noo ni Prince at tinignan ang cellphone. On going pa rin ang call pero nagtataka siya na hindi nagsasalita si Xy. "Xy? Are you still there?" Ilang segundo pa ang lumipas at naputol na ang linya.

Nakatingin lang si Prince sa cellphone niya. Bakit hindi man lang siya kinausap nito? Paanong hindi niya alam ang number niya? Akala siguro ni Xyrielle, wrong number lang. Isip isip ni Prince.

Come to me and hold me

And you will see

The love I give

For you still hold the key

"Hyung? What happened?"

Napatingin lang siya sa kapatid niya at umiling. Pilit na ngumiti ito at ginulo ang buhok ng kapatid.

"Nothing." Pagsisinungaling niya. "Why did you called her?" Prince asked.

Nagkibit balikat si Elcid. "Nothing too. I just figured out that you miss her."

Every single day

You always act this way

For how many times I told you

I love you for this is all I know

Bumuntong hininga si Prince. Ngumiti lang ng pilit kay Elcid at bumalik sa ginagawa. Napili niyang i-chat si Enrico na ngangayon lang nag-online.

"Where's Xy?" Tanong ni Prince. Nung una ay sineen ni Enrico iyon at nainis naman si Prince. "Can you please give me the answer? I'm worried!"

I'll never go far away from you

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon