CHAPTER 23

53 7 11
                                    

DAPAT simula pa lamang, inasahan ko nang mangyayari ang lahat na ito. However, I wasn't really surprised that Julene, a grade seven, will do this. Paano bang hindi, e mahal niya si Yluj. At sabi niya, gagawin niya ang lahat para lang bumalik sa kanya ang lalaking minamahal.

Binago ang blockings. Nagulat man sa biglaang pagbabago, sinunod pa rin nila si Madam Ashneka. Nakaupo ako sa harap ng salamin, halos wala sa sarili. Though, I can felt the heavy stares boring on my body. Naaawa sila sa akin, pero higit sa lahat, sa mga ganitong oras, ako ang mas naaawa sa sarili.

Wala rin naman silang magagawa. It was from the board of judges' decisions. At kung anong rason, hindi ko alam. May kinalaman ba kaya talaga si Julene rito? Or maybe because the boards already knew what and who truly I am?

"Okay lang 'yan, Kath." Kuya Abet patted my shoulders. "Nangyayari talaga 'yan sa lahat na pageants. May sasabotahe talaga lalo na kapag nalalamangan."

I sighed as I watched my co-candidates nervously waiting for their turn to show-offs their costume at the stage. "Okay lang, Kuya Abet..."

"Pero sabi ni Ashneka, suotin mo raw ito," sabay lahad niya sa akin ng gown na binili ng mga kaibigan. "Don't worry. Mas pagagandahin pa kita lalo. Para naman manlumo sila sa naging desisyon nilang itanggal ka!"

I chuckled at Kuya Abet's words. Somehow, it comforted me a little bit. Tinulungan ako ng helpers na ihubad ang costumes sa dressing room at palitan ng kumikinang na kulay gintong gown. Habang ang pageant, nagpatuloy na wala ako.

Tanggap ko rin naman. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan at nalungkot sa nangyari. Pambawi na lang iyong sinabi sa akin ni Kuya Abet kanina. That this is normal in a pageant. Pero nagawa ba talagang sabutahihin ako ni Julene? O dahil ito sa kalagayan ko?

Hindi ko alam. Pero kung hindi ito tungkol sa akin, siya lang ito ang may motibo para gawin ito. Binuntong-hininga ko na lang ang lahat. Lalo na noong lumapit sa akin si Yluj at nagtanong.

"What happened, Imouto? Nagulat ako sa biglang pagbabago ng blockings."

His eyes glazed with amazement when he saw me. Saglit lang iyon at agad din napalitan ng pag-aalala.

I smiled, reassuring him that I am okay. "Wala... namang nasabi si Madam. Siguro ipapaliwanag din lahat... pinagbihis ako, eh."

He sighed. Clenching his jaw, he glared at Julene when she passed us. May paghihinala sa mga mata niyang nagbalik sa akin ng tingin. Halos gusto nang itanong ang kung anong naglalaro sa kanyang isipan.

"Faster everyone! Formal attire na tayes!" Madam Ashneka clapped his hands.

Muling nagkagulo ang lahat sa paghahanda para sa susunod na exposure. Madam Ashneka sighed as he looked at me worriedly. Yluj went back to his station. Well, he looked like a proficient in his black tux. Inayos pa nga ni Kuya Abet ang buhok niya bago niya kami tinalikuran.

"Hindi mo ba talaga alam ang rason, Ashne?" hindi na mapigilan na itanong ni Kuya Abet.

Sadly, Madam Ashneka shook his head. "Wes talaga, Mars. Pero i-explain naman yata. Pinagsusuot itong si Garcia ng gown! Abang na lang tayes later."

Mapait akong napangiti. Medyo nadagdagan pa ang kaba sa dibdib dahil kahit siya ay hindi alam kung anong rason.

Halos isang oras din akong naghintay bago natapos ang pageant. Yluj crowned as the new Mister SAVS, while Julene as the Miss SAVS. I am happy, though. Dahil kahit papaano, nanalo si Yluj. Worth it pa rin naman iyong pagpa-practice namin.

Why Can't It Be (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora