CHAPTER 6

104 9 9
                                    


ISANG LINGGO rin akong nanatili sa ospital. Mabuti na lang at bumuti agad iyong pakiramdam ko dahil kung hindi, ikakamatay ko na talaga ang sobrang pagkabagot.

Isang beses lang dumalaw sina Joan at Yiel, siyempre ay school days. Busy rin sa pag-aaral, ‘no! Yiel is a consistent honor student. Samantalang si Joan, magba-valedictorian yata dahil sa sobrang talino.

Well, hindi ko nga naman sila masisisi. Ano bang alam ko sa aral-aral na iyan? Kuntento na ako sa stock knowledge na mayroon ako. At least, kahit papaano ay hindi rin ako bumababa sa pagiging Top Ten. Consistent yata iyon simula nang matapos ako sa pagiging home-schooled.

Hindi rin ako iniwan ni Mama at hinayaan mag-isa sa ospital. But I didn’t need her. Mas okay nga na nasa bahay na lang siya habang nasa trabaho si Papa. At si Kuya naman ay nasa school.

Wala kayang mag-aasikaso sa mga iyon. Knowing Kuya Chris and Papa, parehong walang talento sa pagluluto. Well, kahit ako rin naman.

Okay lang akong mag-isa. Sanay naman na ako. Para hindi naman halata na masiyado silang guilty sa nangyari sa akin.

Nang magpasukan, maaga akong nagtungo sa faculty room para kausapin si Ma’am Rivera tungkol sa pageant. Well, ano pa bang in-expect ko? Tuwang-tuwa si Ma’am na halos bigyan na ako ng korona. Hindi ko alam kung bakit?!

Bumuntong-hininga ako nang maisara ko na ang pinto ng faculty. Dahil kung hindi pa ako lumabas, for sure durog-durog na ang balikat ko sa kakayugyog ni Ma’am Rivera.

“Imouto? What are you doing here?”

Nabuwal ako sa kinatatayuan ko nang biglang sumulpot ang singkit na mga mata ni Yluj sa pag-angat ko ng mukha. Exhaled, inhaled---arujusko! Baliktad yata?

“W-Wala,” nautal kong sabi sabay iling.

Kumunot ang noo ni Yluj at tinitigan ang mga mata ko dahilan para mag-iwas ako ng tingin.

“I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito?”

“I’ll talk to Miss Rivera,” lumungkot ang boses niya.

Napatingala ulit ako sa kaniya. “Bakit?” Ang tangkad mo? Psh.

“Anong bakit?” pairap niyang singhal. “You won’t join pageant, right? I will do so. Hindi na rin ako sasali.”

Hindi na siya sasali? Well, dapat nagdidiwang na ako sa puntong ito. Pero bakit parang tinakasan yata ako ng tuwa at hindi ko dama ang saya?

“B-Bakit naman? Hindi ba masaya ka no’ng in-announce ni Ma’am Rivera na ikaw ang magiging representative ng section natin---”

“Tayo.” He cut me out. “Tayo ang magiging representative ng section natin. But you already declined it, right? So, unfortunately… hindi na rin ako sasali.”

Bumuntong-hininga ako. “Ah, ganoon ba? Sige. Bahala ka. Mauna na ako sa room.”

Tumalim ang mata niyang tumitig sa akin. Lumunok ako’t nag-iwas ng tingin. Pakshet! Bakit bigla yata akong kinabahan sa mga titig niya?

“Ahm…” I laughed awkwardly. “Mauna na ako.”

Agad ko siyang nilagpasan at hindi na binigyan pa ng chance na magsalita. Pero sumulyap ako nang medyo makalayo na ako. Umiling-iling si Yluj nang tulakin niya ang pinto at pumasok na sa loob ng faculty.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now