CHAPTER 4

133 11 30
                                    

LUMAKAS ang pagkalabog ng puso ko. At salubong ang mga kilay akong nag-angat ng tingin sa lalaking nakatitig sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Kapal ng mukhang nagawa pang ngisian niya ako’t magpa-cute! Tsk!

“B-Bakit daw, Marie?” sabay tayo ko’t tingin sa kaniya saka balik ulit kay Yluj.

Marie shrugged her shoulder and sighed as she moved her eyeglasses a bit. “Hindi ko alam, eh. Basta pumunta na raw kayo ni Delos Santos ngayon sa faculty.”

“Hai! Arigatou Gozaimasu, Marie.” Bahagyang yumuko si Yluj sa kaniya bago ako binalingan at hinigit ang palapulsuhan ko palabas ng classroom. “Let’s go, Imouto!”

“Eh, ikaw kasi! Bakit mo ba kasi binugbog si Justine, ha?” tanong ko nang nasa hallway na kami.

Nanlaki ang singkit na mga matang itinuro ni Yluj ang kaniyang sarili, nagmamaang-maangan. “Ako? Why me, Imouto?”

Sigurado ako na dahil nga sa ginawa ni Yluj kay Justine kaya ngayon, pinapatawag kami sa Facul---ty?

Hala.

Bakit nga ba sa faculty?

Dapat sa Guidance office kami ipapatawag, ‘di ba?

Ay, basta! Kasalanan talaga ng seksing butiki na ito ang lahat!

“Bakit mo ba kasi ginawa iyon kay Justine, ha? Dahil yata roon kaya siya nag-transfer sa abroad, eh! Kasalanan mo talaga ito!”

Inis ko siyang nilagpasan at nauna nang umakyat sa hagdanan. Bale kasi nasa second floor ng new building ang Faculty Room. Nakapag-exercise tuloy ako sa di oras. Tss.

Agad namang nakasunod ang seksing butiki at pinantayan ang mga hakbang ko. “Why I did that? Hmm… wala. That’s what I want. Trip ko lang,” he said playfully and then laughed.

Kumunot ang noo ko’t nagtaas ng kilay. Tumigil ako saka siya hinarap. “Iba ka rin talaga, ano!” sabay pairap ko siyang iniwan pero nakahabol pa rin siya kasabay ng mga halakhak niya.

“Why, Imouto? Worried ka ba sa akin kasi… nasaktan ‘yong kamao ko sa pagsuntok sa ungas na ‘yon?”

“Hindi!” inis kong singhal sa kaniya saka siya nilagpasan ulit, pero agad din nakahabol ang butiki dahil sa lawak ng mga hakbang niya.

I rolled my eyes and zipped my mouth. Ayokong kausapin siya. Well, ayoko nga sa maiingay. At ang isang ito ay ki lalaking tao ay ang daldal!

Naiiling na lang ako lalo na sa tuwing nagyayabang na siya raw ang pinakaguwapo sa buong Japan Academy, kung saang planeta siya galing. Tss! As if may pakialam ako, ‘di ba?

“Good morning, Katherine and Yluj,” masiglang bungad sa amin ni Ma’am Rivera na ikinakunot-noo ko. “Bilisan ninyo. Maupo kayo.”

Nagtatakang napasulyap ako kay Yluj. And as usual, malapad ang ngiti niya sa mga labi. Nagpapa-cute. Tsk! Bibitayin na yata kami, eh, ngingiti pa rin siya!

“Bakit niyo kami pinatawag, Ma’am?” busangot kong tanong nang makaupo na ako sa side chair ng table niya. “Dahil ba ito sa nangyari no’ng isang linggo?”

Kumunot ang noo ni Ma’am Rivera. “Ha? Anong nangyari no’ng isang linggo?”

So, hindi dahil doon kaya kami pinatawag?

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now