29 - Thank You

13.1K 300 3
                                    

Xyrielle Blurr

"Hyung! I wanna pee." Sambit ni Elcid. Napatingin ako kay Prince na nasa tabi ko at nagce-cellphone. Binaba niya muna iyon at saka tumango sa akin.

"Umupo ka muna diyan. Samahan ko lang itong tukmol na'to." Siningkitan ko siya ng mata nang sabihan niya ng tukmol ang kapatid niya. Ngumiti lang siya ng pilyo at saka sila naglakad papunta sa cr.

Nakakita ako ng bench kaya doon muna ako umupo. Bumuntong hininga ako at tinignan ang buong paligid.

Maraming tao, may pamilya, barkada, at karamihan ang mga magkasintahan. Napaisip ako bigla.

A-ano nga bang r-relasyon namin ngayon ni Prince?

"Hi miss." Tinignan ko ang taong nagsalita at nakita ko ang lalaking kulang pa ng ilang paligo kaysa kay Prince. "Are you alone?" Umupo pa ito mismo sa tabi ko kaya naman umupo ako sa kabilang gilid. Susunod pa sana siya nang may marinig kaming boses.

"Mommy?" Tinignan ko sila. Naka-piggy back ride si Elcid kay Prince. "Who's that monkey?" Turo niya sa lalaking tumabi sa akin kanina. Napabaling ang tingin ko kay Prince. Masama ang tingin niya sa lalaki.

"You." Bulaslas niya sa lalaki. "Why are you here with my wife? Get out here before I kick your balls out." Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko. Sa takot naman nung lalaki ay umalis na ito. Sinamaan naman ako ng tingin ni Prince kaya umiwas ako ng tingin.

"B-bakit mo sinabi sa kaniya n-na a-asawa mo ako?" Nahihiya ko pang tanong.

"Nothing. For him to know what's my property."

---

"Hyung! Nunna! Let's go to the ferris wheel!" Hinila hila niya ang kamay ko at kamay ni Prince na nakahawak sa kaniya.

Hanggang ngayon, bangag pa rin ako sa mga pangyayari. Una, nakilala ko ang lalaking ito, pangalawa, nahulog ako, pangatlo, nagka-aminan kami, pang-apat, nandito kami ngayon na parang mag-asawa at ang huli, dahil sa sinabi niya kanina, para na din niya akong inangkin at sinabi na sa kaniya lang ako.

"Are you going to stand there or you will follow us?" Napatingin naman ako kay Prince na medyo malayo na ang distansya mula sa akin.

"A-ah, sunod na ako." Lumakad na ako patungo sa kanila at pumila. May iba pa nga na pinauna na kami dahil daw nakakahiya daw sa mga gwapo at mukhang artista. Nahiya naman daw akong kasama ko sila.

Gabi na at medyo malamig na. Tama lang ang sakay namin dito dahil presko naman.

Noong pumunta kasi kami dito noong high school ako, hindi na kami natuloy dito sa ferris wheel dahil nahihilo daw si Ate. Kaya naman umuwi din kami agad.

"Hey, Nunna! Let's go!" Excited pa na sabi ni Elcid kaya naman sumakay na kami.

Unti-unti itong umaakyat dahil may iba pang sasakay. Kanina ay kaunti lang din ang nasakyan namin dahil nga sa bawal magpagod nang pagod si Prince. Tinakas ko nga lang muna sila pero alam naman ni Mrs. Savino na pupunta kami, siya na lang daw magsasabi sa asawa niya.

Tinignan ko ang baba. Maliwanag at kitang kita ang buong amusement park. Mailaw at mukhang makulay mula sa taas. Napakaganda nito at maaliwalas tignan.

"Beautiful, right?" Tumingin ako kay Prince nang magsalita siya pero iniwas ko din agad.

"Oo nga eh." Sagot ko na lang habang nakatingin pa din sa baba.

"A-are you happy... with me?" Tinignan ko na nang tuluyan si Prince nang itanong niya iyon sa akin. Ano bang iniisip niya? "You know.. some people here thinking that I'm boring so..."

Umiling ako at saka ko siya ningitian. Hinawakan ko ang kamay niya at saka iyon pinisil. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

"I'm happy. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko." Tinignan ko si Elcid na nakasilip lang din sa baba kaya hindi niya kami maintindi. "Kayo."

Pinisil niya pabalik ang hawak niya sa kamay ko. "Thank you." He kissed me in my forehead. "Thank you for having you." He kissed the tip of my nose. "And thank you for loving me back." He kissed me and I kissed him back. It took only seconds but for me, it was a forever.

"I love you." I said. He smiled at me and answered me too that completed my day.

"I love you too."

---

-NoLoveJustLife-

His Private NurseWhere stories live. Discover now