CHAPTER 24

62 7 14
                                    

"KATH?"

Napatingin ako sa kanya. Tears started looming at her almond eyes. Nanatili akong nakatitig sa kanya kaya nag-iwas siya ng mga mata.

"Sorry... Hindi ko expected na ganoon pala kalala 'yong mangyayari..."

Nanatili akong tahimik at seryosong nakatingin sa kanya habang marahan niyang dinadampi ang bulak sa noo ko.

She bit her lips and looked at me guiltily. "Sorry talaga. Expected ko lang that... you will be disqualified from the contest."

Tumango ako.

Mark cleared his throat. Nag-angat sa kanya ng tingin si Cassandra. Pero ako, nanatiling nakayuko. Yes, I was thankful that they saved me from the embarrassment. At nagpapasalamat ako na dinala nila ako sa kotse at ginamot. Pero hindi pa rin maialis sa akin ang takot dahil minsan na rin nila akong b-in-ully.

"G-good thing that Marky was also there."

Bumuntong-hininga ako. Saka ako nag-angat ng tingin sa lalaking nakatayo at nakahilig sa may pintuan ng kotse.

"Salamat," sabay yuko. "Salamat sa inyong dalawa dahil tinulungan ninyo ako."

"Nakausap ko si Mariel kanina, maayos na raw ang mama mo," si Mark.

Nag-iwas ako ng tingin. Pinilit na tinitigan ang mga daliring naglalaro sa bawat isa sa aking kandungan. Gusto ko sanang pigilan ang pagbulwak ng mga luha, pero sa isang pagkurap ng mga mata, agad nang bumuhos ito.

Doon... Doon ko lamang naramdaman iyong pagod, kirot, at sakit. Oo, masakit na nangyari na naman ang lahat ulit. Kung saan para bang buong sanlibutan ay hinuhusgahan ang pagkatao ko. Pero napagtanto ko na wala ang lahat na iyon sa sakit kapag naiisip ko ang mga paghihirap nina mama at papa para itago ang kung ano talaga ako.

Iyong mga sinakripisyo nila para sa akin. 'Pagkatapos, sila pa ang sinisisi ko kung bakit nangyayari itong lahat. Napakasama kung anak sa kanila. Na sa lahat na ginawa nila sa akin, ni hindi ko man lang iyon nakita at halos galit pa ang naisukli ko.

"Do you feel okay now? If not... dadaan tayo sa clinic ni mom," nakangiting sabi ni Cassandra.

Tapos na ang paggagamot niya sa akin. At hindi na kailangan pang pumunta ng clinic. Okay na ako. Maayos na. Medyo may kirot pa rin akong nararamdaman sa bandang noo ko, pero kaya naman.

Bumuntong-hininga ako at umiling. "Hindi na. Hindi na kailangan."

"Sure ka?"

I nodded. Bumaba na ako sa kotse nila. Pinilit na ihatid ako. But I declined it. Wala rin silang nagawa kundi ay ang hayaan ako. Hindi rin naman ako magpapapigil.

Nakalayo na ako sa Gymnasium at mas piniling dumaan sa back gate. Dito kasi, walang dumaraan. Baka kapag sa front gate ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin... kapag nakita ako ng mga tao.

Hanggang ngayon, bumabaon pa rin sa puso ko ang galit, poot, at pangungutsa nila. Na para bang isa akong malaking problema ng mundo na walang gamot. Walang lunas. Mas malala pa sa mga epidemya na nangyari na at kumitil ng maraming buhay sa buong mundo.

Tumama sa mukha ko ang liwanag mula sa flashlight na tanging tanglaw sa daan. I stopped and tightened the grip from the tip of my gown and sandals. Bahagya akong napapikit at pilit tinatanaw ang isang bulto ng lalaking papalapit.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now