CHAPTER 15

38 7 20
                                    


MY EYES widened in fraction when I saw them talking. Paanong hindi? Eh, si Cassandra iyon! Cassandra Alvarez, the meanest of them all. Sariwa pa rin hanggang ngayon iyong ginawa niya sa akin na halos ikamatay ko na. Paanong nakakapasok pa rin siya sa SAVS? Sa pagkakaalam ko, na-expelled na sila sa school. Well, hindi ko na nakikita iyong mga alipores niya. Pero bakit narito pa rin siya?

“Ate Kath,” sabay lapit sa akin ni Julene. “She was just talking to me. Gusto niya raw kasing makipagkasundo na sa ‘yo. Kaso hindi niya alam kung saan ka hahanapin. ‘Di ba, Ate Cassy?”

Umikot si Cassandra matapos i-flipped ang mahaba niyang buhok at may ngising humarap sa akin. “Yeah. Ayaw ko nang gulo sa buong campus. That’s what I promised to mom and dad. So can we be friends?”

Napatingin ako sa braso niyang mahaba na nakalahad sa harap ko. Peking mga ngiti ang nakaukit sa pula niyang labi, sigurado ako roon. I once saw it when she helped me out with Mark. At dahil oto-oto, naloko niya ako. At ngayon, ginagawa niya ulit sa akin ang drama niya? Pakshet! Should I believe her now? No way.

Ngumiti ako, hinayaan lang ang kamay niya sa ere. “Sa pagkakaalam ko, expelled ka na. Kaya anong ginagawa mo rito?”

“Ow, sorry for that. But I am still with my uniform,” sabay ikot niya para ipakita sa akin ang pinaiksing palda ng uniform ng SAVS at blusa niyang sobrang sikip.

“Alam ko, hindi ako bulag.” Napangisi ako at humalukipkip.

“Ow, I didn’t say something…”

“Tapatin mo nga ako. Ano bang pinaplano mo at pati itong si Julene, eh, dinadamay mo?”

“Dinadamay?” She winced at the aggressiveness in my voice. “Wala akong dinadamay, Katherine. Well, I am here like what Julene said… gusto kong makipagbati na sa ‘yo—”

“Hindi ako naniniwala sa ‘yo.”

Tumaas ang kilay niya at matalim akong tiningnan. I did the same. As if na papatalo ako sa kaniya, hindi ba? Hindi maaari. Psh!

Julene cleared her throat. “Ahm… Narito talaga siya, Ate Kath, para makipagbati. ‘Di ba, Ate Cassy?”

Naagaw ni Julene ang tingin ni Cassandra. And to my surprise, biglang umamo ang mukha niya. Ilang saglit siyang natigilan at pilit na inukit ang ngiti sa kaniyang labi bago ako harapin.

“Yeah,” sabay lahad niya ulit ng kaniyang kamay sa akin. “I want world peace. So please? Tanggapin mo na ang kamay ko before I’ll change my mind na?”

Marahang siniko ako ni Julene at nginitian. “Sige na, Ate Kath. Accept her hand. Para wala nang gulo, ‘di ba? Ayos na kayo.”

Napakurap ako kay Julene, mas lalo niya lamang nilalaparan ang kaniyang ngiti. Well, hindi naman masamang makipag-ayos sa kaniya, hindi ba? Pero hindi ibig sabihin nito ay magiging magkaibigan na kami. Hell no!

“S-sige-sige…” sabay tanggap ko ng kamay niya.

“Napipilitan?” Cassandra asked, raising her brow at me.

I smiled. Iyong peking ngiti. Oo, magkaayos na kami. But it didn’t mean that I will forgive her already. Ano siya, hello? Halos ikamatay ko kaya iyong ginawa niya nitong nakaraan sa akin.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now