5 - Convenience Store

26.3K 450 18
                                    

His POV

"Hala ka Kuya! Tumakas ka nanaman daw kagabi sabi nung nurse na nagbabantay sayo. Lagot ka kay Mommy." Pananakot sakin ng kapatid ko na si Erylle.

That's why I don't want her to be with me. She's too nosy.

"Stop that childish attitudes, Erylle. Fourth year high ka na. Pwede ba?" Asar na sabi ko at tumalikod ng higa sa kaniya.

"KJ mo forever. Hmp!"

Hindi ko na lang siya pinansin at kunwari nang natulog para hindi niya ako maistorbo kakatalak niya. Umiingay lang ang buhay ko kapag nandiyan sila pareho nina Mom eh.

What's the big deal about ditching? Hindi na ako makahinga sa loob nitong hospital na ito dahil halos puti na ang nakikita ko. Oo pasyente ako pero lalo naman ata akong magkakasakit niyan kung lagi na lang ako sa loob ng isang kwarto. Nakakabagot.

Bukas na din naman ako madi-discharge.

-----

Xyrielle 

Kapag ba may mga bagay na nawawala sa inyo, hahanapin niyo ba? Natural lang diba.

Matapos kasi ang pag-uusap namin ni Doctor Park, napag-isip ko din na, hindi lang pala ako ang nawawalan. Pareho pala kami.

Although alam kong may anak siya which is Alexis, hinahanap pa rin niya ang isa niyang anghel. Ang swerte naman nung isa  niyang anak. Buti pa siya hinahanap.

Yung akin kaya?

"Kakainin mo ba yang pagkain mo o kakainin?" Napatingin ako kay Alexis.

"Pasensya na." Sambit ko saka ko sinimulan ang pagkain ko. Lunch time.

"Ikaw ha. Napapadalas na iyang pagtutulala mo. Hello? December na beh. Kakatapos lang ng November, nanlulumo ka pa rin?" Irap pa nito. Napasimangot ako.

"Iniisip ko lang yung kinukwento sa akin ng Papa mo."

"Storyteller na pala si Dad."

"Wala ka bang natatandaan na kapatid mo?" Mukhang natigilan siya sa tanong ko. "Naku. Wag mo nang sagutin kung conf--" she cut me off.

"Ayos lang." Uminom muna siya saka niya ako hinarap. Ngumiti ng malungkot. "I have a sister. 2 years gap. Parang tayo. 23 ako, 21 ka." Tawa pa niya. "Sometimes you need to sacrifice something for your love na kahit alam mong nasasaktan na kayong pareho, gagawin mo pa rin. Para sa lahat." She said.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Sana makita mo na kapatid mo." I smiled.

"Sana nga. May kasalanan pa ako dun eh." Tawa niya at halatang pinipigilang maluha.

Maaaring matagal na kaming magkaibigan nitong si Alexis pero maraming bagay pa rin akong hindi nalalaman tungkol sa kanila.

Natapos ang pag-lu-lunch namin ay balik trabaho nanaman kami. Minsan tutulong sa operasyon, minsan naman sa pag-che-check up. Nakakapagod man ang trabaho pero masaya ako na tumutulong sa ibang tao.

Nang uwian na ay pinatawag ako ng secretarya ni Doctor Park.

"Nurse Kim, kailangan niyo na pong mag-ayos ng gamit para sa pagiging private nurse niyo sa isa sa mga pasyente dito. Sa isang araw na daw po ninyo mami-meet ang alaga niyo."

I smiled and said my thanks to her. I wish this private nurse thingy would be good. Tsk. Kailangan ko na din pala pag-aralan itong sakit ng pasyente ko.

Dumadaan muna ako saglit sa bookstore para bumili ng libro tungkol dito sa Congestive Heart Failure. Matanda lang ng isang taong itong aalagaan ko. Naku naman. Sana mabait.

Maraming libro ang nakita ko. Pero mas pinili ko ang maraming information. Sisimulan ko na siguro ang pag-aaral nito bukas. Binayaran ko na ito bago pumunta sa isang convenience store para kumain. Nakakatamad kumain kapag mag-isa lang sa apartment.

Bumili ako ng tinapay at kape. Konti lang kakainin ko. Humanap ako ng upuan pero wala ako makita kundi ang isang lamesa na may nakaupo na isang lalaki. At talaga namang niloloko na ako ng mga nangyayari dito.

Sa huli, napagdesisyunan ko na lang kainin ito habang naglalakad. Ilang beses ko na bang nakikita ang antipatikong lalaki na iyon? Una sa bus, pangalawa sa isang convenience store, ngayon naman, dun ulit.

Well, hindi ko naman siya kilala kaya hinayaan ko na lang. Kinain ko na ang binili ko at nagulat ako nang mag-vibrate ang phone ko sa bulsa.

Tumatawag si Enrico.

"Hello?"

[Anong hello?! Nakaka-hello ka pa sa lagay na yan?!]

Nangunot noo ko. "Ha?"

I heard him sighed. [Sorry. Nag-alala lang ako. Bakit ka nagtrabaho agad kanina? Diba sabi ko kahapon magpahinga ka muna?! Tigas naman ng ulo mo eh! Buti na lang sinumbong ka sa akin ni Alexis! Paano kung nabinat ka?! Naku! Mamamatay ako sa pag-aalala sayo eh! Ano? Ayos ka na? Hindi mo man lang ako hinintay kanina! Hindi naman kita makit---]

Natawa ako. "Kalma. Huminga ka naman ng konti. Ratatatat iyang bibig mo eh. Walang tigil." Alam kong sa kabilang linya ay nakasimangot na siya. "Ayos lang ako. Nakakahiya naman kasi kina Doctor Park at sa ibang nurses na dinadahilan ko ang pagsama ng pakiramdam ko para lang ma-excuse sa trabaho."

[Ehh.. paano kung mabinat k--?]

"Ano ka ba. Ayos lang ako. Pagod lang siguro ako. Sige na. Dito na ako sa bahay. Bye."

He sighed. [Sige na nga. Basta sunduin kita ng umaga bukas ha? Good night. Bye.]

Napangiti ako at binaba ko na ang telepono ko. Sinusian ko na ang apartment ko at nilock ulit ito nang makapasok ako.

Masarap sa pakiramdam na may mga taong nag-aalala sa inyo. Mabuti na lang at may uri ako ng kaibigan na laging nandiyan kapag mag-isa ako.

Inayos ko na ang gamit ko. Konti lang naman itong gamit ko sa apartment. Isang monoblock chair nga lang ang mayroon sa sala. Walang tv. At sa kusina naman ay walang anumang mga gamit panluto, kaya nga sa may labas ako kumakain eh. Samantalang sa kwarto ko, isang kama na maliit lang, sa kapit bahay pa ito. In short, mga personal na gamit ko lang ang mayroon ako.

Okay lang. Sanay na naman ako.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon