16 - Cinderella

17.9K 336 9
                                    

Xyrielle

Ilang araw na din ang lumipas nang hilahin ako ni Sir Prince palabas ng restobar at ngayon ay nagkakailangan kami. Eto din naman ang gusto ko, ang lumayo sa kaniya dahil baka lalo pang lumalim itong patibong.

Pumunta ako sa kwarto niya. Kinatok ko ito at narinig ko ang pagsigaw niya, sinyales na pinapapasok niya ako. Bigla akong kinabahan. Baka naman hindi na tubig ang nakalagay dyan kapag binuksan ko, kundi acido?

Sa pagiging paranoid ko. Binuksan ko muna ang pintuan at hindi pumasok. Narinig ko siyang tumikhim.

"Walang kung ano man ang nandiyan." Sa sinabi niya, bigla akong napahiya. "And besides, I let you enter my life if you show me what's yours." Sa sinabi niya ulit, namula ako. Ramdam ko ang pagbilis ng dibdib ko.

Kumalma ka muna, puso. Di ba naiwas ka muna?

Huminga ako ng malalim at nakatungong pumasok sa kwarto niya. Inabot ko ang gamot at sinabi, "Inumin niyo na po ang gamot niyo, Sir."

Napairap siya. "Just put it there and get out." Madiin niyang sabi at umalis na din ako.

Napahinga ako ng malalim nang makapasok ako sa kwarto ko. Hindi pa rin kumakalma ang kung ano dito sa dibdib ko.

Mahirap umiwas pero kailangan kung ayaw mong ikaw ang maiwan.

Naiinis na din ako sa sarili ko. Pinayagan ko ang sarili ko na magtrabaho malayo sa mga kaibigan ko, at heto ako ngayon. Nagkakagusto sa alaga ko. Hindi naman big deal iyon eh dahil wala pa naman sa pagmamahal, pero hindi ko alam ang epekto niya sa akin kung bakit mas lalong lumalalim itong nararamdaman ko. Kaya minabuti kong isantabi muna ito.

Gusto ko siya, not in a romantic way, pero dahil sa hindi ko malamang dahilan, parang mag-iiba ang ibig sabihin ng 'gusto' ko sa kaniya.

Bumuntong hininga ako. Ako bang gagawin ko sa sarili ko?

Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang telepono ko na nakakonekta sa kwarto ng alaga ko. Sinagot ko naman ito.

Bago pa ako magsalita, inunahan na niya ako.

"Mag-ayos ka. Yung matino. May pupuntahan tayo." Yun lang at binaba na niya ang telepono.

Tinanggal ko ang telepono mula sa tainga ko at saka tinignan ito. "Alam mo? Bastos ka din ano?" Kausap ko dito.

Pero syempre, hindi pa rin maiiwasan na mainis ako sa kaniya.

Gaya ng sinabi niya, pumunta ako sa mga damitan ko at naghanap ng MATINO na damit ayon sa sinabi niya. Bakit? Matino naman mga damit ko ah. Kaysa naman sa mga binili niya sa aking damit.

Napatingin ako sa mga bestida na binili niya nung nakaraang mga araw. Namili ako ng isa sa mga dito at namataan ko ang puting bestida na pinakanagustuhan ko una pa lang.

"Eto na lang."

Sinuot ko ang damit at naghanap ako ng matino kong sapatos. Pinili ko ang nag-iisang puting dollshoes ko na niregalo pa ni Doctor Park sa akin.

Humarap ako sa salamin matapos mag-ayos. Okay na ako. Maayos na naman ang brown at medyo wavy kong buhok. Mas maganda kung simple lang ako at walang kaartehan sa mukha.

Bumaba na ako sa hagdan at pinuntahan si Sir Prince na nakasandal sa gilid ng kotse niya. Nakaputi siyang long sleeves at itim na pants. Bumagay sa kaniya iyon lalo na at nakatupi hanggang siko ang sleeves ng damit niya.

Napansin niya ang presensya ko kaya naman napatingin sa akin. Tinignan niya ang paa ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Doll shoes? Mas lalo kang liliit kapag tumabi ka sa akin." Asar niya. I gritted my teeth at blew my bangs. Minsan nakakaasar na din ang pagkakapuna niya.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon