CHAPTER 16

31 7 13
                                    

“NARINIG MO ‘YON?”

Natigilan ako nang umabot sa pandinig ko ang mahihinang kaluskos at pagkadurog ng mga tuyong dahon sa hindi kalayuan. Paano kung may ibang taong nakarinig sa usapan namin ni Yiel? Pakshet! Patay ako nito.

“Wala naman. Ang alin ba?”

“May kumaluskos sa bandang iyon,” sabay turo ko sa isang puno ng narra na malapit sa kinatatayuan namin.

Napayapos sa mga braso si Yiel at tiningnan ang puno. “Ano ba ‘yan, Kath! Ki-tanghali, eh, kung ano-anong naririnig mo.”

“Hindi. May narinig talaga ako…”

“Hay naku! Halika na nga. Hindi ka naman gutom para mag-imagine riyan ng kung ano-ano.”

Napatingin ulit ako sa puno. Hindi ako maaaring magkamali, parang may tao talaga roon. Lalapitan ko sana para i-check. Pero marahan na hinampas ni Yiel ang bumper ng kotse ni Joan dahilan ng pagkakatigil ko.

“Ano ka ba, Kath! Halika na! Baka hinahanap na tayo sa loob. Naka-lock itong mga kotse kaya safe na. Wala naman sigurong carnapper sa village na ito, ‘di ba?”

“Titingnan ko lang saglit—”

“Katherine naman! Tinatakot mo ako!” She sighed. “Guni-guni mo lang ‘yan. Baka pusang ligaw lang iyon. O hindi kaya… i-ibon. Naririnig mo ba ‘yong mga huni nila?”

Napatango ako. Well, marami ngang ibon ang nagkalat sa mga sanga ng puno. Baka nga tama siya, ibon lang iyon.

“Tara na?”

Napangiti ako, inaalis ang pagkabahala. “Tara na.”

All in set na sa salas. Si Yluj na isinasatuno na ang kaniyang gitara samantalang sina Sophia at Joan, sitting-pretty sa couch habang nag-uusap tungkol sa magazine na hawak.

Nakabukas ang malaking TV, dahilan para hindi nila mapansin ang pagpasok namin ni Yiel.

Tumikhim si Yiel, nakuha naman ang atensyon nila.

“You’re here, Imouto. So let’s start?”

“Eh, tungkol diyan… ‘di ba may gagawin pa tayo Joan at Sophia?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Yiel sa dalawa.

Kumunot ang noo naming tatlo, pare-parehong hindi makuha ang gustong ipahiwatig ni Yiel. Well, maliban kay Yluj. Hindi niya kasi narinig si Yiel nang magtungo siya sa kinaroroonan ng TV para i-off.

“H-huh?” si Joan. “Sophia and I were talking about Kath’s outfit sa pageant. So what are you talking about?”

“Is there any problem?” kuryusong tanong ni Yluj, napansin ang kakaibang tinginan nilang tatlo nang makabalik.

“Kasi… may gagawin pa kami. Magre-review tayo, ‘di ba?”

“Yeah, right!” Sophia snapped. Agad niyang kinuha ang shoulder bag niya at tumayo, may kakaibang ngisi sa labi. “Magre-review pa pala kaming tatlo. Sorry but we have to go.”

“Hontōni? Saan kayo? Puwedeng dito na rin kayo.”

“Oo, tama! Dito na lang kayo,” sang-ayon ko.

Pero nalusaw ang ngiti ko sa labi sa marahan na pag-iling ni Sophia.

“Nah. Kina Joan kami. Right, Jo?”

“H-huh?” halos wala pa rin sa sarili si Joan, gulong-gulo sa mga nangyayari.

“You promised that you’ll treat us after our review!”

“Did I?”

“Oo kaya! Kaya hali na kayo. Maghahapon na.”

Hinigit na ni Yiel ang dalawa palabas. Ako? Natutulala sa nangyayari. Ano ba kasing pinaplano ni Yiel? After confessing my feelings to her, ito ang gagawin niya? Pakshet! Anong gagawin ko? Tuluyan na ngang susuluhin namin ni Yluj ang bahay.

“S-sandali,” pigil ko.

Sophia giggled. “Enjoy!”

Makahulugang tiningnan ako ni Yiel at kumindat saka lumabas na ng pintuan. Alam ko na ngayon kung anong binabalak nila. Tsk! Anong gagawin ko?

“Ahm,” Yluj cleared his throat. At hindi ako makatingin sa kaniya ngayong napag-isa na kami. “I guess… we should start?”

Bumuntong-hininga ako. Wala nang nagawa kundi ang tumango kahit nakatalikod ako sa kaniya.

Nagsimula na siyang mag-discuss kung anong magiging atake namin sa kanta. And as usual, napatango na lang ako sa bawat suhestiyon niya at nanahimik sa couch. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang mag-partner pa. Yes, partner nga ang bawat year, strands at section. Pero individual pa rin ang magiging scoring ng bawat candidates.

Sinimulan ko ang pagkanta sa unang verse. Samantalang si Yluj ay nag-strummed na sa kaniyang asul na gitara. Hindi siya nakatingin sa akin, naka-focus lang sa gitara, kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para pagmasdan ang mukha niya.

No doubts. He’s truly a handsome Japanese. Bumagay ang mala-bulaw at magulo niyang buhok sa liit ng kaniyang mukha. Makakapal na kilay at pilik-mata na nagtatalukbong sa kaniyang singkit na mga mata. Matangos na ilong at manipis na labi…

I stopped singing. Napalunok ako nang matutok ang mga mata ko sa kaniyang labi. Sa kulay rosas at mamasa-masa, parang nang-aanyaya ang mga ito.

“You stopped. May problema ba, Imouto?”

Napakurap ako nang sa akin na natuon ang pansin niya. “W-wala… k-kinapos lang ako ng hangin,” sabay paypay ko sa sarili gamit ang mga daliri nang mag-init ang katawan.

“Your face is getting red,” kunot-noo niyang usisa. “Are you okay, Imouto?”

“W-wala. Medyo mainit lang.”

“Mainit? Do you want me to adjust the air-con?”

Umiling ako. “H-hindi na…”

“But I already set it in the maximum level. So, you want us to rest and go outside instead? Pero mas mainit sa labas.”

Napabuntong-hininga ako. Kakasimula lang namin pero magpapahinga na agad? Psh. Is that a reasonable solution just to cool down my burning and beating heart? Hindi, Katherine. Tss!

“’Wag na. Magpatuloy na lang tayo.”

Yluj pouted his lips. “What if we’ll bake cookies first? What do you think?”

“Hala. Hindi ako marunong magluto—”

“Mag-bake…” He smirked. “Malayo iyon sa pagluluto.”

“Still, hindi ako marunong. Mag-practice na lang tayo.”

But Yluj shook his head, remained etching a playful smirk on his lips. “I insist. I’ll teach you how to bake my cookies.”

Nilapag niya ang gitara niya sa couch at tumayo. Napatitig na lamang ako nang maglahad siya ng kamay sa harap ko. What should I do now?

“Come one. This will be fun, Imouto. Watashi wa sore o kakushin shite imasu.”

“Ha? Ano ba iyong huli mong sinabi?”

He chuckled. Mas inilapit niya ang kaniyang kamay sa akin. “Stood up first then I will tell you.”

I hissed. Napairap na lang ako saka tinanggap ang kaniyang kamay at tumayo, napipilitan. Well, sobrang lambot ng kaniyang palad. Nahiya naman iyong magaspang kong kamay.

“I said I am sure of that.” He laughed.

Psh. Iyon lang naman pala ang meaning noon? Tsk!

“Hmm…”

“Yes?” taas-kilay niyang tanong, hindi maalis ang ngisi sa labi.

“Puwede bang ‘wag kang mag-Japanese? O hindi naman kaya, i-translate mo na lang agad?”

Kumunot ang noo niya. “And why is that?”

“Eh, hindi ko alam kung minumura mo na ba ako o ano!” naiiling kong pahayag saka humalukipkip.

“Okay. Come and let’s burn my kitchen,” he said jokingly and laughed.

Naiiling na lang akong sumunod sa kaniya. I was right. Kusina nga iyong nasa right side kung saan pumasok noong nakaraan si Yluj. Napasulyap ako sa hagdanan. Mahaba iyon papunta sa itaas at malalaki ang bawat baitang, tama lang sa mahahabang binti ni Yluj. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kuryusidad kung anong naroon sa ikalawang palapag.

“Imouto, hayaku narimasu ka, soretomo mochiagete hakobimasu ka?”

Kumunot ang noo kong bumaling sa kaniya. May pilyong ngiting nakaukit sa kaniyang labi na para bang may sinabi siyang kalokohan. “Anong sinabi mo?”

“Huh? Me?” Biglang sumeryoso ang mukha niyang itinuro ang sarili, nagmamaang-maangan. “I just said faster.”

“Iyon ba iyon? Parang hindi naman yata.”

Humalakhak siya at lumapit sa akin. Agad na tumigil ang mundo ko at parang bumagal ang paglakad ni Yluj. Iyong saya sa kaniyang mukha, nagpakalabog nang sobra sa aking puso. And the butterflies on my stomach flew and danced in triumph.

Nang makalapit si Yluj sa akin, marahan niyang kinurot ang mga pisngi ko. And the electricity from his fingers suddenly streamed on my body. Na para bang mas kinikiliti ang mga insekto sa loob ng aking tiyan.

“You’re so cute.”

Even his voice slowed and made my cheeks hotter. Ano bang nangyayari sa akin? Psh.

“Imouto?” he called as he waved his hands in front of my face.

Napakurap ako at napalunok. “H-ha?”

“Sabi ko halika na.”

“Ah, oo! Tara!” sabay lagpas ko sa kaniya.

Umugong ang mapaglarong halakhak ni Yluj sa likod ko. I let out a sigh and closed my eyes tightly, kinakalma ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso.

Yluj prepared the ingredients neatly. Palihim akong humanga sa linis niya sa kusina. Ako? Kahit itlog na nga lang ang ipiprito, makalat at hindi pa maayos ang pagkakaluto.

Iyon yata ang namana namin ni Kuya Chris kay papa. Kaya walang choice si mama kundi ang magluto para sa amin. Gusto man nilang mag-hire ng katulong, hindi nila magawa. Siyempre… because of my conditions.

Iyon na naman iyong kondisyon ko.

“Are you listening to me, Imouto? Baka natutulala ka na riyan sa kapogian ko.” He winked.

I rolled my eyes and hissed. “Ang feeling naman.”

“Ouch!” sabay hawak niya sa kaniyang dibdib na para bang nasaktan talaga siya sa biro ko. “You’re too harsh to me, Imouto.”

Napaismid ako. “Ilang beses ko bang sasabihin na ‘wag mo na akong tawagin ng ganiyan?”

He pouted as he arranged the cookies on the tray. “Why? Ang cute kaya. Imouto… baby!”

Pinag-initan na naman ako ng mga pisngi. Tsk! Naiiling na lang akong pinanood siyang ilagay ang tray sa oven. Patpatin man, bumagay pa rin sa kaniya ang itim na apron.

“Sigurado kang masarap ‘yan, ha?” liko ko sa topic.

“Yes, of course. This cookies was made with love,” he said softly, his eyes shining brightly.

Napailing na lang ako nang malambot na pumilantik ang kaniyang mga daliri. “Are you gay?” sabay halakhak ko.

Tumayo siya nang tuwid. “Lie. Halikan kaya kita riyan.”

“Lie?” tanong ko, kunwaring hindi binigyan ng pansin ang huli niyang sinabi. “Sinungaling?”

He shook his head as he went to the sink and washed his hands. “No.”

“Anong ‘no’? So anong meaning noon?” Humalukipkip ako at sumandal sa granite na mesa.

He smirked and glanced at me. Kung nakamamatay sana ang ngiti… arajusko! Kanina pa sana ako humandusay sa gintong tiles na sahig. Tsk!

“No.”

Kumunot ang noo ko. “N-no?”

“Hindi.” Lumapit siya at titig na titig ang mga mata sa akin.

I stunned and swallowed the lump on my throat. My heart skipped a beat. For once, muling tumigil ang mundo ko at tanging ang marahan na paglalakad lang ni Yluj ang nakikita ko.

Nanlaki nang husto ang mga mata ko sa paglapit ni Yluj sa mukha ko, may lasing ang mga mata.

“Now, can you please confess your feelings for me?”

“H-ha?” nabasag ang boses ko.

“You know what…” His gaze down on my lips and I can’t helped myself but to control the urge to kiss him. “I know your little secret.”

Nababahala, agad akong kumurap at tangkang iiwasan sana siya pero bigla niyang itinukod ang mga braso sa gilid ng mesa.

“A-ano bang pinagsasabi mo?”

He smirked. “Magaling kang mag-deny. But your eyes twinkled as our eyes met. And you can’t deny the fact the you have feelings for me.”

“Ang kapal—”

Natigilan ako nang mas inilapit pa ni Yluj ang mukha niya. Naduduling, nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa kaniya.

“W-what are you doing?”

He looked at my lips and then into my eyes. “Again, I love you, Katherine. Hindi ko alam kung paano nangyari. But my world stopped every time I looked into your eyes.”

“Yluj…”

“Can I court you?”

Natameme ako.

“I know you do feel the same. Takot ka lang. Because of the heartaches that you felt with your ex. Pero promise… I will not do it to you. I am far from that bastard.”

Napangiti ako at marahan na napatango. “Okay.”

“Okay?” Yluj raised his brows.

“Puwede ka ng manligaw.”

He shook his head. “No, that’s not what I meant…”

“H-ha? ‘Di ba tinatanong mo kung puwede kang manligaw?”

“Yes, but I want to know if you feel do the same?”

Nag-init ang mga pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Pakshet! Ganito ba talaga ito? Bakit kay Justine, hindi ko naramdaman ang ganito? Psh.

I slowly nodded and Yluj jumped and screamed with triumph. The oven alarmed. Naiiling na lang ako at itinulak siya para ituro ang oven.

He stopped and checked the cookies.









Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now