CHAPTER 7

73 9 28
                                    

HINDI KO alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. I know I don’t deserve to be here. Pero kasi, pag-attendance is a must ay dapat naroon ka. Dahil kung hindi, absent ka sa lahat ng subject sa buong araw na iyon kahit pumasok ka pa.

“Are you okay, Imouto?”

Umikot ang mga mata kong napasulyap kay Yluj. Ayun na naman iyong alien niyang endearment. Ilang beses ko na bang sinabi na itigil na niya ang pagtawag sa akin ng ganoon? Tss!

Nasa isang gilid kami ng stage, malayo sa iba pang kasali sa pageant. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na kung anong magiging resulta. And to be honest, ako lang iyong hindi karapat-dapat na mapasali roon.

Kumbaga, unang tingin pa lang sa mga kalahok ay ako iyong kulilat. Nasa huli at walang kakayahang humabol sa ibang candidates. Iyon ako.

“Kinakabahan ka ba, Imouto?”

This time, napapikit na talaga ako nang mariin at huminga nang malalim. Ayoko sanang magpadala ulit sa galit para sa lalaking ito at baka makagawa na naman ako ng eksena, kaso ang daldal niya.

Ano ba naman iyong manahimik siya riyan? Ako? Nananahimik ako. Kinakabahan pero wala iyon sa akin. Sanay na ako. Ilang screening na ba ng pageant ang nasalihan ko? Hindi ko na mabilang. At lahat ng iyon ay hindi ako nakuha.

Hindi ko nga rin alam kay Ma’am Rivera kung bakit ako pa? Haler. Ang dami kayang magaganda sa section namin. Iyon nga lang, medyo ako iyong matangkad sa lahat. Pero hindi iyon sapat na rason para piliin ako!

“Hoy. Natutulog ka ba, Imouto?” sabay sundot niya sa tagiliran ko.

Sa inis ko, pinandilatan ko na siya. “Hindi ka ba nakakaintindi? Ayokong kausap ka. Kaya kung puwede? Manahimik ka na lang diyan?”

Napakurap siya. “Galit ka ba, Imouto? Nagtatanong lang, eh. Kasi ako… k-kinakabahan.”

“Kasalanan mo ‘yan. Sino ba naman kasi ang may kasalanan kung bakit tayo narito, ‘di ba?”

Biglang iniwas ko ang mga tingin ko sa kaniya nang magtagal ang titig ko sa singkit niyang mga mata. Medyo may kung anong kiliti ang nabuhay sa loob ko sa pagkislap ng mga matang iyon.

“S-Saka… hindi ka dapat kinakabahan. Guwapo ka, matangkad. For sure, mananalo ka sa pageant.”

Natameme siya’t pinanliitan ako ng mga mata. Nahagip din ng paningin ko ang paglaro niya sa daliri ng kaniyang dalawang kamay. Tinawag siya ng kapuwa contestant pero parang hindi niya narinig at titig na titig lang sa akin.

“Hoy!” Tinampal ko na. “Tinatawag ka nila, oh!”

Napakurap siya saka saglit na sinulyapan ang grupo ng kalalakihan na tumawag sa kaniya. Umiling siya saka ulit ako binalingan. “Totoo ba iyong narinig ko, Imouto?”

Umikot ang mga mata ko. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na ‘wag mo akong tawagin ng ganiyan? Saka anong ibig sabihin ba ng salitang iyan? Baka minumura mo na ako, ha?”

Humalakhak siya. “You’re funny, Imouto. Japanese word ‘yon, ibig sabihin---”

“Juls?”

Isang magandang babae ang sumulpot sa harap namin. Kumunot ang noo ni Yluj na bumaling sa kaniya na para bang minumukhaan niya iyong babae.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now