CHAPTER 12

40 9 10
                                    

I WAS torn between to know the truth or not. Hindi ko pa man nakukumpirma kung ano nga ba talaga ang tunay kong nararamdaman para kay Yluj, saka ko naman malalaman na mahal pa rin pala siya ni Julene. I was right. May past relationship nga silang dalawa.

Pero kailan? Noong grade four sila? How gross! Ang babata pa nila nang panahon na iyon. Tss.

Okay. Susuko na ako. Hindi ko na aalamin pa kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko para kay Yluj. Napag-isip-isip ko noong linggo na ayaw kong makapanakit ng iba. Specially, ang murang puso ng isang grade seven student kahit pa halos dalawang taon lamang ang tanda ko sa kaniya. Naisip ko iyon habang nag-re-review ako para sa first grading exam sa mini library ng bahay namin.

Though, ayaw ko rin na makisawsaw pa sa isang relasyon na magulo na. Saka isa pa, hindi ko nasisigurado kung mahal ko nga ba talaga si Yluj. So puwede na rin na huwag nang alamin pa.

"Baby, nariyan na si Mariel. Nasa hapag. Sabay na lang kayong kumain ng almusal," nagkukumahog na sabi ni mama nang makasalubong ko siya sa hagdanan.

Lunes. Naka-yellow pencil cut dress si Mama. Well, panic Monday I guess. Napailing ako at kibit-balikat na bumaba ng hagdan habang yakap-yakap ang mga libro na babasahin ko sa isang kiosk sa school pag recess.

Naabutan ko nga si Yiel sa hapag, mag-isa at halos hindi ginagalaw ang sinangag at itlog na nasa plato.

"Mabuti naman at narito-" Tumayo si Yiel pero saglit na napako nang tingnan ako. "Ka na," she said almost a whisper. "Anong nangyari sa 'yo, Kath?"

Saglit na kumunot ang noo ko at tiningnan ang suot ko. Well, naka-black T-shirt at ripped jeans lang naman ako. Malayo sa complete uniform niyang porma. Well, siya na ang huwarang estudyante ng San Andres Vocational School.

"Bakit?"

Her jaws dropped. "Anong mayr'on sa cold accent na 'yan, Kath? 'Wag mong sabihin na nag-a-ano ka na talaga, ha!"

Mariin akong napapikit at bumuntong-hininga. Naiiling akong umupo sa silyang katapat niya matapos kong ilagay ang mga libro at backpack sa bakanteng upuan.

"Iyong totoo? Humihithit ka na rin ba, Kath? Isang araw lang tayo hindi nagkita, ha? Tapos ngayon, heto ka," dramatic na sabi niya matapos maupo na rin.

Mariin ko siyang tiningnan. "Will you stop talking and just eat?"

"Hindi. Seryoso? Bakit hindi ka nag-uniform? Papasukin ka kaya ng guard?"

Bumuntong-hininga ako. Kinuha ko ang bandihado ng sinangag saka naglagay sa plato ko. Pairap ko siyang sinulyapan nang kumuha ako ng itlog. Seryoso talaga siya sa paghintay sa sagot ko? Tss.

"They will," I answered shortly.

"Lunes ngayon, Kath! At wala tayong wash day, nakalimutan mo?"

"Exempted kami. Remember? Malapit na ang school fest. Excused kami sa lahat na klase this week. Okay na?"

"Ah, ganoon ba? Hehe. Sorry naman."

Inirapan ko siya saka ako nagpatuloy sa pagkain. Well, panic Monday really hit my family. Hindi magkaundagaga si Kuya Chris na lumabas ng banyo, nakatapis ang tuwalya sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Yiel shrieked when Kuya Chris slipped off. Muntikan pang matanggal ang pagkakakapit ng tuwalya sa kaniyang baywang.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now