1 - Work

53.5K 807 51
                                    

Umaga.

Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. Suot suot ko ang uniporme ko. Puting pang-itaas, puting pangbaba, puting sapatos, at puting sumbrero. Lahat puti.

"Another good morning to you Miss. Get ready for work." I said to myself and went off.

Pumunta na ako sa bus stop at naghintay ng masasakyan. May tumigil na isang bus at pagkapasok ko. Punuan na.

Except lang dito sa lalaking nakaupo sa bandang likuran. Naka-shades at may beats sa tainga. Tingin ko tulog ang isang ito.

Napatingin ako sa tabi niya.

Gitara.

Wow ha. Buti pa ang gitara may upuan.

"Excuse me, Sir." I called him. But he didn't even move. What's with this guy?

"Sir, can you please remove your guitar here?" Pointing his guitar. "Wala na akong maupuan."

I noticed him rising his right brow. He removed his shades. And woah! Ang gwapo.

Tinaasan niya ako ng kilay. Gwapo nga. Masungit naman. Wala din! Tsk.

Due to my frustration, I grabbed his beats from his ears and he looked at me. No. He just gave me a death glare.

"Pasensya na sa pang-iistorbo pero pwede po bang pakikitanggal ng gitara niyo, Sir?!" Gigil at may diin kong sabi. Mahina lang kasi nakakakuha na ako ng atensyon ng iba dito. Talk about gossip.

He angrily grabbed his beats in my hand and gave me a death glare, again. "So? Do I need to mind your own problem?"

Grabe siya oh.

Napabuga ako sa hangin. Tandaan niyo, hindi lahat ng gwapo, gentleman. Katulad ng isa dito. Pakshet lang ha!

Sa inis ko. "Hoy Mister, para sabihin ko sa iny---- Kyaaahhh!!"

Basta basta na lang pe-preno si Kuyang driver. Sana naman may go signal ano? Nang makaupo na ako at hindi mahulog dito sa lalaking sumambot sa akin.

Lalaking sumambot?

I looked at him. Brown eyes. White skin. His side bangs hair made him more attractive. To other girls. And my my! He got this kissable lips.

Nung nagpasabog siguro nun ng kagwapuhan at kagandahan, napahimbing ang tulog ko? Hindi ako naulanan eh.

Bigla niya akong binitawan, causing me fall on the floor of this bus. What the?

"Stop staring at me. You're creeping me out." Then he went off to the bus with his guitar.

I heard chuckles. I glared to all of the passengers. Causing them to pretend that they didn't know anything.

What a great morning, Xyrielle.

Nakarating ako sa hospital na nakasimangot. Bwisit na bwisit sa umaga ko ngayon. Binati ako ng guard pero sinimangutan ko lang sila. Napataas pa sila ng kilay sa nakita nila dahil sanay silang nakikita na nakangiti akong pumasok.

Chineck ko na din ang time ng pagpasok ko at nagsimula na para sa duty ko. Pero bago yun, pumunta muna ako sa C.R. para sa mga nurses na babae. Sosyal 'tong hospital eh.

Yes, I'm a nurse. I worked here for 2 years and counting. After I graduated, sinikap ko talagang makapasok dito. Nagpakapuyat sa pag-aaral. Nagpakapagod para makapasok dito at nagsipag para sa kinabukasan ko.

Why I took a course about nursing? Simple, I wanted to be a doctor yet, hindi kaya ng budget ng magulang ko. So I took nursing. First reason, I wanted to heal those wounds and make my patients in relief. Una pinagsisisihan ko ang pagnu-nurse ko. Pero nung mamatay ang magulang at ate ko nung papunta sila sa graduation ko ay naaksidente sila. Car accident.

Wasak ang kotse, duguan sila mom and dad. My ate was not there. She's missing. And until now, not found. Yung gusto mo nang mamatay din kasi napag-iwanan ka? Ganun ang feeling nun. Mag-isa ka na lang. Wala kang kasangga. Wala na. At first, hindi ako nakakakibo ng normal. Laging tulala. Buti na lang laging nandiyan ang bestfriend ko nun. Pinalakas ko loob ko at gaya ng pangako ko kina mom at dad na magiging magaling akong nurse, ginawa ko lahat ng makakaya ko para sa kanila.

Naluluha nanaman ako. Naalala ko pa kasi.

Second reason, I wanted to be a self-healer. Yung tipong kapag nasaktan ako, ako ang gagamot at aayos. Ayaw kong umaasa ako sa iba katulad ng nakasanayan ko noong buo pa kami. I want to be independent.

And last reason, I wanted to inspire others to be strong. Dahil kung puro sakit lang ang dadalhin mo, walang mangyayari. Matuto kang maging malakas. Tibayan ang loob at sabihing kaya mo lahat basta magdasal ka lang. Alam kong tutulungan ka Niya.

I smiled to my reflection. You are now learning yourself so be mature.

------

Correct me if I'm wrong in grammars and spellings. THANKS!

-NoLoveJustLife-

His Private NurseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant